Sofia's POV
"I want this Papa!" Masayang sigaw ni Trinah habang turo turo ang isang malaking barbie doll. "You want this princess? Then papa will buy it for you." Sabay dampot ni Kaizer dun sa barbie na gustong-gusto ni Trinah.Hinanap ng mata ko si Trevor. Nakita ko siyang nakatingin sa isang robot. Lumapit ako sakanya at kinuha 'yon. "You want it right?" I asked him with a smile on my face. "No." Malungkot na sabi niya. Nagtaka naman ako. "And why is that so?" Nagtatakang tanong ko. Nakita ko kasi siya kanina na pabalik balik dito at tinitignan itong robot na 'to tapos ayaw niya naman. "It's too expensive mom." He said. Tinignan ko naman yung price. 3,465.50 Trevor is right. It's too expensive for a robot. "No baby, if you want it we will buy it. Mommy will give everything you want because I love you." I kissed him in his forehead and headed to the counter to pay for his robot.
"Even papa?" Trevor asked. Nabigla ako sa sinabi ng anak ko. Gusto nila ang papa nila, pero hindi pwede. Yun ang bagay na hindi ko mabibigay sa mga anak ko kahit kailan.
Yumuko ako para magpantay kami ni Trevor. "I'm sorry baby." Sabay yakap kp sakanya. Pinipigilan ko ang luha ko na bumagsak. "Ma'am eto na po yung binili niyo. Thank you po." Masayang sabi nung saleslady. "Thank you din." Aalis na sana kami ng may sabihin yung saleslady na ikinabigla ko. "Ma'am, ang sweet po ng mag-ama niyo. Napakaganda po ninyong tignan. Perfect family po." Masayang sabi niya. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat.
Nagkakamali ka miss. Never kaming naging perpektong pamilya. Paalis na kami ng mall ng magyaya si Travis. "Mom! Papa! I want to play arcade!" Nagtatatalon pa siya niyan ha. "Then let's go!" Masayang sabi ni Kaizer. Wala na akong nagawa kundi ang sumama.
"Papa! I want to play the basketball with you!" Hinila ni Travis si Kaizer kung saan pwedeng maglaro ng bola. "Mom! Come on! Lets play that!" Hila naman sakin ng dalawa. Si Trinah at Trevor. They want to play the gun. "Okay, okay." I said while smiling. How I love seeing my kids this so happy. Habang naglalaro sila ng baril barilan ay tinignan ko naman yung mag-ama na naglalaro ng basketball. May mga tao ng nakapalibot sa kanila.
"Look at them! They're good at playing basketball."
"Ang cute nung bata! Mana dun sa daddy!"
"Wow! they're both handsome!"
"How I wish I have a husband like him and a kid like him as well."
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin pero bigla nalang akong lumapit sa mag-ama ko. Ang daming babae ang nakapaligid sa kanila. "Excuse me!" Argh! Asar! "Ano ba! Miss kung gusto mo silang makita wag ka naman manulak!" Duh!? Hindi ko siya tinulak. Akmang pagsasabihan ko na sana 'tong babaeng 'to ng biglang magsalita si Kaizer. "There you are! Come here mommy!" Bigla naman akong namula sa tawag sakin ni Kaizer.
"He's with his wife."
"They looked perfect together!"
"Tss. Di naman maganda."
"What a perfect family!"
Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanila na "Thank you! Oo asawa ko 'to! Maglaway kayo." Pero syempre hindi ko gagawin yun. "Mommy! Papa!" Rinig 'kong sigaw ni Trevor at Trinah. Nakita nila kami kaya naman lumapit sila samin at yumakap. Nagyayaya na silang umuwi. Yung mga babae naman nacutan kay Trevor at Trinah. Mainggit kayo, mga anak ko 'to.
Lumabas na kami ng Arcade at dumiretso sa parking lot. Inaantok na kasi si Trinah at pagod na yung dalawa. Alam ko ganun din si Kaizer. Habang nasa biyahe kami nakatulog na yung dalawa. Ang cute nilang tignan. Yung ulo ni Trinah nakalagay sa balikat ni Travis at yung kay Travis naman ay nakalagay sa ulo ni Trevor at si Trevor naman ay nakahilig kay Travis.
"They are so adorable Sofie." Sofie... yeah. How I miss him calling me in that name. "Yes, they are." Biglang tumahimik sa pagitan namin. "Sofie...I want to say sorry for leaving you that time." He said while looking directly on the road. Hindi ko alam ang sasabihi ko. I can't even utter a single word. "Yeah, I know I was a jerk back then but-- I know it's too much to ask but, can we start again? With our children?" Hininto niya yung sasakyan. Nandito na kami sa bahay. "Please? I will not rush things. I will give you time to think. But I want you to know this. I never stop loving you." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Tahimik lang ako hanggang sa may kumatok sa bintana. It's Rence! Oh! Thank God! He saved me from this conversation. "Salamat sa paghatid. Lalabas na ako." Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng biglang hilahin ni Kaizer ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sakanya. "Hmp." He just kissed me! pero bakit ganon? Bakit hindi ko siya magawang itulak!? Bakit!? Bakit ako humahalik pabalik!? Sofia think! Nasa labas lang ng sasakyan si Rence! "You like it, don't you?" Hindi ako makatingin ng diretso sakanya. Walang pag-aalinlangan na lumabas ako at sinalubong si Rence.
Lumabas din si Kaizer sa sasakyan at kinuha si Trinah. Kinuha naman ni Rence si Travis at kinuha ko si Trevor. Pumasok kami sa bahay at hiniga na yung tatlo sa kwarto nila, hinalikan din sa noo ni Kaizer ang mga bata. "I love you papa." Bulong ni Trevor. "I love you babies." Paglabas namin ng kwarto ng mga bata ay iniwan muna ako ni Rence kasama si Kaizer. "Sige na, umuwi kana. Late na din." Maikling sabi ko.
"Pag-isipan mo yung sinabi ko Sofie." Tumango lang ako at tinignan siya palabas ng bahay. Maya-maya pa ay may isang taong yumakap mula sa likod ko. "I missed you." Malambing niyang sabi. Humarap ako sakanya at niyakap siya. "Are you okay?" He asked. Tumango lang ako at mas hinigpitan ang yakap sakanya.
Feeling ko nagtaksil ako kay Rence sa paghalik ko kay Kaizer kanina sa sasakyan. Bakit ganon!? Bakit hindi ko siya tinulak kanina!? Bakit!? Nasisiraan na talaga ako. Oo, asawa ko parin siya pero sa papel nalang 'yon! Hindi na sa puso. Hindi na...dapat.
__________________________________________________________________________________
Hiiiiiii! Sana nagustuhan niyo 'tong chapter na 'to! 17K reads na yung MHIMT! Congratsssss satin! Thank you sa mga may mahahabang pasensya na hintayin yung update. Thank you din sa mga nagvovote and comment sa bawat chapter!
Survey lang! Gusto niyo ba ng book 2 ng My husband is my teacher?
Wait for my next update!
-Tine 🐰
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN