Chapter 4: Wedding (Part 2)

22.6K 663 16
                                    

Sofia's POV
Inalalayan ako ni dad na bumaba sa kotse. Naghihintay na sila mom sa harap ng simbahan. Nakita ko rin si Dale na nakangiti ganun din sila Carl at Ashley. Nang makalapit ako sakanila ay isa-isa ko silang niyakap.

"I love you... kuya." Tila nagulat naman si Dale ng tawagin ko siyang kuya. Katulad ni Carl, hindi ko rin tinatawag na kuya si Dale. Ewan ko lang. Ganun ata siguro kami.

"Are you ready princess?" Tumango nalang ako bilang sagot. Nakaready na kaming lahat. Bumukas ang pinto at nag simula ng maglakad ang mga flower girl at kung ano-ano pa. Nang ako na ang maglalakad ay nasa gilid ko si mom and dad.

"Don't worry princess. Kapag sinaktan ka niya, ako na ang bahala." Bulong ni dad pero diretso parin ang tingin niya. Ngumiti na lamang ako at pinisil ang braso ni dad. Si mom naman ay nanggigilid na ang mga luha. Sino ba naman ang hindi iiyak. Kahit ata ako naiiyak eh. Pano ba naman yung antipatikong lalaki na bumunggo sakin ng dalawang beses pala ang pakakasalan ko. T_T

"Take care of my daughter." Dinig kong bulong ni dad. Umalis na sila at nag umpisa ng magsalita ang pari. Kung ano-anong sinabi ng pari na hindi ko masyadong napag tutuunan ng pansin. Dahil itong kasama ko ay panay ang ngiti sa'kin. Sa lahat naman ng pwedeng pakasalan, siya pa!

"Do you Kaizer Villafuerte take Princess Sofia Alarcon as your wife for sickness and in health for poorer or richer?"

"I do." Kaizer pala ang pangalan nitong mokong na 'to.

"Do you Princess Sofia Alarcon take Kaizer Dale Villafuerte as your husband for sickness and in health for poorer or richer?"

"I do." Sagot ko. Na labag sa loob ko.

"For the power given to me. I now pronounce you as husband and wife and now, you may now kiss the bride." Itinaas ni Kaizer ang belo ko. Akmang hahalikan na sana niya ako sa labi ng pigilan ko siya.

"Don't you dare." Pagbabanta ko, bulong lang iyon pero sakto na para marinig niya.

"Okay, then.." at ayun hinalikan niya ako. Sa noo. Oo! Sa noo. Medyo, parang nadismaya ako. Bat ko pa kasi siya pinatigil kanina. Hays, ano ba 'tong iniisip ko.

"Congratulations!"

So pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami sa reception. Puro 'thank you' lang ang sinasabi ko. Dahil wala akong balak na ientertain silang lahat isa-isa. Nakita ko naman si Monica na busy sa pagkain.

Nang makita niya si Kaizer ay nagwapuhan siya pero ang sabi niya "Sayo nayan, marami pa namang iba jan." Nagpaalam na kami kina mom and dad. Pati na rin sa mga kapatid ko. Natawa pa nga ako kasi kinausap pa ni Dale at Carl si Kaizer bago kami payagang umalis.

Nasa kotse na kami at walang umiimik sa amin. Kaya ako na ang bumasag ng katahimikan. Nanunuyo na ang laway ko no.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng makitang hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin.

"In our house." Sagot niya, tss. Nakakaasar naman. Malayo pa naman siguro yung bahay. Matutulog na muna ako.






Maya-maya lang may naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko "hey, where here." Dumilat naman ako at nakita ko si Kaizer na papasok na ng bahay. Walangya, ni di man ako tinulungan.

Pagkapasok namin sa bahay ay namangha ako. Malaki siya then kulay dirty white tapos napakaaliwalas ng pakiramdam kapag pumasok ka.

"Where's my room?" Paakyat na ako ng hagdan para sana malaman kung saan ang room ko dahil wala atang balak ang kasama ko na sagutin ako.

"The third one." Sagot niya, tinignan ko naman ang pangatlong kwarto. Pagkapasok ko ay nandun na ang mga gamit ko. At wow! Ang laki ng kama ko!

"Anong pinto yung una at pangatlo?" Tanong ko sakanya. "The first one is for Manang Clara and the second one is the master's bedroom which is my room."

"Okay, papasok na ako at matutulog na ha? Good night!" Sigaw ko. Sabay pasok ng kwarto ko. Nagpunta muna ako sa CR para mag bath. Naiinitan kasi talaga ako ngayon kahit na naka aircon naman.

Tinanggal ko na ang dress ko at nagbabad sa bathtub. "Ang sarap, sana lang maging maayos ang buhay may asawa ko." Hindi ko alam na napasarap na pala ang babad ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

--

Kaizer's POV
  "Manang, can you call sofie in her room? We need to talk." Tumango naman si manang at umakyat papunta sa kwarto ni sofie. I know Sofia ang name niya but I prefer Sofie instead of Sofia.

Dumating si manang ng walang kasama. "Manang, where's sofie?" Tanong ko. "Hijo, katok ako ng katok walang sumasagot. Nag-aalala na ako baka ano ng nangyari sa batang yun." Bigla naman akong kinabahan at agad na kinuha ang spare key sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng kwarto ni Sofie ay hindi ko siya makita. Tinignan ko ang walking closet pero wala din. Pumasok na ako sa CR at nakita ko siya sa bathtub na natutulog. "Manang, yung tuwalya!" Binigay naman sakin ni manang ang tuwalya.

Binalot ko sa tuwalya si sofie at inihiga sa kama niya. "Sofie!" Tinapik tapik ko siya at agad naman siyang nagising. "Manang, lumabas ho muna kayo." Lumabas naman agad si manang. Si sofie naman ay parang takot na takot.

"GINAGAMIT MO BA YANG UTAK MO HA!? MAG ISIP KA NGA. IKAW? MATUTULOG SA BATHUB!? PANO KUNG NALUNOD KA HA!? TAPOS HINDI KO ALAM! SA SUSUNOD MAG INGAT KA!" Nakita ko naman na parang maiiyak na siya. I don't care, asawa ko lang siya sa papel. I don't even love her in the first place. Kailangan ko lang talagang makuha ang mana ko kaya ako pumayag na magpakasal sakanya. Ganun din naman siguro siya. Napilitan lang din siya.

"Get out." Mahinang bulong niya pero sapat lang na marinig ko. "I said get out!" Tss.

Lumabas na ako sa room niya at nagdiretso sa mini bar namin. Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyon na 'to. Nakita ko si manang na papunta sa direksyon ko. "Hijo, alam kong wala akong karapatan na makialam pero hijo mali na sinigawan mo siya. Asawa mo pa rin yun. Babae siya." Si manang naman oh! Alam ko namang babae yung napangasawa ko. Papakasalan ko ba naman kung lalake?

"Alam ko naman ho iyon manang. Hindi ko lang ho napigilan ang sarili ko na sigawan siya. Nag-alala lang naman ho ako sakanya."

"Hijo, humingi ka ng tawad sakanya. Narinig ko siyang umiiyak kanina, ikaw na sana ang umintindi. Ayusin niyo yan, pangit sa bagong kasal ang ganyan." Pagkasabi 'non ni manang ay umalis na siya. Ako naman naiwan dito na nag-iisip kung paano ako hihingi ng tawad kay Sofie. Ano ba 'tong nagawa ko.

________________________________________________________________________________________

Hi! Yung sermon ng pari at yung sinabi niya, imbento ko lang yun! Haha! I'm not that good. And sorry sa mga wrong grammar! Kayo na bahalang umintindi. Thank you! And one more thing! Do vote and comment! Nagbabasa ako ng mga comment! Promise :*

Wait for my next update! :* support my story :)

-Tine

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon