Chapter 15: Mrs & Baby

22.4K 579 4
                                    

Kaizer's POV
Grabe maglihi si Sofie. Pasalamat siya mahal ko siya, kahit na lagi akong sinusungitan. Sana lalaki ang magiging baby namin.

Anyway, san naman ako makakahanap ng gatas ng kalabaw? Tsaka saging na kambal? Dark chocolate lang ang nabili ko sa mall kanina. Wala akong nakitang saging na kambal at gatas ng kalabaw sa market.

Tatawagan ko nalang si Nico. Magpapatulong ako sakanya. Ilang ring lang ay sinagot na niya.

"Hello. Napatawag ka bro?"

"Magkita tayo."

"Alright. Where are you?"

"Mall. Malapit sa Condo mo."

"3 mins." Pagkasabi niya 'non ay binaba ko na ang tawag.

Wala pang 3 mins ay nandito na si Nico. Malapit lang kasi ang condo niya dito. "Anong problema?" Bungad niya sakin. "Si Sofie." Sagot ko.

"Napano? Nabuntis mo? Hahaha! Joke lang! Alam ko namang wala kang gusto dun."

"Gago!"

"Pero seryoso. Bakit biglaan mo naman gustong makipagkita?" Pano ko ba sasabihin sakanya na mahal ko si Sofie at nakipaghiwalay na ako kay Lexie at nabuntis ko si Sofie?

"Ano!? Mahal mo si Sofia tapos nakipaghiwalay kana kay Lexie tapos nabuntis mo pa si Sofia!?" Teka? Paano niya nalaman? "How did you know?"

"Bro, narinig ko." Napalakas ba ang boses ko? "Anyway, ano ba talaga ang kailangan mo at nakipagkita ka?"

"Si Sofie nga. Naglilihi. Gusto niya ng saging na kambal at gatas ng kalabaw. Hindi ko alam kung saan makakabili 'non no."

"Sa palengke dude. Meron non." Sagot niya. Sa palengke? Huh! Di mo ako mapapapunta dun no. "Wala na bang ibang lugar? Kahit saan, wag lang sa palengke." Ayokong pumunta sa palengke. Ayoko.

"Edi bahala ka. Sige! Aalis na ako! Good Luck!" Akmang aalis na sana siya ng tawagin ko siya. "Tara na." Sinamahan niya ako sa palengke at gaya ng inaasahan ko ay madumi dito at masikip.

"Ikaw ba pumupunta ka dito?" Tanong ko sakanya. "Oo, dito ako namimili." Nagulat ako sa isinagot niya. "You're kidding right? Isang Nico Sy dito namimili?"

"Hoy! Ano naman ngayon kung dito ako namimili? Tsaka mas mura dito." Tumango nalang ako at di na nagsalita. Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bilihan ng saging. "Manang? May saging kayo? Yung kambal." Kasalukuyang kinakausap ngayon ni Nico yung nagbebenta ng saging.

"Saging na kambal? Marami ako niyan hijo." Biglang nagliwanag ang mga mata ko. Sa wakas! "Ito na hijo. Salamat."

"Gatas ng kalabaw naman. Teka, may kilala akong nagtitinda ng gatas ng kalabaw." Naglibot libot kami ni Nico at maya-maya pa ay nakabili na rin kami ng gatas ng kalabaw. "Salamat pre."

"Sige na. Aalis na ako. Baka naiinip na ang asawa ko." Tumango naman siya at sumakay na ng kotse niya. Matutuwa nito si Sofie.

--

"Manang si Sofie po?" Tanong ko.

"Nandito kana pala. Kanina pa kita kinokontak pero nakapatay ang telepono mo." Kinuha ko naman yung cellphone ko at binuksan. Ilang missed call din ang nareceived ko. "Pasensya na manang. Pinatay ko yung cellphone ko eh. Ang kulit kasi nung tumatawag sakin."

"Ganun ba? Sige akyatin mo na si Sofie doon. Nasa kwarto niya." Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto niya. Saktong pagpasok ko ng kwarto niya ay may tumawag sakin. Si mama.

"Hello mom."

"How's Sofie? Is she okay? How about the baby?" Napangiti nalang ako sa pag-aalala ni mama sa mag-ina ko.

"Don't worry ma. They are fine."

"So--" HIndi na natapos ni mama ang sinasabi niya dahil sumigaw ako.

"Woah! Bakit may lumilipad na tsinelas ditoooooooo!!!" Pinagbabato akong tsinelas ni Sofie. Ano bang nangyayari sakanya?

"Hon! Aray! Ba-aray! Tama-Aray ko! ANO BANG PROBLEMA MO!?"

"Sor-sorry..." Pagkasabi niya non ay tumakbo na siya palabas ng kwarto. "What happened son!?"

"Nothing mom. Call me later 'kay."

"Alright." Napabuntong hininga nalang ako. Bat ko ba siya sinigawan? Haist! Nakakainis ka Kaizer! Bumaba ako ng hagdan at agad 'kong nakita si Sofia na yakap si Manang. Bumitaw naman si manang ng makita ako.

"Bat di ko muna kaya kinuha yung supot na dala niya bago ako mag-walk out kanina. Nagugutom na ako." Natawa ako sinabi ni Sofie. Yung pagkain pa rin ang iniisip niya. "Hon.. ito na pagkain mo oh."

"Hmp!" Sabay irap niya sakin. Pa'no ko ba lalambingin 'to? Takte naman oh. "Hon sorry na. Di ko naman sadya na sigawan ka. Sorry na please..."

"Ayaw mo na ba sakin? Kasi tataba na ako? May iba kana ba?" Naiiyak na siya habang nagtatanong sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Never akong magsasawa sa babaeng kayakap ko ngayon. "Shhh.. stop crying. I will never do that. You're the only one for me. You're the only person that I want to be the mother of my child. Kahit na tumaba kapa. Ikaw parin ang mamahalin ko. I love you hon.. stop crying please..."

Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa labi. I love this girl so much. I can't imagine my life without her. She's my everything. Kinuha niya yung supot sabay labas nung mga pinamili ko. Pagkakita niya palang sa mga 'yon ay parang nangislap ang mga mata niya. "Thank you hon! I love you so much!" Ang higpit ng yakap niya sakin. Pero...

"Hon... stop t-that... you're t-tempting m-me. Are you aware that you're only wearing a towel?" Bigla naman siyang namula at dali daling umakyat.

"Be careful!" I said.

--

"Good Morning Sir!"

"Good Morning." Papasok na ako ngayon. Si Sofie pinayagan ko na ding pumasok. Nangungulit eh. Naiinip na siguro sa bahay. Sinabi ko naman sakanya na kapag may problema siya ay tawagan niya ako. Baka kasi anong mangyari sakanya at ng baby namin.

First class ko ngayon ang klase nila Sofie. Miss ko na agad siya kahit na kasama ko lang siya kanina. Pumunta muna ako sa Faculty at nakita ko ang mga co-teachers ko. "Good Morning." Bati sakin ng ilan sa mga teachers.

"Good Morning Mr. Villafuerte." Pormal na bati sakin ni Kathrina. History Teacher siya. Maganda, sexy at mayaman ang pamilya nila. Matalino din siya. "Good Morning." Bati ko.

Kinuha ko ang mga papeles na kailangan ko at lumabas na. Pupunta na ako sa klase nila Sofie. Maaga ko ding tatapusin ang mga dapat 'kong gawin mamaya para maihatid ko si Sofie. Yayayain ko kasi siyang magdinner sa labas.

"Kaizer.." Malapit na ako sa klase nila Sofie nang may tumawag sakin.

"Lex..."

__________________________________________________________________________________

Dumadami na ang mga character sa story na 'to. Whoo! Grabe! Sana suportahan niyo 'tong story na 'to hanggang huli.

Pakisuportahan na din yung mga iba ko pang story. Thank you very much!

Wait for my next update!

-Tine ❤

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon