Sofia's POV
Pumasok na si Kaizer sa room namin at nagsimula ng magturo. Nakatingin lang ako sakanya habang nagtuturo siya. Oo na, di na ako nakikinig. I can't help it. Ang gwapo ng asawa ko ^_^Habang nagtuturo si Kaizer napansin 'kong napapangiti siya. Siguro iniisip nanaman niya ako kaya siya napapangiti. "Princess, uso makinig sa discussion. Matutunaw na niyan si Sir." Bulong ng katabi ko. Sino pa nga ba? Edi si Renren. "Nakikinig kaya ako. Tsaka di ko naman tinititigan si Sir no." Pagtanggi ko. Reason.com.
"Kaya pala naglalaway kana." Sagot niya. Agad ko namang kinuha ang panyo ko at salamin ko. "Wala naman eh!" Nakakainis 'to. Akala ko talaga tumulo na yung laway ko. "You're so mean, Renren."
"Hahaha! Yan kase." Tawa pa rin siya ng tawa samantalang ako napipikon na. Siguro dahil sa buntis ako, dati naman kasi di ako madalas mapikon kapag nag-aasaran kami ni Renren ngayon naman napaka sensitive ko. "Ehem!" Napatingin kami kung sino yun at nakita ko si Kaizer na nakatingin saming dalawa ni Renren. "S-sorry sir." Sabay naming sabi. Bumalik naman sa pagtuturo si Kaizer at ako naman ay nanahimik na at nakinig. Ganun din ang ginawa ni Renren. Baliw talaga.
--
Uwian na, hinihintay ko si Kaizer sa likod ng gate, dito kami magkikita ang sabi niya dahil konti lang naman ang dumadaan dito. Walang makakakita samin.
Tumingin ako sa langit. "Uulan pa ata." Tinignan ko ang paligid kung may masisilungan ako sakaling umulan pero wala. Ba't ko naman pala titignan kung may sisilungan ako, mamaya maya lang darating na si Kaizer.
Ilang oras na ang lumipas pero wala pa ring Kaizer ang sumusundo sakin. Nag-umpisa na rin pumatak ang ulan. Akala ko ay konting ambon lang pero bigla nalang itong lumakas. Agad agad akong tumakbo papasok ulit sa University.
Ang tagal naman ni- "Kaizer..." Kasabay ng malakas na ulan ay siya ring pagtula ng luha ko. Bat sila magkasama? At bakit nagmamadali si Kaizer? Hindi ba niya ako nakita?
Pinipigilan ko ang mga luha ko pero sadyang di ko magawa. Iyak lang ako ng iyak ng may makita akong kotse na papalapit sakin. Si Kai- "Renren.." Bumaba siya na may hawak na payong.
"Tara hatid na kita. Wag ka ngang umiyak! Ang panget mo Princess."
Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya, tinatanong niya kung bakit ako umiiyak pero hindi ko siya sinasagot, hindi na rin naman niya ako tinanong.
"San ang bahay niyo?" Tanong niya.
Naisip ko naman baka nandun na si Kaizer, baka makita kami ni Renren. "Jan nalang sa kanto Renren. Tumila na din naman yung ulan."
"No, I insist. Ihahatid kita sa bahay niyo." Sabi niya. Wala na akong nagawa kundi pumayag dahil mukhang determinado siyang ihatid ako sa bahay namin. "Kaliwa, tapos kanan ulit then kanan ulit tas kaliwa." Pagtuturo ko ng daan.
"Wow, ang daling tandaan ng daan ha." Pinalo ko naman siya sa braso niya. "Baliw!" Nasa tapat na kami ng bahay namin at hindi ko pa nakikita ang kotse ni Kaizer. Buti naman at wala pa siya, bigla ko nanamang naalala yung nakita ko kanina. Siguro magkasama pa sila.
"Thank you sa paghatid sakin Renren."
"No worries. Basta ikaw Princess. Sige na, mauuna na ako. Ingat ka, wag kang umiyak ha? Bye!" Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot ito.
Sinalubong naman ako ni manang. "Nandito kana pala hija, si Kaizer? Hindi ba kayo magkasabay?" Tanong ni manang.
"H-hindi po..." Pagkasabi ko 'non ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.
--
Kaizer's POV
"Lex? Are you okay?" Tanong ko sakanya. Bigla kasi siyang humawak sa tiyan niya at tila may sakit na nararamdaman. "I-I'm f-fine." Sagot niya, pero di ako naniniwala na ayos siya."No, you're not okay Lex. I will bring you to the hospital." Tumango nalang siya at sumama sakin. Kaibigan ko pa rin naman si Lex kahit papano. Nagsorry na rin naman siya sakin sa mga sinabi niya noon. Gusto niya nga daw makilala si Sofia dahil gusto niya itong maging kaibigan. Kanina habang nagdidiscuss ako ay napapagiti ako dahil magiging magkaibigan ang dalawang taong importante sakin.
Habang papunta kami ng parking lot ay bigla nalang umulan ng malakas. Agad naman kaming tumakbo para makasakay na sa kotse ko. Pag-sakay palang namin ay pinaharurot ko na ang kotse ko.
Kailangan ko siyang madala sa hospital. "Saglit lang Lex. Malapit na tayo sa hospital." Nang malapit na kami sa hospital ay agad din siyang inasikaso ng mga doktor.
MANANG CALLING...
"Hello po manang."
"Hijo nasaan ka? Si Sofie nahimatay. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Nag-aalala na ako sakanya."
Shit! Shit! Ang tanga mo Kaizer. Iniwan mo yung mag ina mo kanina!"Papunta na po ako manang." Dali-dali akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Kailangan ako ng mag-ina ko.
"Ang tanga mo Kaizer Dale! Ang tanga tanga mo! Kinalimutan mo si Sofie!" Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Wala akong kwentang asawa at ama!
Pagkarating ko ng bahay ay agad akong pumasok sa loob at umakyat sa kwarto ni Sofie. Naabutan ko si manang na kinukumutan si Sofie.
"Ano pong nangyari sakanya manang?" Tanong ko. "Pagkauwi niya rito ay tinanong ko siya kung bakit hindi ka nya kasama. Ang sabi niya ay hindi. Pagkatos 'non ay nawalan na siya ng malay. Pinalitan ko na ang damit niya dahil basa siya ng kaunti kanina. Wala naman siyang lagnat pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising." Paliwanag ni manang. Lumapit akokay Sofir at hinalikan siya sa noo.
--
"Ayos lang naman ang asawa mo Kaizer. Stress lang siya at pagod kaya siya nahimatay. Wag kang mag-alala, mamaya lang ay magigising na siya."
Buti naman at ayos lang si Sofie. Kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."Salamat Keeper."
"Walang anuman bro."
"Ang baby?" Nag-aalalang tanong ko.
"Oo nga pala, ayos lang ang anak niyo. Matinik ka talaga Villafuerte."
"Syempre naman! Hahaha!" Nagtawanan lang kami pagkatapos kong sabihin 'yon. Matagal na kaming magkaibigan ni Keeper. At ngayon ay isa na siyang kilalang Doktor.
"Mauna na ako. Hinihintay na ako ng asawa ko. Alam mo naman 'yun."
"Sige pre, ingat. Pakomusta mo nalang ako kay Andrea at sa mga inaanak ko."
Umupo ako malapit sa kama ni Sofie at hinawakan siya sa kamay niya.
"Hon, I'm so sorry. Sorry kasi hindi kita nasundo. Sorry Hon. Hindi na mauulit 'yon." Hinalikan ko siya sa noo at lumabas ng kwarto niya. Ipagluluto ko muna siya ng soup para mamayang magising siya ay makakain siya.
LEX CALLING...
"Hello... K-kaizer..."
"Anong problema Lex? Ayos kalang ba!?"
"Ang b-baby... ang b-baby ko..."
__________________________________________________________________________________
O-M-G kanino baby 'yon!?
Wait for my next update!
-Tine ❤
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN