UD :) Happy Reading, LOL :*
---
Chapter Eleven
JUSTIN’s POV
Pagdating na pagdating ko sa opisina, sinilip ko agad yung opisina ni boss. Wala siya, sinilip ko rin yung meeting room pero wala namang mga nagmi-meeting. Nasaan naman kaya yun? Usually pag dumarating ako dito sa opisina, andito na siya. Pero ngayon… nauna ako.
Dumiretso na lang ako sa opisina ko at naupo sa office chair ko. Ang boring, sobra. Wala ng kwenta trabaho ko, haybuhay! Nag crumple na lang ako ng mga papel at shinoot isa-isa sa trash can.
“Hindi nga niya ko tinanggal sa trabaho, pero hindi naman niya ko hinahayaang gawin yung trabaho ko. Ayy, ewan!” at nag-shoot ako ulit ng isang papel bago humarap sa bintana.
Ano ba ‘to… ba’t pa ba ko pumapasok? Wala naman na kong ginagawa dito, ako yung secretary niya, pero iba yung tinuturing niyang secretary. Pambihira naman oh, ano pa bang ginagawa ko dito? Ba’t hindi na lang ako umalis?
Inaantay mo kasi siya. Sabi sakin ng isipan ko.
“Hindi ah. Ba’t ko naman aantayin yun? Eh, demonyita yun.”
Kasi nga gusto mong mag-sorry, guilty ka kase. Ang tanga-tanga mo, kung anu-ano kasing pinagsasabe mo eh.
“Ugh. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko.” Umikot ako ulit para magshoot ulit ng mga papel, “Ay! Pu—“ napatakip ako sa bibig ko.
“Gulat ka?” tanong ni Vanessa, natawa naman siya. “Dadalin na ba kita sa mental ngayon? You’re talking to yourself and that’s an obvious sign.” Sabi niya at umalis sa pagkakasandal sa pintuan at umupo sa sofa.
“Kanina ka pa andito?” tanong ko sakanya.
“Uhm.. Medyo.”
“Narinig mo ba lahat? Anong unang sinabe ko?” tanong ko, putek. Sobrang nakakahiya ka talaga Justin! Hay nako, wala ka ng nagawang tama. -_________-
“May problema ka ba? May problema ba kayo?” Pag-iwas niya sa mga tanong ko.
“Meron na ewan. Kame? Wala.” Tapos natauhan ako sa tanong niya, “Teka, anung ’Kayo’?”
“Kilala mo naman kung sinong tinutukoy ko, kaya mo nga nasagot yung tanung ko sa simula palang eh.” Sabi niya, tapos inirapan ako.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.