Chapter Twenty-SixJUSTIN's POV
"Aalis ka rin ba agad?" tanong sa akin ni mama pagkadating ko sa bahay.
"Oo, ma. Dumaan lang talaga ako para kamustahin kayo at yung salon niyo." Sabi ko habang nakaupo sa sofa.
Dito na ako napadpad sa kakaisip kung dapat ba akong sumunod kay Catherine o hindi. Napakagulo naman kasi nung babaeng yun. Ang bilis magpalit ng mood, para siyang sinasaniban bigla ng ibang tao. Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko dahil sa pabago-bago niyang mood.
"Ah, ayos naman na iyon, anak. Kaso may bagong tayo na sikat na salon sa kabilang kalye duon pero ayos pa rin naman." Aniya habang naghahanda ng meryenda sa kusina. Ako naman ay nagtetext na kay Catherine tungkol sa schedules niya mamaya at mga documents na kailanganin niyang unahin tignan. "'Nak, isang semester na lang naman ang hindi mo natapos sa college hindi ba?"
Napatingin naman ako kay mama at napakunot ang noo sa tanong niya. "Ma, matagal na nating napagusapan 'to diba? Okay naman na ako ngayon, nakakatulong pa nga ako sa inyo."
Ilang beses niya na kasi akong kinukulit tungkol dito simula noong isang buwan tuwing pagka-uwi ko o 'di kaya'y tuwing nagkakaabutan kami sa bahay. Minsan na lang kasi siya natutulog dito dahil dun na siya madalas umuuwi sa dating pinauupahan na maliit na bahay malapit sa salon. Doon na rin kasi tumitira si Manuel simula nung makabangon ang salon ni mama.
"Pero mas makakabuti kung tatapusin mo, okay naman na yung salon eh. Sumusweldo ka na, pwede ka nang mag-enroll. Kung tutuusin nga dapat iyon na lang pala ang inuna mo kaysa sa salon ko." Nilapag niya ang platito na may sandwich at ang baso ng juice sa coffee table sa harap ko. "Kaya ngayon ibibigay ko sayo yung mga kinita ng salon ko para makapag-enroll ka na."
Hindi maganda naidudulot nitong usapan na ito sa akin. Masaya naman na ako ngayon, may kaya naman na ako, nabubuhay ko naman na yung sarili ko at nakakatulong pa ako kay mama.
Napabuntong-hininga ako. "Ang kulit naman, ma. Ayos na ako. Tsaka baka hindi ko naman maipag-sabay yung trabaho at pag-aaral ko." Sabi ko sabay kagat sa sandwich.
"Justin, makinig ka nga sa akin. Yung kuya mo nakapagtapos kaya dapat ikaw din. Pwede mo rin naman siguro kausapin yung boss mo tungkol sa pag-aaral mo, para naman iyan sa ikabubuti mo." Pagpapaliwang ni mama at uminom ng juice. "Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ba bigla kang nawalan ng gana sa pag-aaral. Matataas pa nga ang grades na nakukuha mo noon. Diba nga't—"
Napapikit ako ng mariin sa mga sinasabi ni mama kaya pinutol ko na agad bago pa kung saan umabot ang usapan. "Hayaan mo na iyon, mama." Napailing ako. "Sige, para hindi mo na ako kulitin tungkol dyan pag-iisipan ko po." Sabi ko kay mama kahit na alam ko na hindi ko naman talagang iisipin pa.
Ayoko na talagang pag-usapan ang kung ano man na nakakapag-paalala sa akin dun. Mali ang umasa ako ng ilang taon sa pagbabalik sa walang kasiguraduhan. Marami na akong sinayang na panahon sa pag-antay sa kaniya. Pero tapos na yun at masaya na ako ngayon. Masaya na ako kay Catherine kahit na sabihin natin na wala namang kami.
Nang umalis si mama sa bahay para pumunta sa salon niya ay umalis na rin ako. Habang naglalakad papuntang sakayan ay iniisip ko kung anong dapat kong gawin ngayon. Pilit ko kasing inaalis sa utak ko yung mga naalala ko kanina sa usapan namin ni mama.
Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas na wala na siyang paramdam sa akin. Nung una naman ay okay lang hanggang sa bigla ko na lang siya hindi ma-kontak. Ano nga ba naman kasi ako sa kaniya? Sagabal lang. Bakit ngayon ko lang 'to napagtanto? Bakit ngayon ko lang naintindihan ang pilit na ipinapaliwanag sa akin ng kapatid at mga kaibigan ko noon? Ang daming nawala sa akin, ang dami kong sinayang na panahon sa pagbubulakbol, pag-aantay, at pagkadesperado na ipilit sa sarili na babalik din siya. Pero wala namang bumalik sa akin. Walang dumating. I even got mad at Catherine because of the silly promise we made bago siya umalis. Tangina. God knows what a mess I was nang nawalan kami ng koneksyon.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.