Sofia's POV
"She's okay now. Don't worry Mr. Villafuerte." Rinig 'kong sabi ng doctor. "Congratulations." Pahabol pa ng doctor. Congratulations? Para saan? Ano yun? bat kinocongratulate ni doc si Kaizer?Teka? Si Kaizer? Ang alam ko si Renren ang kasama ko kanina bago ako mawalan ng malay. "Thank you doc." Masayang sabi ni Kaizer.
Dinilat ko na ang mga mata ko at umupo sa kama. Nakita naman ni Kaizer na nakaupo ako at dali dali siyang lumapit sakin. Nakaalis na pala yung doctor. "Are you okay?" He asked me. Nakikita ko sa mata niya na nag-aalala siya sakin. "I'm fine. What happened?" I asked him. Umupo siya sa upuan na nasa tabi lang ng kama ko.
"I don't know. Nakita nalang kita na buhat buhat ni Deogracia." Si Renren ang tinutukoy niya. "I want to tell you something." Ngingiti-ngiti pa siya. Nakakainis. Kahit na alam 'kong mahal niya si Lexie ay natutuwa pa rin ak tuwing nginingitian niya ako.
"What is it?" Tanong ko. Niyakap niya naman ako na ikinabigla ko. What's with him? "You're two weeks pregnant Sofie!"
Ahhhh, sus. Buntis lang pala ako e- "Pardon?""Buntis ka Princess Sofia Alarcon-Villafuerte. Magiging Daddy na ako!" Tuwang tuwang sabi niya. "Bakit ang saya mo?" Hindi naman sa ayaw ko na hindi siya matuwa na magkaka-baby nakami pero hindi ba siya aware na magkakaroon siya ng anak sa babaeng di naman niya mahal?
"At bakit naman ako hindi matutuwa? Dinadala mo ang magiging anak natin." Anak natin. Ang sarap pakinggan. "Pero paano kayo ni Lexie?" Tanong ko sakanya. Ang tanga ko din talaga eh. Alam ko naman na masasaktan ako sa sagot niya pero tinanong ko pa rin.
"Wala na kami."
"Are you kidding me? E diba makikipagbati ka palang sakanya dahil galit siya sayo?"
"How did you know that she's mad at me?" Bwiset na lalaking 'to. Nagmamang-maangan pa. "Nakalimutan mo na ba? Sinabi no kanina sa klase na makikipagbati ka sa taong mahal mo dahil galit siya sayo. Tinanong mo pa nga kung paano namin kayo mapapatawad na mga babae."
"Wait? So akala mo si Lexie ang tinutukoy ko?" Nalilitong sagot niya. Ako din nalilito na. "Bakit? Hindi ba siya?" Tanong ko.
"You got it wrong. Hindi si Lexie ang tinutukoy ko." Paliwanag niya. Kung hindi si Lexie sino?
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Naiirita na ako sakanya. "Ang asawa ko." Sagot niya.
"Ahhhh asaw-- ako!? Ako ang tinutukoy mo na babaeng mahal mo? Akala ko ba si Lex--"
"Oo ikaw. Ikaw Princess Sofia Alarcon-Villafuerte ang tinutukoy ko." Paano?
"Matagal na kitang gusto highschool palang. Nabaling lang talaga sa iba ang pagmamahal ko sayo." Pwedeng kiligin? Kahit ngayon lang."Thank you Kaizer. Thank you for making me the happiest girl alive." Ang saya ko. Mahal ako ng taong mahal ko. Magkakaron pa kami ng anak. "No Sofie. Ako dapat ang mag thank you. Thank you for loving me. Thank you for carrying our child." Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niyang mawala ako sakanya. "Magpahinga kana. Baka mapano pa kayo ni baby. Take a rest hon." Humiga na ako sa kama at natulog. Hawak hawak ni Kaizer ang kamay ko. Sana hindi na matapos to. Sana lagi nalang kaming masaya. Ibibigay ko sa magiging anak namin ang pagmamahal ng isang buong pamilya.
--
"What do you want?" Tanong sakin ni Kaizer. Kanina pa siya tanong ng tanong kung anong gusto kong kainin. Ang sabi ko naman sakanya ay busog ako pero kinukulit niya pa rin ako.
Humarap ako sakanya at inirapan siya. "Hon? What's wrong with you? Bakit lagi mo akong sinusungitan?" Nakakainis kasi siya. Lagi niya akong kinukulit.
Nagutom ako bigla kaya naman tumayo ako at niyakap si Kaizer. "Hon? I love you." Bulong ko sa tenga niya. "Alright, I love you too. What do you want this time?" Tanong niya sakin. Alam na alam na talaga niya kapag may gusto akong kainin. 3 weeks na akong buntis, hindi pa naman malaki ang tiyan ko pero ang sabi ni Kaizer ay wag muna akong pumasok. Pero next week papasok na ako dahil napilit ko narin naman si Kaizer na payagan na akong pumasok. Hindi rin naman pumapasok si Kaizer.
"I want banana's, milk and chocolate hon." Paglalambing ko. "Marami non sa ref hon. Sandali ikukuha kita." Akmang aalis na sana siya ng pigilan ko siya. "Gusto ko yung banana na kambal. Tapos yung gatas ng kalabaw tsaka chocolate na mapait."
"Saging na kambal? Gatas ng kalabaw? Tapos chocolate na mapait?" Takang tanong niya. Yun kasi ang hinahanap ng panlasa ko. Saging na kambal tsaka gatas ng kalabaw tas lalagyan ko ng chocolate na mapait. "Just wait here. Bibili ako. Grabe ka maglihi hon. Sobra."
Hindi ko nga alam kung bakit ganito ako maglihi.Siguro wala na akong mahihiling pa. Lahat ng gusto ko nasa akin na. Dati akala ko malabong magkatuluyan kami ni Kaizer dahil malabong mahalin niya ako pero mali ako. Nangyari ang lahat ng di ko inaasahan. Masayang masaya ako sa buhay ko ngayon. Wala na akong hihingin pa. At mas lalong sasaya ang buhay ko kapag lumabas na ang anak namin ni Kaizer.
--
Mag dadalawang oras ng wala si Kaizer. Nag-aalala na ako. Baka ano ng nangyari sakanya. Nasan na kaya siya? Yung pinapabili ko kaya? Nabili kaya niya?"Ano ba naman yan Sofia. Nag-aalala kaba sa asawa mo o sa mga pinabili mo?" Para akong ewan dito na kinakausap ang sarili ko. Pero sa totoo niyan, nag-aalala na talaga ako kay Kaizer. Kanina pa siya wala. Baka napano na siya.
Tinawag ko si manang na abala sa pag-aayos ng gamit niya. Pinagbabakasyon muna kasi namin siya ni Kaizer. "Manang? Pakitawagan nga po si Kaizer. Pakitanong kung pauwi na po ba siya. Kanina pa po kasi siya wala."
"Sige hija."
"Salamat po." Pinatawag ko nalang kay manang si Kaizer. Gusto ko na kasing maligo dahil feeling ko ang lagkit lagkit ko. Tsaka gusto kong malamigan ang katawan ko ngayon.
--
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Kaizer na may kausap sa Phone niya. Nakangiti pa ang loko. Kanina pa ako nag-aalala sakanya tapos ni di man makuhang tumawag ng kusa tapos ngayon pagdating sa bahay may kausap sa cellphone niya. Bwiset na lalaking to.
Kinuha ko yung tsinelas ko at binato sakanya. "Woah! Bakit may lumilipad na tsinelas ditoooooooo!!!" Pinagbabato ko kasi siya ng unan. Nakakainis siya.
"Hon! Aray! Ba-aray! Tama-Aray ko! ANO BANG PROBLEMA MO!?" sigaw niya sakin. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Siguro ganito talaga pag buntis. Masyadong sensitive.
"Sor-sorry..." sabay labas ko ng kwarto. Wala akong pakialam kung naka-towel lang ako. Ayokong makita si Kaizer. Galit siya sakin eh. "Hija? Bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ni manang.
"Si Kaizer po kasi. Sinigawan ako. Manang, ayaw niya na po ba sakin? Nag-aalala lang naman po ako sakanya tapos..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa kakaiyak. "Shhhh... tama na hija. Baka naman may nangyari lang kaya ka nasigawan ni Kaizer. Siguro pagod lang yon. Tsaka di naman siguro sinasadya 'yon ni Kaizer. Tahan na..." tumigil na ako sa pag-iyak.
"Thank you po manang." Niyakap uli ako ni manang at nag-paalam na kakausapin muna niya si Kaizer. Hmp! Nakakatampo parin siya. Sinigawan niya ako. Siguro di na niya ako mahal. O kaya naman may nahanap na siyang mas maganda o mas sexy kesa sakin kasi tataba na niyan ako.
Pero kaasar lang, ang tanga ko....
"Bat di ko muna kaya kinuha yung supot na dala niya bago ako mag-walk out kanina. Nagugutom na ako." -3-
__________________________________________________________________________________
Alright! Merry Christmas sainyong lahat! Thank you sa pagsuporta sa story ko. Kahit na di masyadong maganda dahil first time ko.
Do vote and comment!
Wait for my next update!
-Tine ❤
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN