I'm so, so sorry for the late update. Late update due to personal reasons.
---
Chapter Twenty-One
JUSTIN's POV
It's been a day and this is the another day. Eto na ang huling araw bago ang pagbalik namin sa pagpasok sa opisina. Catherine insisted na dun na ako magstay sa condo niya pero ayoko. Kakauwi ko lang ngayon sa bahay.
"Oh, umuwi ka pa." sabi ni kuya habang nanunuod ng tv.
"Eh, ikaw, bakit dito ka ngayon umuwi?" tanong ko sakaniya pagkalapag ko ng gamit ko at naupo sa isang upuan malapit sa sofang inuupuan niya ngayon.
"Hindi ako umuwi, inaantay kita." Tinignan niya naman ako, "San ka ba galing at may dala ka pang bagahe?" tanong niya.
"Wala ka na don." Iritado kong sagot, naalala ko nanaman kasi yung pag-iwas ni Catherine sa mga tanong ko nung nakaraan. "Bakit mo ba ko inaantay?"
"Nag-aaya si Vanessa, kakabalik lang niya. Nag-out of town eh? Alangan naman ako lang sasama edi naging taga-bantay naman ako nun."
"Sus, bakit mo kasi kaylangan bantayan?" natawa naman ako, "Ikaw lang naman 'tong nagbabantay sa taong ayaw naman magpabantay." Pang-asar ko sa kaniya.
Medyo napaisip naman ako sa sinabe kong yun, medyo may tama. Hindi, wala yun.
"Gago, di mo naman kasi alam kung paano yun malasing." Natawa na rin siya ng bahagya. "Ano, magbihis ka na. Palitan mo yang damit mo, mukha kang tanga."
"Tangina mo." Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
@ Some Club Somewhere
"Kamusta, lover boy?"
Napalingon naman ako bigla sa taong nag-salita. Napakunot naman ang noo ko at binigyan ko ng nagtatakang tingin si Vanessa, habang nilalaro ang isang baso ng rum.
Natawa naman siya ng bahagya nang makita niya ang reaksyon ko, umakbay siya sa akin bago nagsalita. "May problem ba tayo, lover boy?" she even sing-song-ed the last two words.
Napailing na lang ako sa kaniya bago ko inubos yung rum sa baso ko. Nag-order pa ako ulit ng isa sa bartender na mukhang naglalagkit ang tingin sa babaeng nakaakbay sakin. Tatanungin ko na sana si Vanessa nang biglaang umepal yung kuya ko.
"Hoy, babae. Lasing ka na, tara na." Hinawakan niya sa braso si Vanessa, "I-uuwi na kita." Binigyan ko naman siya ng isang mapang-asar na ngiti dahil sa narinig ko. "Uh-ano-i-uuwi sa bahay niya." Sabay hawak sa batok niya, tinawanan ko naman siya. "Gago, seryoso kasi."
"Mamaya na, Arthuro." Sabay tulak ni Vanessa ng bahagya sa dibdib ni kuya.
Napatingin naman ako uli kay kuya, "Arthuro!" pag-asar ko sa kaniya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya ng Arthur.
Drunk as she is, walang pakealam si Vanessa sa asaran namin ni kuya. "So, lover boy, anong problema natin?" Si kuya naman ang napatingin sa akin at halatang nagtataka, pero mas pinili ko pa ring manahimik na lang. Kaso mapilit si Vanessa, "Si Ruby ba?"
Napailing na lang ako at uminom ulit sa glass of rum na inorder ko kanina.
"Anong meron?" Tanong ni kuya.
Vanessa even giggled bago siya nagsalita, "Eto kasing kapatid mo, Arthuro, ayaw pang umamin." Tinignan niya naman si kuya at sa kaniya na umakbay, "In love sa kaniyang boss pero wala namang ginagawa." At nagbuntong hininga pa siya.
Tangina talaga. Naalala ko nanaman yung pag-iwas niya everytime na binibring up ko yung subject na yun. "May boyfriend naman na eh." Napapikit na lang ako ng mariin nang sabihin ko yun.
"Hah, really? How come I don't know that? I'm still her friend after all. Pero wala naman siyang nababanggit sa akin nitong mga nakaraang araw." Umupo naman siya sa stool sa tabi ko at hinatak niya si kuya palapit sa kaniya. "And frankly saying, Ruby doesn't do the girlfriend-boyfriend thingy. At least not anymore."
Napatingin ako ulit sa kaniya. Lots of questions are popping on my mind. Doesn't do the girlfriend-boyfriend thingy? Then what does she do? Just sex, is that it? Like what we're doing? Is that what they've been doing when they're together? Tapos anong ibig niyang sabihin sa At least not anymore? And lastly, how come she gets to call her Ruby?
Napansin siguro ni Vanessa ang reaksyon ko. "You'd better move, lover boy. Before it's too late." Sabi niya sabay kindat at tsaka niyakap si kuya. "Let's go, love. I-uwi mo na ko." Napangiti naman si Vanessa sa sinabi niya, "Love." Napailing siya at natawa.
Natawa na lang rin ako, tinignan ako ni kuya ng matagal bago nagbuntong hininga. "Oo na, tangina naman oh." Sabay akay kay Vanessa at tingin ulit sa akin. "Mag-uusap tayo sa susunod." He nod and patted my shoulder.
They left me there with my own thoughts and questions. Napaisip na lang ako kung ano bang alam ni Vanessa tungkol sa amin ni Catherine at nalaman niyang iyon ang pinoproblema ko. Pero mas naiisip ko pa rin kung gaano ba kamanhid si Catherine para hindi mapansin yung ibig sabihin ng mga kinikilos ko. And then pumasok nanaman sa isip ko kung gaano niya iwasan yung mga tanong ko tungkol sa kanila nung Jay na yun.
Pero hindi eh, inalok nga niya akong dun na magstay sa condo niya. I should've accepted it while I had the chance. Na-imagine ko naman yung magiging reaksyon ni Jay kapag nalaman niyang dun na din siya nagstay. But hell, ayoko namang umasa kay Catherine. I'm still a man.
Napaisip naman ako kung ano nga ba ang dapat kong gawin. It took a moment until I knew what I had to do, I smiled at the thought but shook my head once I realized how desperate it was. Bahala na kung anong mangyare.
Napabuntong hininga na lang ako. Ininom ko na yug natitirang rum sa baso ko at nang mapatingin ako sa kabilang side ng counter, nakita ko ang isang babae na dati kong pinahalagahan pero ngayon ay kinamumuhian ko na. Nakatingin din siya sa akin pero ako na ang unang umiwas ng tingin.
Tumayo na ako at mabilis na naglakad palabas. Kung may kotse lang sana ako edi sana nakaalis na ako agad dito. Noted, bibili na ako ng sasakyan. Marami na rin naman akong ipon, nabalik na nga yung shop ni mama eh.
Napamura na lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko.
"We need to talk." She said.
I closed my eyes hard para mapigilan yung inis na namumuo sa akin. "Wala na tayong dapat pag-usapan." Sagot ko sa kaniya nang hindi siya nililingon.
"Importante 'to, AJ." Sabi niya, hinawakan naman niya ako sa braso nang hindi ko siya nilingon. "AJ naman..." panimula nanaman ng pagpapaawa niya.
Naihilamos ko na lang sa mukha ko yung mga kamay ko sa inis. "Pwede ba?!"-tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko at nilingon ko siya-"Wag mo na nga akong matawag tawag na 'AJ'!" bulyaw ko sa kaniya.
Napapikit siya at huminga ng malalim bago siya nagsalita. "I'm sorry for what happened." Sabi niya, hahawakan niya sana ako ulit pero umatras ako ng bahagya.
"Ano bang kailangan mo?" iritado kong tanong sa kaniya.
Tumingin siya sa paligid namin bago nagsalita ulit. "Sigurado ka bang dito mo gusto pag-usapan?" tanong niya at tinignan ako nang diretso sa mata.
Nang tignan niya ako, nakita ko na sa mga mata niya na hindi ko magugustuhan yung sasabihin niya. At dun bumalik lahat lahat sa akin yung nangyari sa amin. Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko.
Napansin niya siguro yung reaksyon ko, hinawakan niya ang kamay ko at sinabi ang mga salitang ayokong marinig. "AJ...
I'm pregnant."
---
sorry, guys. (>_<。)
Vote, comment, and be a fan.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
Ficción GeneralA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.
