Chapter 27
JUSTIN's POV
Nakasalumbaba akong nanonood nang narinig kong bumukas ang pinto, agad ko ring narinig ang tunog ng mga yapak niya na papalapit sa direksyon ko. Tinignan ko saglit ang oras at bumalik rin sa panonood. Napansin kong medyo ginabi na naman siya ng uwi.
"Hey." Rinig ko ang ang pagod sa boses niya.
Hindi ako umimik at nagpatuloy sa panonood. Wala akong ganang makipag-usap o makipag-talo. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya lumakad palayo. Nang sa tingin ko ay pumasok na siya sa kwarto niya ay napabuntong hininga rin ako at napahawak sa bridge ng ilong ko. Pinikit ko ang mga mata ko at naalala ko nanaman ang nangyari ilang araw na ang nakalipas.
Hindi ako nakaimik, hindi ako nakasagot.. Binuksan ko ang mga labi ko para magsalita pero walang lumalabas na salita, dahilan para mapatikom ako ng bibig. Hinanap ng mga mata ko ang mga mata niya at nang magtagpo ang mga ito ay wala akong nagawa kundi umalis sa opisina niya.
Napamura ako sa ilalim ng hininga ko at napailing. Ano pa bang ginagawa ko dito? Bakit hindi pa ako umaalis dito? Bakit natitiis ko pang naririto ako?
Casual kami sa trabaho, ibig sabihin lahat ng laman ng usapan namin ay tungkol lang sa trabaho at wala ng iba pa. Sinubukan niya akong kausapin, ginusto ko rin siyang kausapin pero kita ko pa rin sa mga mata niya ang nakita ko noong araw na iyon. Blangko at walang kasiguraduhan. Di ko makita na nararamdaman din niya ang nararamdaman ko.
"Justin.." Napadilat ako at halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Nanatili akong tahimik. "Are you still.. Uh--mad? Still not talking?" Aniya.
Pinikit ko lang ulit ang mga mata ko.
"You can't do this to me, Justin. Talk to me."
"Kailan ka pa naging talker?" Sarkastiko at naiirita kong tanong sa kaniya. Ilang segundo ay agad ko ring pinagsisihan ang sinabi ko at binuksan ko ang mga mata ko, nakita ko siya agad dahil nasa harapan ko na pala siya.
Wala na akong kasiguraduhan, kahit kailan wala na. Kaya hindi ko rin malaman kung nasaktan ko ba talaga siya dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko siya mabasa, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nakita ko sa mga mata niya.
"I'm sorry." Sabi ko. "Kumain ka na, may niluto akong ulam at magpahinga ka na rin pagkatapos. Alam kong pagod ka." Tinignan niya lang ako hanggang sa pumikit siya at nagbuntong hininga ulit. "Um.. Sige, matutulog na ako." At agad kong pinatay ang TV at pumanhik sa guest room, kung saan ako natutulog simula noong araw na iyon.
"Good morning." Bati niya nang bumaba ako, nakaupo siya sa isang stool sa may island counter.
"Morning." Bati ko pabalik at tumalikod sa kaniya para magtimpla ng sarili kong kape. Hindi ko alam kung umaasa ako o nag-a-assume pero ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Kumain ka na?" Tanong ko habang nagtitimpla.
"Nah." Sabi niya na parang ungol kaya napatayo ako ng diretso at agad nakaramdam na para bang hindi ako mapakali.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko at humarap na sakaniya para ilapag sa kabilang side ng counter ang tasa ng kape ko.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.