Sofia's POV
"Sofia ma-" Hindi ko na pinatapos si Carl sa sasabihin niya. Gusto 'kong makita ang asawa ko. Oo, asawa ko pa rin naman siya.Pumasok ako sa kwarto at nakita 'kong tinakpan na ng kumot ng mga nurse ang asawa ko. "Stop." Mahinang sabi ko. Yumuko naman ang mga nurse at lumabas na.
Lumapit ako sa walang buhay na si Kaizer. Shit! Bakit nangyari 'to? Kung kailan handa na akong bigyan siya ng chance. Napaka-mapaglaro din naman talaga ng tadhana no?
"Hon, wag naman ganito." Iyak pa rin ako ng iyak. "Bat ganon? Handa na ako eh. Bat mo naman ako iniwan? Ang daya mo naman." Niyakap ko siya at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Gago ka talaga no? Sabi mo babawiin mo ako kay Rence. Anong nangyari sa salita mo? Ayun, napako na naman. Pa'no mo kami mababawi kung nakahiga ka lang jan?" Para akong tanga dito na kinakausap ang patay, pero wala akong pakealam.
"Hindi ka pa ba nagsasawa na sinasaktan ako? gumaganti kaba? Ikaw naman ng mang-iiwan ngayon? Aba! Sumosobra ka naman! Ang daya daya mo! Dapat liligawan mo pa ako eh!" Sa lahat naman oh, bat samin pa nangyayari 'to? Akala ko sasaya na ako dahil alam ko na sa sarili ko na mahal ko pa rin siya eh. Hindi pala, lalo lang akong nasaktan.
"Pa'no na yung mga anak natin!? Siraulo ka! Gumawa gawa ka ng mga bata tapos triplets pa tas iiwan mo rin naman pala ako! Alagaan mo yung mga binuo natin! Bwiset ka! Pinagpawisan natin yun eh!" Walangya, hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Kaizer ano bang ginagawa mo sakin.
"Alam mo ba na hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita ha? Sobra! Hindi naman nagbago yun eh. Ginayuma mo ata ako. Ayan na, sinabi kona na mahal kita. Tumayo kana jan! Papakasal pa tayo ulit eh. Kukunin mo pa kami ng mga anak mo diba?" Wala na talaga Sofia. Huli kana. "Sorry, sorry kung hindi muna ako nakinig sayo. Sorry kung agad akong nagdesisyon. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung inilayo kita sa tatlo ng limang taon. Sorry. Please. Wag mo naman kaming iwan? Please." Humagulgol na talaga ako. Hindi ko na kaya yung bigat na nararamdaman ko. Ang sakit! Ang sakit na makita siya na wala ng buhay! Ang sakit pala. Nagsisi ako dah--
"So, kailangan ko pa talagang maaksidente para lang sabihin mo ang lahat ng yan?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Shit! Wala pa man minumulto na ako ng gago. Pinikit ko lang ang mga mata ko. Hinga Sofia. Hinga.
"Hon, alam ko namang mahal mo ako at mahal din naman kita eh. Alam ko ring naririnig mo ang mga sinabi ko kanina pero wag naman ganyan. Alam mo namang takot ako sa multo eh. Please naman. Wala naman takutan. Kawawa yung tatlo pag nagkataon."
"Sofie look at me." Jusko, sana naman hindi ako atakihin nito sa puso. Gusto ko pang alagaan ang mga anak ko. Wag po muna sana akong isama ni Kaizer.
"Hon, iba naman yung meaning ko nang pagkuha mo samin kay Rence. Wag naman sa ganitong paraan. Bata pa ang mga anak mo. Hintayin mo silang magkapamilya muna please." Hindi pa rin ako lumilingon sa likod ko at ayoko. Mamatay ako ng maaga.
"F*ck Sofie! Hindi ako multo! Ano bang iniisip mo!? At isa pa, sino ba yang lalaking iniiyakan mo jan ha!? Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sakin? Tanggap ko pa kung si Rence eh! Pero yan? Matanda na yan Sofie! 78 years old na yan eh!" Tinanggal ko ang puting kumot na nakatakip dito sa taong yakap yakap ko kanina. "AHHHHHHHHHHHH!" Tae lang! Hindi naman 'to si Kaizer eh! Matanda na anga 'to.
"Pffft! Hahahahahahaha! So akala mo ako yang yakap yakap mo? Grabe ka naman Hon. Mahilig ka pala sa matanda. Hahahaha! Sana sinabi mong matanda ang hilig mo. Edi sana pinakulay ko ng puti ang buhok ko." Tawa pa rin ng tawa si Kaizer. Bwiset na lalaking 'to. Nakita kong naka hospital gown siya at may mga galos sa braso ay sa may pisngi niya.
"Hindi pa naman ako patay pero pinapatay mo na ako. Diba sabi ko babawiin ko pa kayo kay Rence?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na buhay siya eh. Shit! nakakahiya yung ginawa kong pag-iyak kanina. Talagang humagulgol ako. Kahihiyan ang inabot ko sa araw na 'to.
"Why are you crying? Look, I'm sorry okay. Masyado kitang pinag-alala." Yinakap niya ako at pinaghahampas ko siya sa dibdib. Nagmukha akong tanga sa kakaiyak kanina. Pero thankful ako at hindi si Kaizer ang iniiyakan ko kanina. Buti nalang at ligtas siya.
"Ouch! May mga galos pa rin naman ako hon. Masakit pa rin." Masakit pero tumatawa siya. "Kaasar ka! Nagmukha akong tanga kakaiyak eh!"
"Okay lang, worth it naman lahat ng narinig ko." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. "So, can we start again?" Tanong niya.
Humiwalay ako sa kanya at tumingin sa mata niya. "Aayusin ko muna ang samin ni Rence. Ayoko namang masaktan siya. Siya ang nag-alaga samin ng mga bata for 5 years." Tumango siya at niyakap ako ulit. "I understand. Konting panahon lang naman ang hihintayin ko eh." Ngumiti ako sakanya at niyakap din siya.
"Okay? Nakaistorbo ata kami?" Sabi ni Carl. Tinignan ko siya ng masama. "What?" Takang tanong niya.
"Why didn't you tell me na hindi pala kwarto ni Kaizer ang napasukan ko!?" Inis na sabi ko sa kanya. "Excuse me? Hindi mo ako pinatapos sa sasabihin ko, ATE." Oo nga pala, kasalanan ko din. Argh! Kahihiyan talaga lahat ng inaabot mo ngayon Sofia! "It's okay hon." Ngumiti ako at niyakap siya. Magiging maayos din ang lahat.
Ipaglalaban ko na din kasi siya. Hindi yung puro si Kaizer ang lumalaban para samin. This time, kami nang dalawa ang lalaban.
"Mommy! Papa!" Narinig 'kong sigaw ng tatlo naming anak. Yumakap sila samin, naiiyak sila. "Bakit umiiyak ang mga baby namin?"
"Okay lang lang po ba si papa?" Tanong ni Trinah. "Ofcourse baby. Okay lang si papa." Binuhat ni Kaizer si Trinah at hinalikan sa pisngi.
"Sofia." Narinig 'kong tawag sakin ni Rence. Siguro ito na yung tamang panahon para kausapin ko siya.
Sana maging maayos ang pag-uusap namin. Sana lang.
__________________________________________________________________________________
Malapit na yung Epilogue. Thanks sa walang sawang pagsuporta sa MHIMT! Thanks sa pagvote at pagcomment! Natutuwa ako ng sobra!
Sabi niyo kinikilig kayo sa story na 'to. Alam niyo ba na kinikilig ako kapag nagcocomment kayo? Minsan kapag binabasa ko yung mga comment niyo napapangiti ako.
So ayun! Bumabawi ako sainyo ngayon kasi ang dami naming quiz bukas! Grabe! Apat na subject.
About po dun sa number ko. Kindly pm me? Para po hindi magulo. :) Thanks ulit! Bumawi ako kasi dapat nung saturday pa ako nag update ang kaso ayaw ma publish kaya ngayon lang ako nakapag update. Hope you understand.
Thank you ulit!
Lovelots!
Wait for my next update!
-Tine 🐰
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN