Sofia's POV
Ilang araw ng laging umuuwi ng gabi si Kaizer. Kapag naman tinatanong ko siya ay lagi niyang sinasabi na 'may ginagawa lang ako.' Hinahayaan ko nalang siya dahil may tiwala ako sa asawa ko.2 months nalang ay tapos na ang klase namin. Hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ko kaya hindi halata na buntis ako. Maingat din ako dahil baka anong mangyari sa anak namin.
"Grabe! Ilang araw lang akong nawala tas mababalitaan ko na buntis kana?"
"Shhh, wag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo." Nandito kami ngayon sa canteen ni Monic. Hindi ko nga alam kung san nagpunta ang babaeng 'to. Ilang weeks din siyang hindi pumapasok.
I don't want to ask her why she's always missing in class. Kung gusto naman niyang pag-usapan ay mag-oopen naman siya sakin kaya hinayaan ko nalang.
"Si Renren ba nakita mo?" Tanong ko kay Monic. Kanina kasi ay agad lumabas si Renren. Hahabulin ko sana siya ang kaso bawal naman akong tumakbo. Ang bilis pa naman maglakad nun.
"Si Rence? Aba malay ko. Nasa tabi-tabi lang yun." Sabay kagat niya ng fries. Ako naman ay pasta at veggies lang ang inorder ko.
Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ni Monic ang pagbubuntis ko. Kesyo daw kailangan wag daw akong mastress which is iniiwasan ko naman. Ano daw ba ang mga pagkain na hinahanap ng panlasa ko. Tsaka tinanong din niya kung anong feeling ng buntis. Grabe, ang dami niyang tanong.
"Gusto ko pa ng fries. Kaso ubos na. Kaasar."
"Gutom kapa? Grabe ka naman Monic, daig mo pa ako. Naka limang XL Fries kana kaya."
"E sa gusto ko pa eh." Napailing nalang ako sa kaibigan ko. Daig pa ak--
Hindi kaya... hindi, hindi pwede. Bat naman niya gagawin yun? Napaparanoid lang ata ako.
"Tara na nga, may klase pa tayo." Tumayo na siya at inalalayan akong tumayo. Ngayon, alam ko na kung bakit ko siya naging kaibigan.
--
"Manang? Si Kaizer po?" Tanong ko kay manang. Simula nung araw na nahimatay ako ay hindi na ako sinusundo ni Kaizer. Kumuha siya ng driver ko at pinababantay akong mabuti. Gusto niyang masiguro na nakauuwi ako ng maayos.
Pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi siya ang naghahatid sakin pauwi. Kapag papasok ng school ay sabay kami pero sa back gate niya ako dinadaan para walang makakita samin.
"Wala pa hija eh. Gutom kana ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong ni manang na abala sa pag-aayos ng mga plato.
"Hindi na po manang. Busog pa po ako. Hintayin ko nalang po si Kaizer."
"Sigurado kaba hija? Hindi ka talaga nagugutom?" Paninigurado ni manang.
"Opo, salamat nalang po." Umakyat ako ng kwarto at nagbihis. Pagkatapos 'kong magbihis ay humiga ako sa kama at nagbasa ng libro pero nabagot din ako sa binabasa ko.
"Alam mo baby, parang hindi na ako mahal ng daddy mo." Malungkot na sabi ko. "Hindi ko na nga siya halos nakakausap eh. Tapos lagi pa siyang pagod pag darating siya."
"Satingin mo hindi na ako mahal ng daddy mo?" Naiiyak ako. Ewan ko pero naiiyak ako. Siguro ganito talaga kapag buntis o baka naman natatakot lang ako na baka totoo ang sinabi ko na hindi na ako mahal ni Kaizer?
Bigla akong nakaramdam ng antok. Siguro dahil umiyak ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
--
"Hon... wake up." Hindi ko pa minumulat ang mata ko pero alam ko kung kaninong boses ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN