M&MSB Chapter 22

4.3K 51 5
                                    

(ㆀ˘・з・˘)

----

Chapter Twenty-Two

JUSTIN’s POV

I stood there not knowing what to say or how I should even react. Paano ko nalimutan? Bakit nawala sa isip ko? Na nilabasan ako sa loob niya… Napatingin ako sa kaniya, mukhang seryoso si CC—si Claire sa sinasabi niya.


“Sigurado ka bang akin yan?” tanong ko sa kaniya, nahalata ko naman ang bakas ng gulat sa mukha niya. “I’m sorry.” Bawi ko agad sa tanong ko.


I didn’t mean to be like that. Pero tangina, ano bang inaasahan niyong i-asta ko? Ang ibig kong sabihin, hindi na kasi siya yung kababata na kilala ko. She’s just different, way too different to who she was.


Hindi ko napigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko nang maalala ko kung gaano ko siya pinagtanggol noon kay Catherine. I guess I should’ve listened to her, that was the sign that Claire’s a total mess and I completely ignored it.


“Ano bang problema mo?!” tanong ni Catherine.
 
 
“ANONG PROBLEMA MO?!” pagbalik ko sakanya ng tanong niya. “Ba’t kaylangan mo pang idamay si Claire?! Ha?!”
 
 
“Baket?! Do you like her?! Huh?! Hindi naman diba?! Halata naman eh! Halata namang napipilitan ka lang sumama sakanya!”
 
 
“You don’t know her.” Sabi ko sakanya, dinuro ko pa siya bago tumalikod.
 
 
“Why Justin? Do you? Do you really know her that well? Sabihin mo nga saken? Kilala mo na ba talaga siya Justin?”
 
 
Napipe naman ako dun, pero.. “I do.”
 
 
“Oh, really? Do you know that she’s been into drugs? That she’s been sent to jail? That she has her own family? That she has a husband? That she’s has 2 ki—“
 
 
“TAMA NA!!” sigaw ko sakanya. Natahimik naman siya, “Wala akong pakealam kung ano siya, kung may pamilya na siya, kung may anak na siya, dahil hindi ko naman siya papatulan! At wala rin akong pakealam sa nakaraan niya! Ang mahalaga nagbago na siya, eh ikaw? Kelan ka magbabago? Ha?! Kelan mo ititigil ‘tong pagba-blackmail mo saken? Kelan mo tatapusin yung paglalaro mo saken? Kelan?!”
 
 
“Blackmail? Nakalimutan mo na bang ikaw ang may gusting makabalik sa trabaho mo? Pinagbigyan lang kita! At hindi kita pinaglalaruan, ikaw lang ‘tong masyadong apektado sa mga nangyayare.”
 
 
“Pinagbigyan? Pinagbigyan saan? Sa sex?! For God’s sake! Alam mong hindi yun ang habol ko, ang habol ko lang naman ay ang makabalik sa trabaho ko! Ikaw ‘tong may gusto na gawin yun, you forced me to do it! I didn’t even want to do it the first time! Pero pinilit mo ko, you abused my weakness as a man! Palibhasa wala kang pakealam kung sino mang makasama mong gawin yun!”
 
 
“You don’t know anything about me! So don’t you dare judge me!”
 
 
Natawa naman ako, “I don’t know anything about you? Well, you’re wrong. I definitely know one thing about you Catherine; YOU’RE WORSE THAN A SLUT.”


I absentmindedly put a hand on my cheek at natawa nanaman ako ng bahagya, sinampal pa ako noon ni Catherine dahil sa pag-tatanggol ko sa kaniya and look and what happened. I impregnated her.


I looked up at the sky. Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang bulyawan, gusto kong umalis dito at pumunta kay Catherine. Napabuntong hininga na lang ako, pang-ilan ko na ba ‘to ngayon gabi? Tinignan ko si Claire at halata namang nagtataka siya sa kinikilos ko.


At heto ako, naniniwala agad sa kaniya. Napatingin ako sa mga taong nagsisilabasan at nagsisipasukan sa bar. Nagsimula nanaman akong mainis sa kaniya. Hinablot ko yung kamay niya at kinaladkad siya. Nagrereklamo siya at pilit na kumakawala pero binalewala ko lang yun at patuloy na naglakad ng mabilis.


Tumigil ako sa tapat ng isang drugstore at marahas na binitawan ang kamay niya. Tinignan ko siya ng masama bago ako bumili ng halos isang dosenang PT na magkakaiba ng brand.  Nagtaka pa nga yung nag-assist sa akin at nagtanong. “Baka kasi ginagago ako nung kasama ko.” Sagot ko sa kaniya sabay abot ng bayad.


