M&MSB Chapter 14

6.2K 50 4
                                    

Update! :)

---

Chapter Fourteen

JUSTIN's POV

Pano ako magpapakita ngayon sa kanya? Matapos yung kahihiyan ko kagabe. Wala na kong mukhang ipapakita sakanya, punyemas.

Uuwi na nga lang muna ako, dito nanaman kasi ako sa opisina nakatulog eh. Sumasaket na nga likod ko sa pagtulog sa sofa.

Kinuha ko na yung bag ko at nilagay yung mga gamet na kaylangan ko ng iuwi. Pagkalabas ko naman ng opisina si Vanessa naman agad ang bumungad saken.

Naglalakad ata siya nun, pero napatigil siguro siya nung binuksan ko yung pinto ng opisina ko. "Goodmoring sleepy head." Bati niya saken.

"Morning." Bati ko rin sakanya, inaantok pa kasi ako. Anong oras na rin ako nakatulog kanina eh.

"Dito ka na natulog?" Tanong niya, tinanguan ko lang siya. "Obvious nga, look at your hair." Sabe niya at tinuro yung buhok ko.

Napahawak naman ako sa buhok ko. "Okay lang, pogi pa rin ako." Tapos nagtawanan na kame, inayos naman niya yung buhok ko. "Sige, uwi na muna ko." Sabe ko sakanya. At umalis na.

Bumaba na ko dito sa may subdivision namen, lalakarin ko na lang mula dito sa gate ng subdivision hanggang bahay. Malapit lang rin naman kasi eh.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay namen may nakita akong dalawang bata, isang babae at isang lalake. Mukha ngang nag-aaway eh, naaalala ko tuloy yung kababata ko. Lagi kasi kameng nag-aaway nun date eh, pero kahit ganun kame.. Kapag may problema o kaaway kame, lagi kaming andun para sa isa't isa. Kaso wala na yung kababata ko eh, simula nung lumipat sila ng bahay hindi na siya nagparamdam ulit.

Nakakamiss rin maging bata, wala gaanong pinoproblema.

FLASHBACK

"AJ! Tara na! Daliiii! Punta na tayo sa dun sa hide out naten!" Pagtawag saken ni CC, mula sa labas ng bahay namen.

Wala nanaman siguro 'tong magawa kaya kahit tanghaling tapat pa lang ay nag-aaya ng maglaro.

Kaya ayun kahit tinatamad pa ko ay bumangon na ko at bumaba, "Ma, laro lang po kame ni CC ah!" Paalam ko at lumabas na ng bahay. Gusto ko na rin namang maglaro eh.

"Ang aga mo naman, akala ko ba mamaya pa tayo maglalaro?" Tanong ko sakanya pagkalabas ko sa gate ng bahay namen.

"Nakakatamad sa bahay eh! Tara na!" At hinila niya na ko palayo, napatakbo na rin ako.

"Ano namang lalaruin naten ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Akyat tayo sa puno." Tapos tinuro niya yung isang puno malapit dun sa lagi naming tinataguan para maglaro.

"Kaya mo ba talaga!!?" Tanong ko sakanya, andito na kase ako sa isang sanga ng puno. Inaantay ko na lang siya na makaakyat para sabay kami umakyat sa mas mataas pang part.

"O-oo naman!" Sigaw niya, humawak naman siya sa puno at nagsimulang umakyat. Pero nung humawak ulit siya sa isang sanga, "Aray!!" Nalaglag kasi siya.

Natawa naman ako, "Akala ko ba kaya mo?" Tapos nakita kong nakabusangot na yung mukha niya tapos parang iiyak na, "Uy! Okay ka lang?" Tanong ko. "Gusto mo baba na ko dyan?"

"H-hindi. Wag, k-kaya ko pa naman eh." Sabi niya sabay punas ng luha niya sa damit niya. Tapos umakyat na siya ulit.

Hanggang sa nakaakyat na siya sa sa isang sanga na malapet saken, "Paunahan tayo sa taas ah!" Sabe ko sakanya.

Paakyat na sana ko, kaso "A-AJ, teka lang!" Sabe niya, tinignan ko naman siya. "Natatakot na ko eh."

Natawa naman ako sa sinabe niya, "Duwag ka pala eh!" Pang-aasar ko sakanya, pero tinignan niya lang ako. Mukha na nga siyang iiyak eh, "De, sige. Tara na, baba na tayo."

