Chapter 3: Wedding (Part 1)

25.1K 624 3
                                    

Sofia's POV
  "Wow! grabe, parang kailan lang bata pa lang ako. Ngayon ikakasal na." Bwiset, napaaga ang kasal na 'to. Wow! As in Wow! Isipin mo ni di ko man kilala ang mapapangasawa ko. As in ngayon ko lang siya makikita.

"Wow, you look gorgeous." Puri sakin ni mom ng makapasok siya sa kwarto ko. "We're tie mom." Kahit na nabwibwisit ako ngayong araw na 'to ay pinilit ko pa ring ngumiti kay mom.

"I know you're not happy, I'm sorry princess. I'm a useless mother for dragging you to this situation." Ayan, umiyak na si mom. Pinaiyak niyo. Halaaaaa. De joke lang. Ayoko lang na umiyak kaya pinapatawa ko sarili ko.

"Mom, don't say that. You're the best mom ever! Hindi niyo naman ginusto 'to. It's lolo's will. Don't worry. I will be okay after this." Sabay yakap ko kay mom. I love my mom and dad and ofcourse my twin, Ashley and my little brother. I love my family more than anything.

"If you need us, don't hesitate to call us okay?" Binigyan ako ni mom ng huling yakap bago tuluyang lumabas. This is it, wala ng atrasan 'to. Pinasok ko 'to eh. Mamaya pa naman ako lalabas. nakaayos na din ako. "Wow! You look stunning!" Liningon ko naman kung sino ang nagsalita at nakita ko si Ashley.

"Thanks." Maikling sagot ko. Parang gusto ko na tuloy umatras. "Are you okay ate?"

"Yes?" Oo patanong. Dahil hindi ko rin alam kung okay ba ako o hindi. "Don't worry ate, everything will be find." Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Paglabas ni Ashley ay siya namang pagpasok ng kakambal ko at ni Carl.

"Are you sure about this?" Tanong ni Carl. Grabe, pati ba naman dito. "Yes baby, I'm sure."

"Stop calling me baby!" Hahaha! Ayaw kasi niya ang tinatawag ko siyang baby. Feeling niya daw kasi para siyang bata kapag tinatawag ko siyang ganun. "Why? You still my little brother. Porke malaki kana kinalimutan mo na ako. Siguro maraming nagkakagusto sayo sa school mo." Aasarin ko muna si Carl para naman mawala ang kaba ko.

"Tss." Hala, naasar na si bunso. "Wow! Princess Sofia, nagmukha 'kang tao. Ngayon lang." Hirit naman ni Dale. "Alam mo Dale, kung wala ka rin namang magandang sasabihin. Kindly open the door..." binuksan naman niya ang pintuan "...then get out...." at ayun lumabas siya. "... then close the door." Sabi ko, sinara naman niya ang pinto. Uto-uto. Di ba niya napansin na pinalalabas ko siya.

Nagkatinginan kami ni Carl tapos sabay kaming tumawa. "Wahahaha! Uto-uto talaga yang si Dale! Napanood mo ba 'yon Carl? Para siyang robot! Hahaha!"

"Weirdo! Hahaha!" Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Dale na kitang kita sa mukha ang pagkainis. "Nakakainis ka talagang panget ka!" Sabay alis niya. Sus, nakakainis daw pero nahuli ko siyang nakangiti bago umalis.

"Bat nga ba kayo nandito?" Tanong ko kay Carl na nakaupo na ngayon sa kama. "Gusto kang makita ni Dale. Ang sabi niya, baka daw tumakas ka. Willing naman daw siyang... isumbong ka pag nagkataon." Dahil sa sinabi ni Carl ay nahampas ko siya sa braso. "Kidding, Dale is worried. He want to hug you but he is a coward to show that he cares for you. You know Dale, He's not the type that is showy when it comes to his feelings. But believe me, he loves you. He want to protect you. Remember the day when you go home crying?" Yun yung nung bata pa kami. Grade 6 siguro kami 'non. Naunang umuwi si Dale. Kasi nagalit siya sakin dahil ang kulit ko. Kaya ayun naiwan ako sa school ng mag isa. Tapos binully ako ng mga classmate ko. Sinasabi nila na pano ko daw naging kakambal si Dale eh ang pangit pangit ko daw. Tapos ang lampa ko pa daw. Di katulad niya na ubod ng gwapo at galing sa sports.

Then that day, umuwi ako samin na umiiyak. Naglakad ako, malapit lang naman ang bahay namin nun sa school. Mga tatlong kanto lang siya. Then, nakita ako ni Dale na umiiyak. Akala ko lalapitan niya ako at papatahanin pero ang ginawa niya. "He said that you're a coward and a crybaby. Then you walk out and go to your room right? But you know what Dale did after you go to your room?" Umiling ako. Dahil hindi ko na alam ang ginawa ni Dale pagkatapos 'non.

"He went outside the house and went to your school. He search those guys who made you cry and when he find those guys. He punched them hard in the face. Then he shout "Wag na wag niyong papaiyakin ang kapatid ko! Kapag nalaman 'kong pinaiyak niyo siya ulit, I will make sure that your life in this school will be a living hell!" Napaiyak ako sa nalaman ko. Dahil never kong nakita na pinagtanggol ako ni Dale dahil madalas niya akong iniinsulto at inaasar.

"Hey, don't cry. Sayang ang make-up mo." Nabigla naman ako ng punasan ni Carl ang luha ko. At wow! Nagtagalog siya ng kausapin niya ako.

"I love you both baby." Hindi naman nagreklamo si Carl na tinawag ko siyang baby kaya naman niyakap ko siya. "I love you too...Ate" teka, tinawag niya akong ATE!?

Humiwalay ako sakanya at hinarao siya. "Ulitin mo nga yung sinabi mo. Tinawag mo ba akong ate?" Tanong ko sakanya. "Walang ulitan sa taong bingi." Sabi niya sabay tayo at punas sa konting luha ko. "Don't worry, If you need me. Call me and I'll be there." Niyakap ko ulit ang kapatid ko bago siya lumabas ng kwarto. 10 mins nalang bababa na ako. "Princess?" Narinig ko naman ang boses ni dad. Niyakap ko siya.

"Wow! You look beautiful in your wedding dress princess" Pansin ko lang. Lahat ata sila WOW ang sinasabi ngayon ha. Ano bang meron at napapa-Wow silang lahat.

"Thanks, dad." Niyakap ulit ako ni dad. "May sasabihin ka din ba dad?" Natatawang sabi ko. "Wala na, sinabi na ata lahat nila Dale. Pero eto princess, kung kailangan mo kami. Don't hesitate to call okay? After all, you still my princess. Ang today you will be a queen to your husband." Speaking of husband. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Baka naman mukhang rapist yun or manyak!?

"By looking at your face, I can say na iniisip mo na mukhang rapist ang mapapangasawa mo." Halata ba ako masyado? "Don't worry my princess. Your soon to be husband is a good catch!" Grabe lang ha. Baka naman good looking nga, bad attitude naman.

"Oh, dad."

"Tara na sa baba, at mag uumpisa na ang kasal." Nakangiting sabi ni dad.

Oh! God, help me. I FEEL NERVOUS!

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon