Sofia's POV
"Oh my! Ate!!! Namiss kita ng sobra!" Sigaw ni Ashley. "I miss you too sis!" sabay yakap ko sakanya.20 years old na si Ashley ngayon at sobrang ganda niya. "Kumusta kana?" Tanong ko sakanya. "I'm fine ate. How about you? Nasan na ang mga pamangkin ko?"
Nagkwentuhan pa kami ni Ashley. Sinabi niya sakin na 5 years na silang boyfriend niya at may plano na silang magpakasal. Masaya ako para sa kapatid ko kasi kitang kita ko sa mga mata niya na masayang masaya siya. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga anak ko. Anak namin ni Kaizer.
"Nagkita na sila ate!?" Tumango ako bilang sagot. "Paanong!?" Kinwento ko sakanya ang nangyari kay Trevor hanggang sa nagkita ang mag-aama. "Nung una, nagulat ang mga bata pero ipinaliwanag ko sakanila. Naintindihan naman nila at masaya sila dahil dalawa daw ang daddy nila. Si Trevor naman ay nasa kwarto na at nagpapahinga."
"Ate? Mahal mo pa ba si kuya Kaizer?" Tanong niya. Natahimik ako bigla dahil ako mismo ay hindi alam ang sagot. "I don't know." Sagot ko.
"Maiba ako ate. Nakita mo na ba si kuya Carl? Alam ko ngayon ang uwi niya dito eh." Nasa HongKong kasi si Carl for a business trip. Yes, businesa trip. Si Carl na ang CEO ng kumpanya namin. Si Dale kasi ay may sarili ng kumpanya. Akalain mo yun. Yung Dale na yon. Nakapagpatayo ng sariling kumpanya. "Nope, siguro mamayang gabi palang ang uwi non. Anyway, sino ba ang mapapangasawa ni Dale? Hindi pa kasi sinasabi ni Mommy sakin at hindi ko pa rin nakikita si Dale."
"Sino pa ba? Edi si Kylie! Umamin din ang loko at guess what!? Si kuya Dale pala ang tinutukoy ni Ate Kylie na mahal niya noon paman! Mahina kasi si Kuya Dale eh! Kung sanang matagal na siyang umamin edi maaga niyang nalaman na siya pala ang mahal ni ate Kylie."
"Mommy!!!" Napalingon naman kami ni Ashley at nakita namin ang tatlo na patakbong lumapit sakin. "Careful."
Nagulat ako dahil yumakap sakin si Trevor na umiiyak. "What happened baby? May umaway ba sayo!? Nasaktan kaba!? Tell me." Nag-aalalang tanong ko.
Umiling lang siya. "Why are you crying baby?" Tinignan niya ako at pinunasan ang luha niya pero tumutulo pa rin ito. "Mom-my, I'm s-sorry."
Kung ganon, kaya pala siya umiiyak ay dahil don. Dahil sa nangyari sakanya. "It's okay baby. Okay na ba ang sugat mo?" Tumango ito at ngumiti.
Yumakap naman ako sakanya at humalik sa ulo niya. Lumapit naman samin sila Travis at Trinah at niyakap ako.
"Aww, ang cute niyo naman panoorin."
Nakalimutan kong kasama pala namin si Ashley. "Oh, babies. Say Hi to Tita Ashley.""Ayoko ng hi. Gusto ko kiss." Sabi ni Ashley. Lumapit naman yung tatlo at hinalikan si Ashley. Napakamasunuring bata talaga ng mga anak ko.
"Anyway, gusto ko pa sana kayong makasama at ang mga bata pero may trabaho pa kasi ako. Bye kids!" Humalik si Ashley sakin at sa mga bata. Fashion Designer ang trabaho ni Ashley. Bata palang siya ay hilig na niya ang pagdedesenyo ng mga damit. Natutuwa ako para sa mga kapatid ko.
"Mommy? Can we see Daddy?" Trevor.
"Daddy? Nasa work si Daddy eh. Wait nalang natin siyang umuwi." Sagot ko.
Umiling silang tatlo. "No mommy, si Daddy. Si Daddy yung nagpunta sa hospital." Nagulat ako sa sinabi ng mga anak ko. Kung ganon, si Kaizer ang gusto nilang makita.
"But-"
"Please mommy? We want to see him." Pangungulit ni Trinah. "Okay, magbihis na kayo. Pupuntahan natin si Daddy." Labag man sa kalooban ko ay pumayag ako. Para sa mga anak ko. Gagawin ko ang lahat.
"Yehey!!!" Sabay takbo nila sa kwarto nila. Ang saya nilang tignan.
Pagkabihis ng mga bata ay tinawagan ko si Kaizer at sinabi kong magkita kami sa Mall dahil gusto siyang makita ng mga bata.
"Baka naman busy ka at nakakaistorbo kami."
"No, It's okay. Mas gusto ko kayong makasama ng mga anak natin. Miss na miss ko na din sila." Sagot niya sa kabilang linya.
"Okay, magkita nalang tayo sa mall."
"Okay." Sabay baba ko ng tawag. Itatanong ko din sana kung ayos lang kay Lexie na magkita kami. Baka kasi magalit si Lexie at mag-away silang mag-asawa.
"Mommy, we're done na po." Masayang sabi ni Trinah.
"Mom! Hurry up!" Sigaw ni Travis.
"Alright! Alright! Just be careful." Sumakay na sila sa kotse at ganun din ako. Nagdrive ako papuntang mall.
Pagkapasok palang namin sa mall ay nakita na namin si Kaizer na nakatayo sa may isang store.
"Daddy!!!" Sigaw ng tatlo. Sabay nagtatakbo palapit kay Kaizer. Sinalubong naman sila ni Kaizer ng isang yakap.
"Hi kids! Namiss kayo ni Papa." Sabi ni Kaizer sa mga bata.
"Papa?" Nalilitong tanong ni Travis.
"Papa kasi may Daddy na kayo eh." Kunwari ay nagtatampo siya. "Osige po! Papa po ang tawag namin sainyo." Masayang sabi ni Trinah.
"Papa? Si Mommy po ba di niyo yayakapin?"
"Ha!?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Trevor. "Syempre yayakap si Papa kay Mommy! Namiss kaya ni Papa si Mommy niyo." Ano bang pinagsasabi niya?
Bago pa yumakap sakin si Kaizer ay pinigilan ko siya. "Kaizer, may asawa kana. Pwede ba? Nandito lang ako para sa mga bata. Baka mag-away lang kayo ni Lexie."
"Lexie? Kami mag-aaway? at ako? May asawa? Are you kidding Sofie? Wala akong asawa, ay hindi! Meron pala. Asawa pa rin kita remember?" Sabay yakap niya sakin.
"Oh! Tara na kids! Kain muna tayo. San niyo gusto kumain?"
"Jollibee!!" Sabay sabay na sagot ng mga bata. "Tara na." Masayang sabi ni Kaizer. Wala na akong nagawa kaya naman sumunod nalang ako sa kanila.
"Ang cute nila oh."
"Ang gwapo din ng daddy nila."
"My! My! bagay na bagay sila. Perfect family."
Dinig kong bulungan ng mga taong nadadaanan namin. Perfect Family? Napangiti nalang ako.
Bigla naman pumasok sa isip ko yung sinabi ni Kaizer kanina. Tinanggi niya si Lexie at asawa pa rin niya ako. Oo alam kong mag-asawa pa rin kami pero yung kay Lexie ang hindi ko maintindihan.
Naguguluhan ako pero isasantabi ko muna 'yon. Sa ngayon, eenjoyin ko muna ang mga nangyayari ngayon.
__________________________________________________________________________________
Helloooooo! Wala akong masabi ngayon eh. Anyway, Thank you sa pagsuporta sa story ko. Hindi ako magsasawang mag thank you sainyo ng pa ulit-ulit!
Wait for my next update!
-Tine 🐰
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN