Sofia's POV
"Sofie, Can we talk?" Dad asked, why so serious?"About what dad?" I said while smiling widely. Masaya ako eh. Paki niyo ba?
"Follow me." Sabay talikod ni dad at punta sa office niya. Sinundan ko naman siya at umupo sa harap niya.
"Why so serious dad? Does something bothering you?" Tanong ko. Bigla naman akong kinabahan ng biglang bumuntong hininga si dad.
"I just want you to know about you--"
"Hellloooooo!!!!! Big sister and Daddddddddyyyyyyyyyy!" Istorbo, kaasar naman 'tong kapatid ko. Ayun na eh, sasabihin na ni dad tapos bigla siyang susulpot.
"Hi baby." Bati ni dad kay Ashley.
"Dad, I'm not a baby anymore." Sabay pout.
"Okay okay, what is it princess? Why are you here? Without even knocking at the door." Natawa naman ako sa ginawa ni Ashley. Pumunta siya sa pinto at lumabas tapos kumatok siya then pumasok.
"Seriously, princess?" Tanong ni dad habang umiiling. Mahal niya talaga kami, never niya kaming pinagalitan kahit na minsan seryoso siya at nagjojoke lang kami ni Ashley.
"Sorry hehe. Anyway, I'm here because I want you to know that I already have a boyfriend Dad!" Masayang sabi ni Ashley, napangiti naman si dad. Pero bigla ding sumimangot.
"Are not you happy Dad?" Bago pa man magsalita si dad ay sumabat na ako. "Sino ba naman ang hindi sisimangot kung ang bunso namin ay may boyfriend na at naunahan pa ang ate niya. At ang mas nakakasimangot ay hindi man niya sinabi samin yung tungkol sa boyfriend niya nung nanliligaw palang ito." Mahabang lintaya ko.
"I'm sorry." Bigla namang sumimangot si Ashley. Dadramahan na naman kami nito.
"Sofia, lumabas ka muna at kakausapin ko muna itong kapatid mo." Natatawang sabi ni dad. Lumabas naman ako at saktong paglabas ko ay nakita ko naman ang dalawa ko pang kapatid.
"Yow! Sister! You look ugly." Bati sakin ni Dale. Kambal ko nga pala si Dale, mas matanda nga lang siya sakin ng 8 seconds.
"If I'm ugly then you are too because we're twins. Keep that in mind my brother." Sabay alis, pero bago pa ako makababa ng hagdan ay nagsalita naman ang masungit kong kapatid.
"Where are you going?" He's so protective, ako ba talaga ang mas matanda sakanya?
"Monic." Maikling sagot ko. Totoo naman na kay Monic ako pupunta noh.
"Take care." Pero kahit na ganyan yan, alam ko namang nag-aalala lang siya sakin. Anyway he's Carl, my youngest brother. Matanda kami sakanya ni Dale ng 2years. Me and Dale is 18 years old while Carl is 16 and Ashley is 15.
"I will." I said, pero bago ako lumabas naalala ko nga pala na may sasabihin si Dad sakin. Makakapaghintay naman siguro 'yon diba?
"Hey princess!" Napatingin naman ako sa likod ko and then I saw my mom. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Where are you going?" Sinabi ko naman na pupunta ako kina Monic at babalik din ako bago mag dinner. Hapon na kasi at gusto kong yayain na mag-mall si Monic.
"Okay, just take care of yourself. Bye princess." Humalik ako sa pisngi ni mom bago lumabas. "Yes mom."
--
"Oh? Bat nandito ka? Ano kailangan mo?" Yan lang naman ang bungad sakin ng oh, so sweet 'kong bestfriend. Ang bait niya no? "Naglayas ako, dito muna ako titira sainyo." pagkukunwari ko.
"Ha!? Bakit ka naman naglayas? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait ha? Samin ka titira!? Naku! Naku! Hindi pwede! Umalis ka dito! Shoo! Shoo! Sa iba ka makitira, wag dito. Shoo! Shoo! Alis!" Oh, diba? Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Parang aso lang pinapaalis.
"Gaga! Anong klasi kang kaibigan ha!? Tsaka tanga kaba? Ako maglalayas? Ni wala nga akong dalang maleta. Pero grabe, kung hindi pa kita biniro hindi ko pa malalaman na ayaw mo sakin. Hindi ka tunay na kaibigan." Pagdadrama ko. Diba? Tama naman ako? Ganyan ba ang tunay na kaibigan ha!?
"Gaga! Joke lang yun noh! Alam ko naman na di ka maglalayas. Tsaka alam kong pupunta ka dito. Binibiro lang din naman kita." Sabay yakap niya sakin. "Yieee, ngingiti na yan." Dagdag pa niya. Sus, kahit ganyan 'tong bestfriend ko, mahal na mahal ko 'tong loka na 'to.
"Pero bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya habang kumukuha ng juice. "Mall tayo. Wala akong magawa sa bahay eh." Sabay inom nung juice na bigay niya. "Yikes! Gusto ko yan! Teka, hintayin mo ako. Magbibihis lang ako. Sandali lang." Sabay takbo paakyat ng kwarto niya. Excited masyado ang loka.
Maya-maya lang lumabas na si Monic sa kwarto niya. 30mins lang naman siyang nag-aayos. "Ang bilis ha?" Pagbibiro ko. "Sorry naman. Haha! Tara na nga!" Sumakay na kami sa kotse ko papunta ng mall.
Habang naglalakad kami dito sa mall bigla naman akong tinawag ni mother nature. "Monic, sandali lang ha? C.R lang ako." Paalam ko kay Monic. "Osige, hintayin nalang kita sa starbucks ha?" Sabi niya, tumango nalang ako dahil naiihi na talaga ako.
Pagpunta ko ng C.R ay agad akong pumasok sa mga cubicle, buti nalang walang masyadong tao kaya maraming cubicle na free. Paglabas ko ng cubicle ay nag ayos muna ako bago lumabas ng C.R.
Palabas na ako ng C.R ng biglang may lalaking nakabunggo sakin.
*BOOGSH!
"Aray ko! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?" Aray, ang sakit. T_T
Wala namang reaction yung lalaki na bumangga sakin, at ang mas kinakulo ng dugo ko ay umalis lang siya. Ano 'yon? Wala man lang sorry? Ni di nga ako sinagot sa tanong ko."Jerk!" Sigaw ko, tss. Ang kapal ng mukha. Ni di man ako kinausap or magsorry man lang. Bigla nalang umalis. Kala mo kung sinong gwapo, gwapo naman! Ay! Ano ba 'tong sinasabi ko. Gaganti nalang ako kapag nakita ko ulit siya. He will pay for this.
"Girl! Ang tagal mo naman!" Salubong sakin ni Monic. "Oh? Bat ganyan ang itsura mo!? Problema mo?" Tanong ni Monic. Napansin siguro niyang bad mood ako. "Mamaya ko nalang ikwekwento. But to sum it all, may nakita lang naman akong lalaki na ang kapal ng mukha." Sabay upo ko sa upuan.
"Gwapo ba!?" At ang loka! Nag twitwinkle-twinkle pa ang mata. "Talagang tinanong mo pa kung gwapo ha?"
"Eh dali na! Ano? Gwapo ba!?" Yung totoo, pano ko naging kaibigan 'to? "Ano na?" Naiinip na tanong nito. "Oo gwapo! Ayan okay na?" Sagot ko.
"Oh my gosh!" Parang bata naman na kinikilig si Monic. Hay nako. Bahala siya, basta kapag nakita ko ulit yung lalaking yun. Naku, humanda siya sakin.
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN