Chapter 21: Family

20.8K 554 18
                                    

Sofia's POV
"Mom, I'm tired na po." Reklamo ni Trevor. "Just wait baby. Parating na sila Grandma okay?" Tumango siya at nagpabuhat kay Renren.

"Mom, I want Ice cream." Bulong ni Trinah. "Later baby."

"Dad, I want to sleep na." Narinig 'kong bulong ni Travis kay Renren. "Come here Trav, I will carry you."

Bigla naman sumimangot si Travis. "Why?" Tanong ni Renren. "Dad, I'm a big boy now. You don't need to carry me like a baby." Napailing nalang ako sa anak ko.

"But you said you're sleepy already."

"No dad, I can handle." Napatingin si Renren sakin dahil sa sinagot ni Travis. Halatang nagmana siya sa tunay niyang ama. "If you say so." Sagot ni Renren.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na sila mommy at daddy na lumabas sa isang van.

Sinalubong nila kami at agad namang nagmano at humalik ang mga anak ko. "Naku, ang gwagwapo at ang ganda ng mga apo ko. Mana sa lola nila." Sabi ni mommy. "Naku, sakin nagmana ang mga apo ko." Singit ni Daddy. Yumakap ako sa kanila at humalik.

"Ma, tara na po. Pagod na ang mga apo mo. Excited kasi kaya di nakatulog sa biyahe."

"Ganun ba, mabuti pa nga. Rence hijo, salamat sa pag-aalaga sa anak ko." Sabi ni mommy. "No worries tita. It's no biggie."

"Tara na, para makapagpahinga na sila." Sabi ni Daddy.

Sumakay na kami sa sasakyan at umalis na ng airport, pero bago kami tuluyang makaalis ay nakita ko siya... akala ko nung una namamalikmata lang ako pero hindi, siya yon. Si Kaizer, kasama si Lexie at mukhang masaya sila. Buhat buhat pa ni Kaizer ang isang batang lalaki na tingin ko ay kasing edad lang ng mga anak ko. Siguro siya ang anak nila ni Lexie.

Masaya na sila, isang kompletong pamilya, hindi na dapat ako makigulo. Pero nasasaktan lang ako kapag naiisip ko na..hindi niya kami hinanap ng mga anak niya. 5 years! Damn! 5 years din yon. Sa tagal ng panahon na 'yon ay hindi niya kami hinanap. Oo nga pala, bat niya kami hahanapin e pamilyadong tao na siya.

"Mommy, why are you crying?" Nagulat ako sa tanong ni Trinah kaya naman hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa ito. "Oh, nothing baby. Don't mind mommy okay?" Tumango si Trinah at humiga sa may lap ko.

Napatingin naman si Renren sakin na katabi ko. I mouthed the words 'I'm okay, no need to worry.' Dahil bakas sa mukha niya na nag-aalala siya sakin. Napatingin naman ako kay mommy na nakatingin na din pala sakin. Ngumiti lang si mommy at tumingin na ulit sa harapan.

Si Daddy naman ay busy sa pakikipagkwentuhan kay Trevor. Napangiti nalang ako ng mapait. What happened to us...hon?

--

"Daddy!!!!" Sigaw ni Trevor. Agad namang lumapit si Renren sakanya at pinatahan siya. Lumapit na din ako para malaman kung bakit umiiyak ang anak ko. "What happened baby?" I asked him. Nandito kami sa may pool area ng bahay. Gusto kasing magswimming ng mga bata.

"Mom, I don't know how to swim like kuya Travis. He's good and he's like a real swimmer." Malambing na sabi niya. "How about...daddy will teach you? How's that sound?" Tanong ni Renren. Napangiti ako sa sinabi niya. Tinuturing niya talagang totoong mga anak ang anak ko. "Okay daddy!" Sabay yakap niya kay Renren.

Napatingin naman ako kay Travis na sobrang galing ngang magswimming. He's just a 5 years old kid but he swim well. Hinanap ng mga mata ko si Trinah at nakita ko siyang hahawakan ang isang palaka. "Baby! Don't!" Sigaw ko pero huli na. Kinuha niya ang palaka at binato sa swimming pool.

"Look mom! Lumalangoy yung frog! Look oh!" Turo niya. Nakita naman ni Renren yung palaka at ni Trevor. Sumigaw naman si Trevor. "Mom!!!" Agad umahon si Renren kasama si Trevor at Travis.

"Mom! Look what Trinah did!" Inis na sumbong ni Travis. Lumapit si Trevor kay Trinah. "Why did you do that!? Are you out of your mind!?" Sigaw ni Trevor kay Trinah.

"TREVOR!" Sigaw ni Renren. "Don't shout at your sister! Talk to her in a good way!" Nakita ko naman si Trinah na iiyak na anytime kaya naman lumapit na ako sa kanila. "Trevor, that's bad. Hindi mo kailangan sigawan ang kapatid mo. She's your sister."

"I hate you! I hate you daddy and mommy!!" Sigaw niya sabay takbo papasok sa loob. "Baby, kain na kayo ni kuya Travis ha? Pupuntahan lang ni mommy si kuya Trevor. Okay?" Tumango naman si Trinah. "Pakibantayan na muna sila. Kakausapin ko lang si Trevor." Pakiusap ko kay Renren. "Okay. Uhm, I'm sorry about that Sofia."

"It's okay Rence. Alam ko namang pinagsasabihan mo lang si Trevor. I will talk to him." Ngumiti siya sakin at sinamahan sila Travis at Trinah na kumain.

"Trevor..." Tawag ko kay Trevor. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya na nakasubsob sa unan niya. I know he's crying. "Baby..." Tawag ko sa kanya pero hindi parin siya gumagalaw sa pwesto niya. "Baby, that's bad. Diba ang sabi ko bawal ang sinisigawan ang mga kapatid mo? The way you talked to Trinah a while ago. I don't like it."

"I hate you! Get out of my room! I hate you! I hate you! You and Daddy! I hate the both of you!"

"TREVOR!" Napagtaasan ko na siya ng boses dahil sa inaakto niya. "Don't you dare talked to us that way! Dito ka lang sa kwarto mo! You're grounded! Don't act like you're old enough!" Sigaw ko at lumabas ng kwarto niya.

Ayokong sinisigawan ang mga anak ko o ang saktan sila sa kahit na anong paraan pero ayoko rin namang kunsintihin sila sa mga gusto nila at sa mga bagay na alam kong mali at hindi maganda sa kanila.

Sa ngayon, papalamigin ko muna ang ulo ko at hihintayin ko na si Trevor mismo ang magsorry sa kapatid niya. Ayokong kinukunsinti siya o ang kahit sino man sa kanila.

Ayokong masira ang pamilya ko. Kung paano nasira ang buhay ko noon. My Family is my everything to me.

__________________________________________________________________________________

Hi! Readers! Sorry sa matagalang update.

Thank you dun sa tatlong Maria na nagcomment sa Chapter 20. Alam niyo na kung sino kayo. Na excite akong mag update dahil sa inyong tatlo. :*

Wait for my next update!

-Tine 🐰

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon