M&MSB Chapter 8

9.6K 77 2
                                    

LONG TIME NO UPDATE, SORRY READERS! :(

BEEN THROUGH A LOT FOR THE PAST WEEKS. -______________-

E-N-J-O-Y!!! :*

----

Chapter Eight

JUSTIN’s POV

 

Natigilan ata sila sa pagbukas ko ng pinto dahil nakatingin silang dalawa saken.

Parang ilang oras na kong andun, nakahawak pa rin sa doorknob. Pero tila isang minuto pa lang ata ang nakakalipas nang magsalita yung lalakeng walang suot na pantaas na nakaupo sa upuan sa harap ng desk ng boss ko na nakaupo naman sa desk nya.

Umubo sya ng bahagya, “Uhm.. Cath?” sabe neto.

“Oh Justin, just right on time. This is—“

Hindi ko na sya pinatapos, “Yung files na pinapacopy mo, eto na.” Inabot ko sakanya, at naglakad na papunta sa pinto.

Bago pa ko makalabas, “Make me some coffee.” Sabe nya.

Tinignan ko yung relos ko, “Tapos na office hours ko. Ikaw na lang or iutos mo dyan sa kasama mo. Mukha namang may bago kang kalaro.” At lumabas na ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nababadtrip sa nakita ko, basta nakakainis.

“Justin?” Napalingon naman ako, akala ko yung boss ko. Sisigawan ko sana, si Claire pala.

“Tara na?” pag aaya nya sakin, muntik ko na ngang makalimutan na may lakad pala kame neto.

“Kunin ko lang yung gamit ko sa opisina ko.”

Nung andun na kame, tsaka ko lang nahalata na nagpalit pala sya ng damit. Yung tipong pang party or gimik sa bar, hindi yung pang mga prostitutes ah! Yung pang night party, nacurious tuloy ako.

“Ba’t ka nagpalit ng damit?” tanong ko sakanya.

“H-huh? Ah-eh… Ano kase… Sa club tayo pupunta, dun sa S.I.N CLUB & RESTO na malapit lang dito.” Nahihiya nyang sagot.

“Ah, dun pala. Hindi mo man lang ako sinabihan, buti na lang may damit ako dito.” Kinuha ko naman yung damit ko dun sa isang drawer ko para makapagpalit.

ME and MY SEXY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon