M&MSB Chapter 20

5.1K 55 5
                                    

Dedicated to charlea03  ヾ(@^▽^@)ノ

Salamat po sa pagsubaybay! Love you!

UD, but warning mej lame. Babawi ako sa next UD! ٩( 'ω' )و

-----

Chapter Twenty

JUSTIN's POV

Nagising ako na si Catherine ang nakita ko sa tabi ko then naalala ko ang nangyari kahapon. Yesterday was amazing. Bumangon na ako dahil ipagluluto ko ulit si Catherine ng breakfast. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon. Kagabi nga sumiksik pa siya saakin kahit na nakapatong na ang ulo niya sa braso ko. I just hugged her even tighter at ganun kami nakatulog.

Nagsimula na akong magluto para bago pa magising si Catherine may nakahanda na agad na pagkain para sakanya, breakfast in bed ulit. Napaisip tuloy ako, bakit kaya hindi siya kumakain ng breakfast. Hm. Nung matapos na ko, umakyat na ako agad. Tinignan ko yung orasan sa bedside table niya. 7:16 am.

"Catherine..." paggising ko sakanya.

"Mmmm..." sabi niya pero nakapikit pa rin.

Tinawag ko ulit siya.Pero hindi pa rin gumigising. Hinalikan ko nga ng hinalikan hanggang sa minulat niya na mga mata niya.

"Good morning, sleeping beauty." Bati ko naman sakanya and she smiled. "Ganda mo lalo sa umaga." Sabi ko pero nginitian niya lang din ako. Kinuha ko naman na yung tray at nilapag sa kama. "Breakfast in bed ulit."

"Thank you." Maikli niyang sagot pero nginitian niya naman ako.

"Wala yun, kain ka na." sabi ko, "Ubusin mo lahat yan ha."

Nagsimula naman na siyang kumain ng walang angal, nakakapanibago pero hinayaan ko na lang siya. Inon niya naman yung tv sa kwarto niya kaya nanuod na lang kami.

Ang tahimik kahit naka-on ang tv kaya naisipan kong magtanong sakaniya. "Bakit sabi mo hindi ka kumakain ng breakfast?"

Tinapos niya muna yung nginunguya niya bago siya sumagot, "I just don't." akala ko tapos na siya sa sasabihin niya, "Until you came." Napatingin naman ako sakanya nun pero nakatingin lang siya sa tv, nanunuod.

Natapos namin ang pagkain nang walang imikan pagkatapos nung sinabi niyang yun; pinainom ko na rin siya ng gamot kahit okay naman na pakiramdam niya. Just making sure para hindi na siya mabinat.

"Kayo ba nung Jay?" tanong ko out of nowhere.

Tumingin siya sa akin then balik din sa tv ang atensyon niya.

"Bakit di mo ako masagot?" kusa na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na yun, nagkibit balikat lang siya. "Ganun lang? Oo o hindi lang." medyo naiinis kong sinabi kahit di ko naman gusto pang magsalita kusa na lang nagsasalita bibig ko. Haynako.

"Maybe I'll go back to work tomorrow or the day after tomorrow." Sabi ni Catherine, hindi pinansin mga tanong ko.

"Okay." Maikli kong sagot sakaniya.

"Sumabay ka na rin sakin pagpasok."

"Okay." Sagot ko ulit. Hay nako, ayoko na lang magsalita about dun. Wala naman siyang balak sagutin ng maayos eh, edi wag.

"I mean not literally na sabay, same day lang." sabi niya at tumalikod sa akin. Okay.

Magkatabi kasi kami ngayon sa kama niya nanunuod pa rin ng tv. Niyakap ko siya mula sa likod, I just want to feel her all day—everyday. God! What is wrong with me?! Kanina naiirita pa ako sakanya tapos ngayon ganito ang ginagawa ko. Nababaliw na yata talaga ako eh.

ME and MY SEXY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon