JUSTIN's POV
Mali nanaman ba? I know, I know. Wala naman talagang kasiguraduhan kung anong meron kami ever since eh. At okay lang dapat sa akin na ganito, na hindi mutual. Dapat okay lang sa akin pero hindi. Hindi ko rin nagawang itago ang nararamdaman ko at tumayo na ako para lumabas ng kwarto.
"Justin, wait." Aniya nang nasa may pintuan na ako. "It's not that I don't want to.. It's just that.."
Lumingon ako para tignan siya. "What, Catherine? Pwede bang pakiklaro na ang lahat? Ano ba tayo? Ano bang meron sa ating dalawa?"
"We're.. Uhm.. We.." Hinintay ko siyang tapusin kung ano mang balak niyang sabihin pero wala, ni hindi man lang niya matapos tapos o madugtungan manlang.
"Simplehan na lang natin." Tinignan niya ako. "Ano ba ako sayo?"
Nanlakiang mga mata niya at napahawak siya sa dibdib niya. Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. "You're my--"
"No, Catherine! Don't! Don't even go there." Sigaw ko na nagpatigil sakaniya sa pagsasalita. Hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko at tinignan siya ulit. "Maliban sa secretary? Yun lang ba? Secretary at sex lang?"
Binalot kami ng katahimikan. Hindi niya ako masagot. Hindi na dapat bago sa akin 'to, dapat nga inasahan ko nang mangyayari 'to.
"I-I.. I don't know."
This is pointless. I should've known better. Tinalikuran ko siya dahil hindi ko naman inaakalang magiging ganito kasakit ang rejection niya.
"Ayos lang, Catherine. Mali ko din na pinipilit ko ang sarili ko sayo, na pinipilit ko na magustuhan mo rin ako. Maybe it was just really.. A casual sex? Hindi ko na rin alam."
"Justin, no. Please." Narinig ko ang pagbangon niya. "It's not just that.. You're not just my secretary.."
Ramdam kong malapit lang siya sa akin, naaamoy ko na ang body wash niya mula sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at halos mapatalon ako sa haplos niya. Pero agad din namang nanlambot ang katawan ko.
Hinaplos niya ang braso ko hanggang sa hinawakan niya na ang kamay ko. "Will you look at me, please?" Rinig ko ang sinseridad sa boses niya.
Hindi ko siya matiis. Unfair. Nilingon ko siya at agad niya akong niyakap. Di ko napigilan at niyakap ko rin siya pabalik. Sinimulan niya naman akong halik-halika sa leeg ko.. alam ko na kung saan nanaman mapupunta to.
"Catherine.." pag-angal ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at bahagyang nilayo sa akin. Tinignan niya ako, nakikita ko ang pagkabigla at pagkalito sa mga mata niya. "Stop."
Umatras siya at kumalas sa hawak ko. Sinubukan ko siyang lapitan pero hinarang niya ang dalawang kamay niya sa harap ko, pinipigilan niya akong lumapit. Gusto ko na lang siyang yakapin. Kumunot ang noo niya at tinignan ako.. tinignan niya ako na parang sinaktan ko siya. Bakit, Catherine? Anong nagawa ko? Paano kita sinaktan? Pumikit siya ng mariin at dinig ko ang lalim ng paghinga niya habang dahan-dahang umaatras palayo sa akin. Hindi kita gustong saktan, kahit kailan ayaw kitang saktan.
"Stop?" Nalilito niyang tanong. Lalapit sana ako sakaniya. "Stay where you are." Tumingala siya at kinagat ang lower lip niya. "Stop?" Tanong niya uli na para bang sarili niya na ang tinatanong niya. Tumawa siya ng bahagya sa sarili niya.
"Catherine. Anong problema?"
"Stop." Aniya at tinalikuran ako.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Niyakap niya ang sarili niya. Nirespeto ko ang sinabi niya kaya pinipigilan kong lumapit. Ang hirap ng sitwasyon namin. Ang hirap pala kapag di nasusuklian yung nararamdaman mo. Hindi kami pareho ng nararamdaman.
Nilingon niya ako at halos mapaatras ako sa mga susunod na sinabi niya. "That's the problem, Justin. We have to stop now. You said it yourself. Stop, right? Then let's just be professionals."
"Catherine, that's not what I meant. Nagkakamali ka." Sinubukan kong ipaliwanag pero di niya ako binigyan ng pagkakataon.
Nagsimula siyang maglakad palabas ng kwarto. Hinawakan ko ang braso niya nang nasa may pintuan na siya para pigilan siya.
"Pakinggan mo ko. Words, Catherine. Use your words and hear mine." Pagmamakaawa ko. Pumikit siya bago ako tinignan. "Please?"
Huminga siya ng malalim at tumango. Minuwestra ko siya para maupo sa kama at tsaka ako nagsimula.
"You..--" halos walang lumabas na salita sa bibig ko dahil unang una sa lahat ay ayokong magkamali sa mga bibitawan kong salita. Baka kasi mali ang isipin niya at hindi niya maintindihan. Tumalikod ako sa kaniya at huminga ng malalim. "You're a lady, Catherine. A strong independent woman. And I adore you so much."
Fuck. This is the hard part. Here goes nothing.
"Ang gusto ko lang sabihin.. you deserve to be respected and loved. And I want you to let me. Nagsimula tayo sa.. sex.. hanggang sa nagtuloy tuloy na. At alam ko na hindi pa ganoon katagal pero I don't want this. Ayokong magstay tayo dito, I want more for us. I need you to let me love you. I don't want just sex. I don't want just your body.. I want your mind and heart as well. Gusto ko na iniisip mo rin ako halos bawat segundo araw-araw. Gusto ko na kapag nakikita mo ako o kapag naririnig mo ang pangalan ko ay hindi ka na mapakali at kakabog na agad ang dibdib mo sa lakas ng tibok ng puso mo. Gusto k--", napalingon ako nang maramdam ko ang kamay niya sa braso ko.
Hinaplos niya ang mukha ko at ihinarap sa kaniya.
"No, Catherine. Madami pa--". Napatikom naman ang bibig ko nang matahimik ako sa daliri niya sa mga labi ko.
"Shhh.." aniya habang nakapikit..
Napapikit din ako nang mariin dahil nag iinit ako sa kahihiyan. Pinatahimik niya ako! Hindi ko siya maintindihan!
Kumalma naman ako nang kaonti nang haplusin niya ang mga braso ko pataas at pababa.
"Now, tell me more and look at me."
Napadilat ako sa gulat sa narinig ko. Seryoso ba siya? Napangiti ako ng malaki nang makitang dahan dahan siyang ngumingiti.
"Catherine.. pwede bang manligaw?" Tanong ko.
----
Short Update. Hahaha!! (≧∇≦)b
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.