Nung nakababa na kame, mukha na kameng taong gubat, may mga dahon kase na sumabet sa mga buhok namen tsaka medyo nadumihan din mga damet namen.

"Mukha kang unggoy!" Pang-aasar niya saken.

"Kung ako mukhang unggoy, ikaw.. Mukha ka namang gorilla!" Asar ko naman sakanya. Bumusangot naman yung mukha niya. "Ang panget mo, wag ka ngang sumimangot."

Tumingin naman siya saken ng masama, tapos umiyak. "A-aalis na nga *hik* kame b-bukas eh. *hik* tapos... Tapos inaaway m-mo pa ko. *hik*" ngawa naman niya.

"Sorry na." Sabe ko sakanya habang nakasimangot pero iyak pa rin siya ng iyak, "Hindi ba ko pwede sumama sa inyo?" Tanong ko naman sakanya.

"H-hindi pwede. *hik* Sabe kasi n-ni mama malayo *hik* daw yung p-puntahan namin eh."

"Wag ka na ngang umiyak dyan, tumutulo na uhog mo oh?" Pagbibiro ko naman sakanya para tumigil na siya sa kakaiyak niya.

Natawa naman siya ng onte, onte lang. "B-basta promise mo, hindi mo k-kakalimutan ah?" Sabi naman niya saken at inabot saken yung kamay niyang nakatikom maliban sa pinakamaliit niyang daliri. Ang arte.

Nilapit ko rin naman yung kamao ko sa kamao niya at pinagdikit. Tinawanan naman niya ko. "Baket?" Tanong ko sakanya.

"Pinky promise, hindi naman ganyan yun." At inabot niya yung kamay niya sa kamay ko, ginaya ko naman yung ginawa niya kanina. At ayun nga, pinagpulupot niya yung daliri namen. Ganun pala yun.

"Promise AJ, Anthony Justin?" Tanong niya.

"Promise Claire Claudette."

At yun na yung huling pag-uusap naming dalawa.

END OF FLASHBACK

Siya nga 'tong nakalimot sakin eh, hay nako. Wag na nga nating isipin yan, tulog ang kaylangan kong isipin. I badly need a sleep... On a bed.

Nung nasa tapat na ko ng bahay namen, narinig ko na may nagtatawanan. Mukhang may bisita ata si mama, pero sino naman kaya yun? Pumasok na ko sa loob, dahil babalik rin ako sa opisina agad. Pagkabukas na pagkabukas ko naman ng pinto...

"Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis kong tanong sakanya, napatayo naman siya. "Ma, anong ginagawa niyan dito?!" Nagulat naman kasi ako nang makita ko kung sino yung katawanan ni mama, si Claire. Ayaw ata talaga akong tantanan.

"Anak, hindi mo na ba siya natatandaan?" Tanong naman ni mama saken na halatang gulat na gulat sa inasta ko.

Naguguluhan naman ako sa tanong ni mama, "Ma, kilala ko yan. Dati ko siyang katrabaho, pero nagresign siya." Iritado kong sagot.

"Hindi anak, siya si CC. Yung kababata mo. Diba?" At hinawakan niya pa sa braso so Claire.

Nagulat naman ako sa sinabe ni mama, napatingin ako kay Claire. Nakatingin lang rin siya saken, imposibleng siya si CC. Sobrang imposible.

"Ma naman, wala na si CC." Sagot ko, at paakyat na sana ako sa kwarto ko kaso napahinto ako sa tapat ng hagdan sa sinabe ni Claire.

"AJ." Pagtawag niya saken.

Napalingon naman ako sakanya... No, hindi... Hindi pwedeng siya si CC... "Si CC lang ang pwedeng tumawag saken ng AJ... Kaya pwede ba Claire?! Tantanan mo na ko!" At nagpatuloy na ko sa pag-akyat.

Natigilan naman ako. Claire... Claire...

"Promise Claire Claudette."

Claire Claudette.. Claire...

Napalingon ako ulit sa kanya... "Claire? Claire Claudette?!"

---

Oooooooooh, what is this? Sino ba talaga si Claire? Or should I call her CC? Sa buhay netong si Justin? Hm.

VOTE & COMMENT!! :)

•RawrMyLady :3

ME and MY SEXY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon