HELLO GUYS! PAALALA: Etong storya pong ito ay para lang sa mga open-minded. Wala po sana akong malalaman na iniisip nyong malibog ako, ang mga nangyare at mga mangyayare po sa istoryang ito ay mga kathang isip lang ng awtor. Gawa lang ho ito nga imahinasyon ng awtor. Salamat po sa pang-unawa.
HAPPY READING! ^______^
'RawrMyLady.♚
----
Chapter Five
JUSTIN’s POV
“Anthony, I have to go.” Sabe nya.
“Pero pano tayo? Pano ako? Pano yung promise natin sa isa’t isa” tanong ko sakanya.
“Babalik rin ako. Okay? Just wait for me.” Sabe nya at hinalikan ako ng mariin sa labi.
“Kaylangan mo ba talaga umalis?” tanong ko sakanya.
“I have to. For the sake of my family… and for my career.”
“Eh pano ako?”
“Anthony… Alam mo namang hindi pwede, diba? Itatakwil ako ng mga magulang ko pag nangyare yun.”
“For me?”
“Soon, okay? Just promise me na ako lang… Tayo lang.”
“Ikaw lang naman eh.” Sagot ko naman sakanya. “I love you.”
Nginitian nya naman ako. Sa ngiti nyang yun, alam kong mahal nya rin ako. Masaya na ko dun. Isang halik uli ang ibinigay nya sa akin bago umalis. Nung panahon na umalis sya, ipinangako ko sa sarili ko na siya lang at wala ng iba. Lahat gagawin ko para sakanya… At ipinangako ko sa sarili ko na sya lang ang una sa lahat at wala ng iba.
Pero sinira mo lahat ng pangako ko…
Yan na lang ang naiisip ko ngayon. Miss Villanueva. Matapos mong sirain ang lahat ng mga pangako ko, sisisantihin mo lang ako? I can’t accept that. I won’t.
Andito naman ako ngayon sa bar. Matapos akong sesantihin ng boss kong maldita.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.