Guys! Ngayon palang po pinapaalalahanan ko na kayo na sa mga incoming chapters, soon enough, magkakaruon na ng mga kung ano-anong kabalbalan. But please, pang-OPEN MINDED lang po ito ha? At yung mga mangyayare sa storyang ito ay KATHANG ISIP lamang. Wala ho sanang magsabe na ang libog namang ng author na 'to! and whatsoever. Na-inspire lang naman akong gumawa ng storya na ganito kase, nakakaChallenge. Ang boring naman kasi kung laging playing safe yung stories ko, I just wanted something new. Ayun lang po. MakiCooperate na lang po sana tayong lahat ^____^
-RawrMyLady :)
---
Chapter One
JUSTIN’s POV
“Hoy! Justin!! Bumangon ka na dyan!”
“Hm?” sagot ko habang nakahilata pa sa kama. Inaantok pa kasi ako.
“Hoy! Sabe ko bumangon ka na diba!” at naramdaman kong may tumama sakin na matigas na bagay.
“Ano ba?! Nakita mo na ngang natutulog pa yung tao eh!” bulyaw ko sakanya, habang hinihimas ang balikat ko na natamaan ng alarm clock. “Ano nanaman bang problema mo?!” inis na inis ako, ayoko sa lahat mga istorbo eh.
“I need you to get a job.” Mahinhin naman nyang sagot.
“A job? You want me to get a job? Baket?”
“I need money.”
“Ha! Kaylangan nyo ng pera? Para ano? Para sa mga pagsusugal nyo? Ganun ba?!” Loko pala ‘to eh, bwiset. Ginising lang ako para sabihing kaylangan ko ng maghanap ng trabaho, para ano? May makuhanan sya ng pera? Asa sya!
“Gago ka ah!” sigaw nya sakin, at akmang susuntukin ako kaya hinanda ko ang sarili ko kaso…
“Manuel!” sigaw ni mama, kaya natigilan sya. “Ano ba? Ba’t mo pagbubuhatan ng kamay ang anak mo?” tanong nya.
“Tsk. Kausapin mo yang anak mo!” at naglakad na sya palabas ng kwarto ko.
“’Nak.” Mahinahong sabi ni mama sakin nang tumabi sya sakin sa pagkakaupo sa kama. “Intindihin mo na lang yung tatay mo.”
“Tatay?! Eh diba hindi ko naman sya kadugo? Ampon nga lang ako diba?! Nakalimutan nyo na ba kung pano nya ipinagdiinan sakin yon?! Na isa lang akong hamak na AMPON!” Inemphasize ko talaga yung word na AMPON. Bwiset na yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/5397909-288-k656916.jpg)
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
Narrativa generaleA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.