Chapter 28
JUSTIN's POV
Stupid, stupid, stupid!
"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iniisip niya na siguro na ano bang iniisip ko at bakit ko nasabi yun. Katatapos lang namin gawin yung deed. Damn it, Justin. Ano nga bang iniisip mo?
Nakatingin lang kami sa mga mata ng bawat isa.. Pumikit siya ng mariin at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nilagay niya ang isang kamay niya sa dibdib ko. Itutulak niya ba ako palayo? Pero mali. Hindi niya ako tinulak palayo. Tila parang pinakikiramdaman niya ang tibok ng puso ko.
Dinilat niya ang mga mata niya at tinignan ako sa mga mata ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin niya. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan sa noo.
"Okay." Sabi niya.
Nanatili kaming magkayakap. Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko at pinaglalaruan ko naman ang buhok niya. Hindi na ako nagsalita, sapat na sa ngayon ang simpleng 'okay' niya para sa akin.
Maya-maya lang ay bumangon na siya kaya bumangon na rin ako.
"I'm gonna go and eat." At bago pa ako makapagsalita ay agad na rin siyang lumabas ng kwarto. Pumunta na rin ako sa banyo at naligo na.
Napapaisip naman ako. Oo, ayos na ako sa sinagot niya. Pero hanggang kailan ba na ganito? Sa tuwing nasa harap ko na kasi siya madalas sige lang ako nang sige, na ayos lang kahit anong gusto niya basta ba siya ay okay lang. Kaya kahit mas gusto ko na pilitin siya na iklaro na ang lahat samin.. nawawala sa isip ko bigla. Nabablangko ako sa tuwing nasa harap ko siya.
"Justin?" Napalingon naman ako. Kanina pa pala ako nakatulala at hindi ko namalayan na nandito na siya sa tabi ko. "Get dressed. You might get sick." Nakaupo pa rin pala ako dito sa kama matapos maligo, na twalya lang ang nakabalot sa may beywang ko.
Tumango na lang ako bilang sagot at kumilos na rin. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya nang matapos ako ay hindi ako makapagsalita. Naupo ako ulit sa kama, nandoon naman siya sa kabilang dulo.
Walang umiimik sa aming dalawa. Binalot nanaman ng katahimikan ang buong kwarto ko. Sumulyap ako sa kanya saglit. Naka-indian sit siya at nakasalumbaba na nakatitig sa akin. Nang napansin niyang tinignan ko siya ay nagtilt ang head niya at napangiti.
"Ba--"
"I'm gonna take a shower." Pagputol niya sa akin. Tatanungin ko pa lang sana kung bakit niya ba ako tinititigan ay umalis nanaman siya. Agad siyang lumabas ng kwarto.
Pumahiga naman ako nang magsara ang pinto. Paano na nga ba? Ano bang pwedeng gawin? Nag-isip na lang ako kung may kailangan ba akong gawin o kung may deadline ba akong kailangang habulin.. nag-isip ako ng mabuti pero walang pumasok sa isip ko na makakadistract sa akin sa ngayon.
Kinuha ko na lang ang remote sa side table at binuksan ang tv. Bumungad naman agad sa akin ang isang balitang matagal ko nang iniiwasan.
Tsk.
Nilipat ko agad sa ibang channel hanggang sa napunta ako sa mga movies, nilibang ko ang sarili sa panonood. Napakunot naman ang noo ko nang marealize ko kung ano ang palabas pero patuloy ko pa ring pinanood.
"Justin?" Tawag sa akin ni Catherine. Nilingon ko naman siya. "Tara?"
Napangiti naman ako at tumango. Agad akong lumapit sa kaniya, kumapit naman siya sa braso ko at hinalikan ako sa pisngi.
Ito na yon.
Pumunta kami sa isang park malapit sa condo. May nakita akong nagbebenta ng sorbetes at agad akong lumapit doon. Tinignan ko muna si Catherine, bakas sa mukha niya ang pagtatanong.
"Uhh.. okay lang ba?" Tanong ko. "Masarap siya, promise."
Natawa naman siya at nawala naman ang kaba ko. "It's fine. I've eaten this before." Aniya at agad na tinuon ang pansin sa ice cream. Pinag-iisipan pa yata kung anong flavor ang kukunin.
"Manong, eto po yung bayad." Sabay abot ko ng pera. Ibabalik pa sana niya ang sukli. "Di manong, sa inyo na po iyan. Salamat po."
Habang abala siya doon ay agad akong humiwalay para sa bibilhin ko. Bumalik din ako agad nang makabili na ako ng bulaklak at balloons.
Naglalakad na ako pabalik sakaniya nang mapahinto ako nang makita ko siya. God.. this girl is beautiful. Lumilinga linga siya na halatang hinahanap ako habang kinakain ang ice cream niya. Tumalikod siya, halatang hindi ako nakita. Napailing na lang ako napangiti. Buti na lang.
"Catherine." Tawag ko sa kaniya. Pagkalingon niya ay agad kong narinig ang pagkagulat niya dahil napasinghap siya. Sinilip ko siya mula sa likod ng mga bulaklak at balloons. "Uhm. Para sayo."
Nagpabalik-balik naman ang tingin niya sa mga bulaklak at balloons na hawak ko at sa kinakain niyang sorbetes.
Ah, shit.
Oo nga pala. Napapikit naman ako sa katangahan ko at napabuntong hininga.
Napadilat naman ako nang maramdaman ko ang mga labi niya sa pisngi ko.
"It's fine. Don't worry about it." Kumapit siya sa mga braso ko. "I'll just hold onto you. Okay?"
At hinalikan niya ako sa mga labi ko.
"Okay." Yun na lang ang nasabi ko at pareho kaming napangiti.
"You're being weird."
What? Wait--what?
Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Catherine sa may pinto ng kwarto ko. Napaupo ako bigla nang mapagtantong pamilyar ang nakikita kong suot niya.
"Yeah, yeah. It's your shirt." Aniya sabay lakad papunta sa kama, umupo siya sa harap ko. Kinuha niya yung tv remote at nilipat lipat ang channel. "And what were you even smiling about?"
Suot niya yung isa sa mga puti kong long sleeved na polo. Ito yata yung suot ko noong nag-apply ako sa company niya. Napangiti naman ako. Amoy ko din shower gel na ginamit niya, lavender.
"Hmm." Para siyang nag-iisip habang nanonood ng balita. Ano kayang iniisip niya? "What a jerk." Aniya sa sarili at umiling.
Napatingin ako sa balita at pinapakita ang pagbili ng isang kilalang businessman sa isa sa malalaking kompanya ng bansa. Kilala niya kaya ito?
Hindi ko na inisip pa, hindi na rin naman kasi ako nagkataon na isipin pa kasi napapikit ako nang mariin nang makita ng sumunod na balita. Napabuntong hininga ako at piniling humiga na lang.
"You okay?" Tanong niya.
"Yeah." Simple kong sagot.
Dumapa siya sa tabi ko, nakasalumbaba siyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan lang niya din ako ng kilay. Halos matunaw naman ako doon sa kama nang ngitian niya ako.
Tumawa siya ng bahagya. "You're blushing." Aniya at kinagat ang kanyang labi.
Pumaupo ako at hinilamos ang mga palad sa mukha ko, pinirmi ko doon ang mga kamay ko at tinakpan ang namumula kong mukha. Narinig ko ang pagtawa niya. Lalong nag init ang mukha ko.
This is it.
Nilingon ko siya at nakangiti pa rin siya sa akin. Pinipigilan ang pagtawa niya.
"Catherine."
"Hmm?" Aniya at pinagilid ng onti ang ulo niya.
"Can I take you out on a date?" Tanong ko.
Para naman akong binagsakan ng lupa nang makitang mawala ang ngiti sa mga labi niya.
----
So sorry for the late update.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.