Chapter Twenty-Four
JUSTIN’s POV
Nagising ako sa liwanag na naramdaman ko kahit nakapikit ako. Napadilat agad ako dahil dun. Pero napakurap kurap pa ako ng makita ang nasa harapan ko habang nakaupo si Catherine sa gilid ng single-person na sofa (dun sa arms ng sofa), at nakatapat sa akin yung phone niya.
Napangiti naman ako nang mapagtanto ko kung ano yung ginawa niya. Nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang phone at tumingin sa akin, napansin na yata niya na gising na ako. Namula ang kaniyang mga pisngi at lalo naman akong napangiti.
Pumaupo ako sa sofa, “Good morning, pretty.” Bati ko sa kaniya habang kinukusot ng isang kamay ko ang isang mata ko. Napahawak naman ang isa sa kumot na nakatklob sa akin. Napatingin ako ulit sa kaniya at napangiti lalo.
“Uh—ehh—“ aniya na hindi malaman ang sasabihin. “N-Naabutan na lang k-kasi kita dyan kagabi. Tsaka ano—uh…” pagpapaliwang niya habang napapaatras. Tumayo ako pero lalo siyang napaatras kaya napahiga siya dahil sa coffee table na nakaharang sa likod niya. “Ahhh!! Shit!”
Lumapit ako agad sa kaniya, “Okay ka lang ba?” tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo.
“Mukha ba akong okay?” Sabi niya sarcastically na may halong inis. Sabay tanggal ng nakahawak na kamay niya sa kamay ko. Pumula pa yata ang pisngi niya.
Hinawakan niya ang likod niya ng dalawa niyang kamay nang makatayo siya. Napatingala at napapikit nang inistretch niya ang katawan niya. Iniinda niya yata yung sakit ng pagkatama niya sa lapag. Bumakat naman lalo yung breasts niya sa shirt na suot niya. Napangiti ako sa suot niya.
“Masakit ba? Halika.” Hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinatak siya papunta sa kwarto niya. Umangal pa siya pero patuloy ko siyang hinatak. “May efficascent oil ka ba?” tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa kwarto niya.
“Dun sa cabinet sa labas ng kwarto, dun sa may meds. Bakit?”
Hindi ko siya sinagot at kinuha ko na agad yung efficascent oil. “Naligo ka na ba?” tanong ko sa kaniya pagkabalik ko sa kwarto niya.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “B-Bakit?” tanong niya na para bang kinakabahan habang iniikot ikot yung phone niya.
“Mamasahiin ko sana yung katawan mo. Mas okay sana kung naligo ka na, hindi kasi pwede mabasa katawan mo kung mamasahiin na kita ngayon.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. “Pupunta ka bang opisina ngayon? Sabado naman eh.”
“Yup. Ang daming paperworks dahil nagkasakit ako.” Sabi niya at naupo sa dulo ng kama. Nakita kong nakapanty lang siya sa ilalim ng shirt. Walang bra dahil wala naman akong nakikitang bakat ng bra sa ilalim ng shirt na suot niya.
“That’s my shirt.” Sabi ko habang tinitignan ang shirt na suot niya. Ang hot niya tignan sa shirt ko. Napangiti nanaman tuloy ako.
Napatingin naman siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba naman ang mga mata niya na para bang sinusuri ako, napakagat labi at napailing.
Ugh. Shiz. It’s morning.
Tumayo siya at inilapag ang phone sa bed side table niya. “I’ll just take a bath.” Aniya bago pumasok sa banyo at isinara ang pinto.
Bumaba ako at napag-isipan na lang na magluto ng breakfast. Nagluto ako ng eggs and bacon at ginawang fried rice yung natirang kanin kagabi. Natapos na kong magluto pero hindi pa bumababa si Catherine. Kaya napagpasyahan kong maligo na lang sa banyo dito sa baba.
Pagkalabas ko naman ay nandun na si Catherine sa island counter at umiinom yata ng kape. Nakatalikod kasi siya sa akin. Nakabihis na siya ng pang-alis ngayon. Pumunta ako sa may sala pero wala na yung maleta ko.
Pumunta ako sa kitchen at nakita kong hindi siya kumakain kaya lumapit ako sa mga cabinet at drawers na naroroon para kunan siya ng plato at kutsara’t tinidor. Narinig kong umubo siya kaya napalingon ako agad sa kaniya.
“Okay ka lang?” tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. “May sakit ka ba? Kahapon ka pa umuubo eh.” Napakunot ang noo ko. Inilapag ko sa harap niya yung mga kinuha ko. Papakiramdaman ko sana yung noo niya kaso umiwas siya at namula.
Bumuntong hininga na lang ako at nilagyan ko ng pagkain iyong plato niya. “Breakfast before you leave.” Sabi ko sabay ngiti sa kaniya habang umiinom siya ng kape niya. “Nga pala, asan yung maleta ko?” tanong ko sabay turo sa towel na nakabalot sa beywang ko.
Umubo nanaman siya ka naibuga niya yung iniinom niya. “May sakit ka yata eh.” Sabi ko habang inaabutan siya ng tissue.
“W-Wala. I’m fine.” Sabi niya habang nagpupunas. “Nandun sa c-closet ko yung mga damit mo. I put it there last night.”
“Halika nga dito.” Hinawakan ko yung kamay niya at hinatak siya palapit dahil nasa kabilang side siya ng counter. Nakabend na ng bahagya yung upper body niya sa counter. “Papakiramdaman ko lang kung may sakit ka.”
Pero agad niya akong tinulak ng bahagya at binawi ang kamay niya. Napakunot lalo ang noo ko sa ginawa niya. Tinignan ko siya, nagtataka kung bakit ganyan ang kinikilos niya.
“Bahala ka.” Sabi ko, hindi ko napigilan yung inis sa tono ko. Umakyat na rin ako para makapagbihis.
CATHERINE’s POV
“May free time ka ba today?” tanong ni Jay habang nakaupo sa isang sofa sa opisina ko. Umiling ako bilang sagot. “Even lunch?” Umiling din ako. “Dinner?”
“My sched is full already.” Sabi ko habang nakatingin sa summary ng financial department last month. I should probably tell Vanessa to take care of Mr. Ramuyo, ang head ng Financial Dep, dahil magulo yung report nila. “Sorry.” Pahabol ko.
Narinig ko ang buntong hininga ni Jay. “Maybe tomorrow?”
“I’ll tell you if or when I’m free.” Sagot ko sa kaniya habang nagsusulat sa isang post-it about dun kay Mr. Ramuyo at idinikit sa board sa tabi ng desk ko.
Tinignan ko naman ang buong board, ang daming kulay pink na post-it. Napailing ako sa dami ng kailangan kong asikasuhin buong araw.
“You’re that busy, huh?” sabi ni Jay, sumulyap ako saglit sa kaniya at ngumuso siya sa board ko.
“Yep.” Sagot ko sa kaniya habang binabalik yung summary report nung financial department last month sa folder nito.
“Ni-hindi mo man lang ako tinitignan. Kanina pa akong umaga nandito.” Pagrereklamo niya. Tinignan ko siya at napakunot ang noo ko bago binalik ang atensyon ko sa bagong folder na babasahin ko. “Alis na nga ako. You’d better tell me kung kalian ka pwede, alright?”
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko.
Noon naman okay lang kapag ganito siyang sweet sa akin. Pero matapos nung magkasakit ako ay hindi na ako komportable. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Wala lang ‘to.
Nagsimula na lang akong basahin yung sunod na report ng Financial Dept at hinayaan si Jay na umalis na. Narinig kong may nagsalita pero hindi ko pinansin dahil baka yung ibang department lang yun na nagfa-follow up sa akin at nagrereport.
Nag-unat ako at binalik din ulit ang atensyon sa papel na hawak ko. Ang sakit na ng batok ko!
“Bakit naman hindi?” Narinig kong sinabi ni Jay.
“Sino yan?” sabi ko habang binabasa ‘tong papel na hawak ko. Napapakunot ang noo ko sa mga nababasa ko.
“Wala naman. Secretary mo lang.” Sagot ni Jay. At napasinghap ako sa narinig. “Anong kailangan mo?” Iritadong tanong niya dito.
Kinabahan ako bigla. Shit! Anong problema nitong loob looban ko? Napailing na lang ako at huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko.
Binasa ko ulit yung statement na nasa papel na hawak ko dahil parang kumawala sa utak ko yung binabasa ko kanina. Nagulat naman ako ng biglang idinabog yung pinto ng opisina ko. WHAT THE HELL?! Napatingin ako sa dalawa na masama ang tingin sa isa’t isa.
“Anong problema mo, Justin?! At bakit kailangan mong idabog yung pinto?!” iritadong tanong ko kay Justin.
Nanikip bigla ang dibdib ko, para bang bigla akong hindi makahinga. What’s happening to me?!
Napailing ako ulit para ikalma ang sarili. Binalik ko ulit ang atensyon sa binabasa ko. Sinimulan ko ulit sa umpisa.
Utak! Gumana ka!
Inilapag ni Justin ang isang folder sa desk ko. “Ayan na yung financial report nung sa Cebu. Finax na lang para mas madali. Isusunod na lang daw nila yung iba.”
Huwag kang titingin sa kaniya, RC! Baka manikip ulit ang dibdib mo!
“Nagkakaproblema daw sa management dun. Tinry daw nila kasing kontakin ka noong nakaraan kaso sabi ko nagkasakit ka. Pero baka daw kailanganin mong i-check personally yung nangyayari dun.”
“’Kay.” Simpleng sagot ko. Dahil baka kapag hinabaan ko pa ay tuluyan na akong maubusan ng hininga.
Umalis ka na! Please! I can’t breathe!
Sinilip ko siya ng onti sa dulo ng paningin ko. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko. “May kailangan ka pa ba? Busy ako, pakibilisan at ayoko ng istorbo.”
Way to go, Cath. Keep it steady. Act normal. Be normal.
“At siya hindi?” Ah, shit. Napatingin na ako sa kaniya.
There it goes again. Hingang malalim! I said, be normal!!!
Binigyan ko siya ng matalim na tingin at inirapan. Does it look normal? God, I probably look like an idiot. Bumaling ako sa isa pang lalake na humalakhak. “Jay?” pagtawag ko dito, “I thought you’re leaving?”
“Ah, yes.” Natawa ulit si Jay ng bahagya. “I was just enjoying the show. Sorry. Sige, aalis na ako.” Aniya. At binalik ko na ang atensyon ko sa papel na hawak ko. “You’re weird you know…” Napatigil naman ako sa pagbabasa. “You don’t act like her secretary at all.”
Shit.
Nang masarado na ang pintuan naman akong binulyawan ni Justin. “Ano ba talagang meron sa inyong dalawa nung unggoy na yon, ha?!” Nanikip nanaman lalo ang dibdib ko.
Anong problema nito? Bakit siya nagagalit?
“Nothing, really.” Sinulyapan ko siya saglit pero binalik ko din sa papel na hawak ko yung atensyon ko. Feeling ko kasi sasabog na ang katawan ko kapag tinagalan ko pa yung tingin ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Umalis ka na! Hindi na ako makahinga. Heart and Lungs, keep it steady.
“Catherine…” pagtawag niya sa akin.
I just love the way he say my name.
WHAT?
“Lagi kitang tinatanong tungkol sa inyong dalawa, pero lagi mong winawala sa usapan.” Here we go again. Wala naman kasi talaga. “Naguguluhan na ako. Sinasabi mo ngayon na wala pero ganito naman kayo. Ako nakakaistorbo tapos siya hindi? Hindi ‘wala’ yung nangyayari sa inyo.” Aniya.
Para siyang batang nagmamaktol. Ano bang gusto niyang sabihin ko? Sinabi ko naman na dati pa na wala.
“Sana lagi ka na lang may sakit.”
ANO DAW!? Napatingin ako sa kaniya. Nababaliw na ba ‘tong lalaking ‘to?
Nilapag ko yung papel na hawak ko. Anong—? Napapikit pikit ako habang pinoproseso ng utak ko yung sinabi niya. “W-What…”—eto na nga ba ang sinasabi ko eh, umubo ako ng bahagya para maklaro ang boses ko—“What do you mean?” Kinakabahan ako sa mga pinagsasasabi niya.
Pumikit siya at huminga ng malalim. Tinalikuran niya ako. Halatang naiinis siya sa akin. Ano namang ginawa ko para mafrustrate siya sa akin? O baka kinakabahan din siya tulad ko? Hindi ko alam.
Humarap siya sa akin at ihinilamos niya ang mga palad niya sa mukha bago nagsalita. “Catherine, kahit wala pang isang taon akong nagtatrabaho sayo… Ay, shit. Ulit.” Napa-face palm siya.
Pinigilan ko ang pagtawa ko pero may nakatakas pa rin na ngiti sa mga labi ko. Kinakabahan siya!
“Wala pa sa isang taon tayo magkakilala pero ang dami nang nangyari sa atin—uh—kahit papano. Ang ibig kong sabihin lalo na nitong nakaraan na nagkasakit ka…” Don’t go there, Justin… not yet. “Ang saya ko at ayokong mag-assume o ano pero mukhang masaya ka rin naman noon. Sana talaga lagi ka na lang may sakit para wala na yung unggoy na yun sa eksena.” Napailing siya at napahawak sa kaniyang batok.
Cut it out! Nanikip lalo ang dibdib ko.
“Matapos nun wala nanamang kasiguraduhan. Nagawa na nga natin iyon, yung alam mo na.” Namula ang mga pisngi niya. “Pero kahit ganon nag-iiwasan pa rin tayo. Kaso ayaw ko na ng ganun. Nung una alam kong ano—uh—ano lang pero parang iba na ngayon o baka sa akin lang yun.”
I really can’t breathe. Milagro na lang talaga na buhay pa ako hanggang ngayon. Why is he telling me these things?
Nagbuntong hininga siya at kinuha ang panyo sa pocket niya. Pinagpapawisan siya? Naka-aircon naman ang opisina ko. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… Kung kayo nung unggoy na iyon ay wala lang. Tayong dalawa, Catherine, anong meron tayo? Ano ba ako sayo?”
I want to tell him to stop. To shut up. Dahil halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Sumasabay na rin kasi ang lakas ng pintig ng puso ko sa pagsasalita niya.
Ano bang gusto mong iparating, Justin?
Pero parang hindi ko na makontrol ang buong katawan ko. Parang nawalan ako ng lakas kaya napasandal ako sa upuan ko. Nagkatinginan kami pero agad kong iniwas sa kaniya ang tingin ko. Pinoproseso pa ng utak ko lahat ng mga sinabe niya. Hindi ko maintindihan. Why, Justin? Why?
Halos mamatay naman ako nang marinig ko ang sinabi niya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko at nagunaw ang mundo ko.
“Kasi mahal na yata kita, Catherine.”
Napatingin ako sa kaniya. This guy thinks he loves me?
Imposible.--
MORE VOTES & COMMENTS, PLEASE.
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.