Inabot ko sa kaniya yung plastic bag na pinaglalagyan nung mga PT. Nagulat naman siya pero hindi ko siya pinagsalita. “Gusto ko ng patunay. At kung buntis ka man at kapag nalaman kong hindi akin yan, sinisigurado ko sayong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Seryoso kong sinabi sa kaniya. Kung wala lang akong respeto sa mga babae baka binato ko na sa kaniya yung plastic bag kanina.


“Uhh—ano—saan ba pwedeng ano…?” parang nahihiya niya pang tanong.


Gusto ko sanang sabihin na dito na sa tapat ng drugstore dahil naiinis ako ng sobra sa kaniya. Alam kong kasalanan ko rin naman talaga at pinatulan ko pa siya pero tangina lang talaga.


Nagsimula naman na akong maglakad papunta sa isang fast food na 24hrs na open. Tumango naman ako sa kung saan yung daan papunta sa cr. “Ayoko ng isa lang ang gagamitin mo dyan. Binili ko yan para makita kung nagsasabi ka nga ng totoo kaya wala akong pake kung lahat gamitin mo. Gusto ko ng patunay, naiintindihan mo ba?!” sabi ko sa kaniya at agad din naman siyang tumungo sa cr.


Bumili ako ng makakain at naupo para antayin siya. Nang makalabas siya ay tumango ako sa labas at sumunod naman siya.


“Patingin.” Sabi ko sa kaniya. Nang hindi siya gumalaw, “Patingin sabi!” sigaw ko sa kaniya.


Wala akong pake kung may makarinig sa amin at kung pagtinginan kami ng mga tao. Hindi naman makatingin sa kaniya si Claire.


“Ano?! Kasinungalingan nanaman kasi kaya wala kang mapakita sa akin ngayon? Ha?!” pag bulyaw ko sa kaniya. Nagsisimula nan gang may tumingin tingin sa direksyon namin. “Asan na?” pilit kong kalma sa sarili ko.


Wala pa ring imik at magkahawak lang ang dalawang kamay habang nakatingin sa lupa. Yung bag na pinaglalagyan ng mga PT ay nakasara at nakasabit pa rin sa mga daliri niya sa kamay.


“Ipakita mo sa akin, Claire, kung ayaw mong may magawa akong hindi maganda sayo.” Pagbanta ko sa kaniya. I’ve had enough thinking of my problems with Catherine tapos gagaguhin niya pa akong ganito?


Binuksan din naman ni Claire yung bag st sinilip yun ni Justin. Napatingin siya agad kay Claire at sinubukang kalmahin ang sarili matapos makita na puro negative ang kinalabasan sa mga PT.


“Claire, alam kong tanga ka na pinipilit mo yung sarili mo sa akin noon. Pero ibang usapan na ‘to eh, seryosong bagay yung mga ganito!”—Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit—“Babae ka pa rin, Claire, eh?! Respeto na lang sa sarili mo, please lang.”


Umiiyak na si Claire nang magsalita ito, “I—I didn’t…” nagbuntong hininga siya, “Nagpositive kasi nung tinry ko. Tsaka—“ pinutol ko naman agad ang pagrarason niya.


Hiniwakan ko siya sa magkabilang braso niya, “Stop it, Claire. Alam kong iba yung nangyare sayo, na sabay sabay pa silang nawala sayo. Pero please, please…” Halos lumuhod na ako sa harapan niya. “Tigilan mo na ‘to.” At nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya.


Nasa may madilim na lugar na ako nang makaramdam ako ng kamay na humawak sa braso ko. Nang lumingon ako at makita ko kung sino ito, hindi ko napigilan ang ginawa ko.


Hinablot ko plastic bag na bitbit niya pa rin, “Tangina, Claire, ano ba!!” sigaw ko sa kaniya, “Pagkatapos nito,”—binato ko sa pader yung plastic bag at nagkalat yung mga PT sa lapag—“ano naman ang gagawin mo?! Ano pa bang kailangan mong marinig para tigilan mo ko, ha?!” Tinignan ko siya ng masama at napailing na lang sa kung anong kinalabasan ngayon ng batang kilala niya noon.


“Gusto mo samahan kita sa ospital para magpacheck? Gusto mo pahiyain kita dun na nliloko mo ko sa buntis buntis na yan?! O baka naman gusto mong ipacheck kita sa psychiatrist?!” I regretted it the moment I said it. Hindi ako nag-iisip ng mabuti at alam kong sumobra na ako.


“Sorry.” At mabilis na umalis palayo sa kaniya.

--

ME and MY SEXY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon