Chapter Twenty-Five
JUSTIN's POV
"Uhm... Justin?" Narinig kong pagtawag niya sa akin mula sa likod. Hindi ko siya nilingon habang nakaupo sa sofang tinulugan ko kagabi. Patuloy lang ako na nanood ng movie habang kumakain ng iba't ibang chips na pinaghalo ko sa isang bowl. "A-Are you not coming w-with me?" tanong niya.
"Bakit naman ako sasama sayo?" tanong ko sa kaniya. Nagtagumpay naman akong itago ang pagkainis ko nang tanungin ko siya.
Hindi ko talaga siya maintindihan! Ang gulo-gulo niya talaga kahit kalian! Napapikit ako ng mariin sandal nang maalala ko nanaman yung pagtataboy niya sa akin at pag-iwas. Napailing na lang ako.
"You're my secretary." Simple niyang sagot pero may bahid ng awtoridad. "I need you there."
"Dadaan ba dun yung unggoy?" tanong ko na nagpakunot sa noo ko.
Makaramdam ka naman! Kakaiba ka talagang babae ka.
Hindi siya agad sumagot. Gusto ko na sana siya lingunin pero nagpigil ako.
"Uhm..." Mukhang nagdadalawang isip pa 'to sa isasagot niya ah? "Maybe? I guess. I'm never really sure about that."
Sige! Baka siya hayaan mong hawakan ka!
Napasinghal ako sa sinabi niya at napailing ulit. "Itetext na lang kita o tatawagan para sa schedule mo ngayong araw. Lahat naman ng documents at reports na ipinasa ng ibang department ay nasa desk ko. Yung sa Cebu naman sasabihin ko na directly sayo na lang i-fax yung reports." Sabi ko sa kaniya ng hindi humaharap para tignan siya.
"'Kay." Aniya matapos ang ilang sandali.
Kainis! Enjoy na lang kayo. Tsk.
Narinig ko ang tunog ng sapatos niya na palayo sa akin. Ang pagbukas ng pinto at ang padabog na pagsara nito. Napalingon ako dun. Napakunot naman ang noo nang makita kong andun pa siya. Nakakunot din ang noo, nakataas ang isang mataray na kilay, nakatikom ang mapulang labi, at mga matang binibigyan ako ng tingin na parang papatayin niya ako.
Nalaglag ang panga ko sa gulat nang mapagtanto kong galit siya. Shit, shit, SHIT! Galit siya!
Nilapag ko agad ang bowl ng chips sa tabi ko para tumayo pero paglingon ko ay nakita ko na lang na pasarado na ulit ang pinto. Agad naman akong tumakbo para habulin siya. Wala ng pakealam kung nakapaa lang ako. Pagkalabas ko palang ng pinto ay nandun na siya sa elevator.
"Catherine!" tawag ko sa kaniya habang tumatakbo papuntang elevator. Lumingon siya sa akin at inirapan ako bago nagsara ang pinto ng elevator. "Pambihira!" Sigaw ko sa inis bago naglakad pabalik.
Anong problema niya? Ako nga dapat ang mainis dito! Kung itaboy niya ako at kung lumayo siya sa akin parang hindi niya makakaya na hawakan ko siya. Kainis talaga! Tapos ngayon galit na rin siya sa akin?
Kaninang umaga lang kinuhanan niya pa ako ng litrato tapos titignan ko lang kung may sakit ba siya o ano... kung makadistansya... "HAY NAKO!" sigaw ko habang pinipisil ang bridge ng ilong ko.
Ang ganda ng gising ko. Ang pangit naman ng mga sumunod na nangyari.
Pambihira talaga. Ang gulo-gulo!
CATHERINE's POV
Napahikab ako. Tinignan ko ang orasan at past 10 na pala. Inistretch ko ang batok ko na kanina pa sumasakit dahil buong araw yata akong nakatuon dito sa mga dokumento sa desk ko.
Tinignan ko naman lang board sa tabi ko. Isa na lang para ngayong araw. Kinuha ko ang phone at tinawagan siya.
"V." sabi ko agad nang sagutin niya, "May files akong iniwan sa desk mo kanina. Nakita mo ba?" tanong ko habang nagliligpit ng gamit.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.