Sofia's POV
"How are you?" Umpisa ni Kaizer ng makarating kami dito sa restaurant. Ang sabi ko sa kanya ay sa bahay nalang kami pero nagpumilit pa rin siya na dito nalang kami.Bumuntong hininga ako. "What is it Kaizer?" Tanong ko. Bat pa patatagalin diba? Bat di pa niya sabihin yung gusto niyang sabihin. Time is gold.
"I want you back Sofie." Seryosong sabi niya. Hindi ako kumibo dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. I don't what to do and what to say. "Hindi na pwede." Maikling sabi ko at lumingon sa ibang direksyon. "Sofie look, we can start again. Please?"
Halata sa mukha niya na nagmamakaawa siya pero masyado na ata akong naging makasarili at hindi na ako tinatablan ng basta basta. Ako lang ang masasaktan sa huli.
"Kaizer? Are you out of your mind? Hindi na tayo pwede. Can't you see that or nagbubulag bulagan ka lang talaga!? Walang patutunguhan 'tong usapan natin. Uuwi na ako." Paalis na ako ng pigilan niya ako.
"I will give you time to think Sofie. Pero kukunin kita. Kukunin kita at ng mga anak ko sa kanya." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sumakay ng kotse ko. Kaninang pumunta kami dito ay hindi ako sumakay sa kotse niya kahit anong pilit niya.
Hindi muna ako umuwi ng bahay sa halip ay dumiretso ako sa Mall. Gusto ko munang maglibang. Para kahit papano mawala sa iniisip ko si Kaizer at ang problema namin.
Nasisiraan na nga talaga siya, gusto niya akong kunin at ang mga anak niya? Pa'no naman ang mag-ina niya. Tsaka hindi ako papayag na maging choices lang ang mga anak ko. Mahal ko sila at kahit ano gagawin ko para sa kanila. Kahit ano, kahit pa na masaktan ako.
"Sofia?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Lexie with her son.
"Lexie."
"Can we talk?" Tumango ako at naglakad kami papunta sa isang restaurant. "Mommy I want pasta po!" Napakacute na bata. "Wait lang baby ha?" Tumango yung bata at tumingin sa'kin si Lexie.
"How are you?" Panimula niya. "I'm fine with my ki-" hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Ayokong malaman niya na may mga anak kami ni Kaizer. "Kids right?" Pagtutuloy niya sa sasabihin ko. Tumango nalang ako. Bat ba nangyayari 'to ngayon sakin.
"Sofia, I'm sorry." Bat siya nagsosorry? Nagsosorry ba siya dahil nasira niya ang pamilya ko? Nagsosorry ba siya dahil siya ang dahilan kung bakit nawalan ng totoong ama ang mga anak ko? Nagsosorry ba siya dahil nagkaroon sila ng anak ni Kaizer? Anong dahilan ng pagsosorry niya?
"Ma'am nandito na po yung mga laruan ni Xander." Biglang dumating yung yaya ata ni Xander at bitbit yung mga laruan niya. "Yaya, ipasyal mo muna si Xander. May pag-uusapan lang kami." Tumango ang yaya niya at kinuha si Xander.
"For what?" I asked coldly. "For everything. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko 'nun sainyo. Nagmahal lang ako Sofia. Sorry, sana mapatawad mo ako. Naawa ako kay Kai nung mga panahong umalis ka. Araw-araw ka niyang hinahanap, hindi mo lang alam dahil iniwan mo siya." That's it!
"Iniwan? Bakit ko naman siya iiwan kung hindi ako nasaktan at naloko!? Anong gusto mong gawin ko Lexie!? Magbulagbulagan sa mga nakita ko!? Hindi ako tanga! Hindi ako tanga na magbubulagbulagan sa mga nakikita ko! Buntis ako ng mga panahong iniwan niya ako at mas pinili ka niya. Pero ano? Ikaw parin! Ikaw parin ang pinili niya! Kailangan namin siya ng mga anak ko 'nun! Pero ano!? Anong ginawa niya!? Iniwan niya kami! Iniwan niya kami! Hindi mo alam! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Hindi mo alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko!" Hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Napuno na rin siguro ako. Tama na, ayoko na.
"Kaya ba sinusukuan mo na siya ngayon!? Kung mahal mo siya ipaglalaban mo! Kasalanan mo din! Hindi ka nakinig muna sa ipapaliwanag niya! Agad kang nagdesisyon! Hindi mo siya hinayaang magpaliwanag muna bago ka umalis! Plano ko lahat yun, yung makita mo kami ni Kai sa hotel at ang pagpunta niya sa hospital para iwanan ka niya. Alam kong may halaga pa rin ako sa kanya at kumapit ako sa konting halaga na 'yon." Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sabunutan pero mali din ako eh. Agad akong umalis at iniwan si Kaizer, hindi ko muna siya hinintay. Hindi ko siya inintindi. Lagi nalang siya ang umiintindi sakin.
"Balikan mo siya Sofia. Give him another chance." Sabi ni Lexie at tumayo. "Pa'no ang anak niyo? Si Xander?" Naguguluhang sabi ko. May nangyari pa rin sa kanila! "Anak namin? Ikaw pa rin talaga ang Sofia noon. Hindi namin anak ni Kai si Xander. Hindi siya ang ama ng anak ko. Kaya please lang, gawin mo ang dapat mong gawin. Good luck." Umalis na siya at ako nakaupo pa rin. Ang tanga ko! Naiinis ako sa sarili ko! Pero pa'no si Rence? Ayoko siyang masaktan, sinayang niya ang limang taon niya kasama ako at ang mga anak ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam.
Paalis na ako ng mall ng may makita akong pamilya na masayang kumakain sa isang restaurant. Sinusubuan nung mga bata yung papa at mama nila. Tapos yung papa naman nila pinunasan yung labi nung asawa niya. Sana kami rin, ganyan din sana kami. Siguro nga kailangan ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Kung dati ay naging duwag ako. Ngayon, lalaban na din ako. Hindi ko na ipagkakait sa mga anak ko ang kompletong pamilya na gusto nila.
Pasakay na ako ng kotse ng bigla tumunog ang phone ko. "Hello" sagot ko kay Dale. "Pumunta ka ngayon sa hospital malapit sa mall!"
"Why!? Anong nangyari Dale!? Ang mga anak ko?" Nag-aalalang tanong ko. "Ayos lang sila, si Kaizer. Nasa hospital siya. Naaksidente." Binaba ko na ang tawag at nagmadaling pumasok sa kotse ko.
"Hon please. Wag naman ganito. Wag mo muna kaming iwan." Nanlalabo na ang mga mata ko nang dumating ako sa hospital.
"Nasan si Kaizer!?" Bungad ko kina Dale.
"I'm sorry ate." Sabi ni Carl at halos manlumo ako sa narinig ko.
__________________________________________________________________________________
Oh my! Buti nakapag-update pa ako. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko. Pagpasensyahan niyo na yung update ngayon. Medyo sabaw.
Wait for my next update!
-Tine 🐰
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN