Chapter Twenty-Three
JUSTIN’s POV
“Kasi mahal na yata kita, Catherine.” Halos bulong na lumabas sa bibig ko pero napatingin siya sa akin.
Naghalong pagkagulat at… takot? Ang nakita ko sa mga mata niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na rin napigilan ang bibig ko. Pero hindi ko naman pinagsisisihan na sinabi ko na iyon sa kaniya. Tinitigan ko lang siya dahil hindi pa rin siya umiimik. Nakatingin pa rin naman siya sa akin. Para bang sinusuri niya ako. Para bang tinitignan niya kung seryoso ako. O parang inaantay niya na bawiin ko ang mga sinabi ko? Hindi ko alam.
Napabuntong hininga ako ulit at nun lang nawala ang titig niya sa akin. Inikot niya ang kaniyang upuan (swivel chair) patalikod sa akin.
“I-iwan mo muna ako, J-Justin.” Aniya na nanginginig ang boses.
“Okay ka lang ba?” nag-aalala kong tanong. Gusto ko sana siyang lapitan at hagkan kaso inisip ko na kailangan niya ng space. “Hindi ko naman sinasadya na gulatin ka sa mga sinabe ko. Sorry, Catherine. Hindi ko na napigilan, nahihirapan na kasi ako.” Ano kaya ang iniisip niya? “Sige, iiwan na muna kita mag-isa.” Napapapikit ako uli nga mariin. “Mahal na nga yata talaga kita.” Sabi ko bago lumabas ng opisina niya.
Pagkasarado ko ng pinto niya ay nakahinga na ako kahit papano ng maayos. Parang nanghina ang buong katawan ko nang mapagtanto kong wala siya naisagot sa akin. Wala pa rin. Ganun pa rin. Wala siyang kinlaro at wala siyang sinabi pabalik sa akin. Napasandal ako sa pinto niya. Wala akong pakealam kung tignan man ako ng mga kaopisina ko. Hindi ko yata kakayanin kung mangyari ulit ang nangyari dati sa akin.
Napailing ako. Hindi ganun si Catherine. Hindi niya magagawa sa akin iyon. Alam ko, nararamdaman ko. Pero sino nga ba naman ako para umangkin sa kaniya? Secretary nga lang pala niya ako. S-E-X lang yata talaga. Ayoko na munang isipin.
Simula’t sapul naman kasi wala naman na talaga. Wala namang relasyon na inilatag sa harapan namin bago namin ginawa iyon. Sino ba ako para umasang mayroon nga? Ang magagawa ko na lang ay gumawa ng paraan upang magkaroon, para makuha siya. Hindi ako mapapayag na walang mangyari at magpatuloy na ganito na lang kami.
Tama na ang isang beses na hinayaan kong may mawala sa akin. Ngayon hindi na ako tatanga para makawala ang isang ‘to.
Napahawak ako sa tuhod ko nang manginig ang buong katawan ko.
“Justin!” tawag ng isang ka-opisina ko. “Ayos ka lang ba?” tanong nito nang makalapit sa akin.
“Wala ‘to. Ayos lang ako.” Pinilit kong tumayo. “Salamat.” At naglakad na ako papasok sa opisina ko.
Tinapos ko agad ang pag-asikaso sa schedule ni Catherine. Pati na rin ang pag-ayos at hatid ng mga dokumentong inilapag sa desk ko. Dahil kailangan ko agad makauwi.
Wala na rin naman na gaanong tao sa opisina kaya tahimik. Nang matapos ako ay kinatok ko si Catherine sa opisina niya. Binuksan ko ng bahagya ang pinto. Nakita ko siyang nakapokus nanaman sa mga dokumento sa harapan niya at pati na rin sa laptop niya.
“Uhm. May kailangan ka pa ba, Catherine?” tanong ko.
Umiling lang siya at hindi man lang nagbigay kahit isang sulyap sa akin.
Napasimangot ako. Hindi ko maiwasang isipin na dahil sa pag-amin ko sa kaniya ay tuluyan nang mawala ang kung ano mang meron kami at magbago ang pakikitungo naming dalawa sa isa’t isa.
“Uh—sige.” Nagdadalawang isip pa ako. “Anong oras ka uuwi?” Nagkibit balikat lang siya. Wala yata talaga siyang balak na kausapin ako. “O sige. Uuwi na ako.” Lumingon ako sa likod at tinignan kung may makakarinig. “Uhm… Mag-ingat ka sa pag-uwi, ha? Wag ka na masyadong magpagabi. Umuwi ka na rin agad, please.”
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
Ficção GeralA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.
