Chapter Two
JUSTIN’s POV
Natauhan lang ako nang mag-ring yung phone ko.
“Justin! Asan ka na ba?!” sigaw ni Vanessa sa kabilang linya.
“Oh, chill. Andito na ko sa tapat ng building.” Sagot ko naman sakanya.
“Ano pang inaantay mo? Pumasok ka na!”
“Okay ma’am.” At nag-end na yung call.
Pagtingin ko dun sa kaliwa ko, wala na yung babae. Sayang, chix pa naman. Iniisip ko pa rin yung babaeng nakamotor kanina habang nagtanong ako sa may lobby.
“Miss, san yung Market department?” tanong ko dun sa isang babae na nandun sa parang information part ng lobby.
“Sir, may appointment po?” tanong naman nung babae saken.
“Uh… Sa head ng market department, kay Ms. Vanessa.” Sabe ko sakanya. “Anyway, I’m Mr. Rivera.” Tinignan ko naman sya, straight into the eye.
Nakita ko namang namula sya, “Teka lang sir, check ko lang po.” At may kung ano siyang tinignan sa isang notepad. “Sorry sir, pero wala pong nakalagay na appointment to Mr. Rivera si Ms. Del Rosario.”
“Ha? Eh, hindi ba pwedeng tawagan mo na lang sya sa office nya?” Baket ba naman kase ako pinapunta ditto ng wala naman pala akong appointment. Hassle!
Nakita ko namang may denial sya, “Hello, yes. Check ko lang kung meron bang appointment si Ms. Del Rosario sa isang Mr. Rivera?” at tinignan nya ko, nginitian ko sya pero umiwas din agad ng tingin.
Mukhang matagal tagal pa ata ang usapan nila nung nasa phone. Naupo na lang ako sa isang bench, habang nag-aantay ako. Naalala ko nanaman yung babae kanina sa parking lot, ang hot eh! Dito kaya nagtatrabaho yun? Kaso parang hindi naman, baka may binisita lang, o baka napadaan lang dito.
Habang iniisip ko yung babaeng yun, bigla namang nagpakita saken. Naglalakad sya lobby papunta pa sa mas loob ng building.. Hindi ko naman maiwasang hindi sya tignan, kaagaw-agaw naman kase talaga sya ng atensyon. Maganda, Sexy, at Hot! Perfect 10!
“Miss.” Tawag ko dun sa babaeng pinagtanungan ko kanina.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.