Chapter 12: I Love Him, He Love Her

23.3K 598 8
                                    

Sofia's POV
  "Wife.."

Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ko ding nabawi ang sarili ko sa pagkakagulat. "What do you want?" I asked him.

"N-nothing, I'm sorry. I will go to my room. Sorry for disturbing you." He said and went to his room. Hindi na rin ako bumaba at pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko. What's with him? I asked myself.

Humiga na ako sa kama ko. Pagod na pagod ako ngayong araw. Hindi ko alam pero madalas akong mapagod ngayon kahit na wala naman akong masyadong ginagawa. Bukas papasok na ulit ako. Stress nanaman bukas.

--

Kinabukasan maaga akong nagising. Naligo na ako at nag-ayos. Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si Manang na nagluluto na ng almusal. Hula ko tulog pa si Kaizer. Ewan ko ba at bakit ang aga kong nagising ngayon. "Ang aga mo ata ngayon hija? May pupuntahan ka ba?" Tanong ni manang habang inaayos ang mga plato sa mesa.

Umupo ako at nag umpisa ng kumain. "Wala naman po. Maaga lang po talaga akong nagising ngayon." Sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Maaga ka din bang aalis?" Tanong ni Manang. Tumango naman ako bilang sagot. Mangongopya pa kasi ako ng notes kay Monic.

"Manang, alis na po ako. Salamat po." Yung kotse ko nalang yung gagamitin ko. Pinadala ko kasi kay Dad yung mga kotse ko. Oo, MGA dahil may anim akong kotse.

    Nagtataka siguro kayo kung bakit pinadala ko lahat ng kotse ko no?

   Simply, because walang kotse ngayon si Dale. Yung kambal ko na asungot. Ano namang connect kung walang kotse si Dale? Madali lang yan, di ko din alam eh. De joke lang. Eto kasing kambal ko kapag kinukuha ni Dad ang kotse niya ay kotse ko ang ginagamit niya. At pagbalik, parang 10 taong ginamit ang kotse ko. Ang dumi at ang daming marka kaya never kong itatambay sa mansion ang mga kotse ko, lalo na kapag walang kotse yung kambal ko.

Pasakay na ako sa kotse ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito.

Carl is calling....

"Hello."

"What is it?" Nagmamadali kasi ako eh.

"Count your cars." Nagtaka naman ako kung bakit pinapabilang ni Carl ang mga kotse ko. Pumunta ako sa garahe at binilang ang kotse ko.

"1..2..3..4..5.. Oh, ayun, lima ang kotse ko. Baki-- lima!? Argh!"

"He's fast." Nakakainis, walangya ka talaga Dale. Yung kotse ko! Argh!

"Where is he?" Tanong ko habang papasok ng kotse ko. Humanda ka sakin Dale.

Inistart ko na ang kotse ko at pinaharurot. Sinabi ni Carl sakin kung nasan ang magaling 'kong kakambal. Pero nagtataka lang ako, bakit dun siya pumunta? Anong gagawin niya don?

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa seaside. Oo, nasa MOA ako ngayon.

"Seaside.Yun lang ang sinabi ni Carl at binabaan na ako ng telepono.

Nandito na ako sa seaside at nakita ko si Dale na nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko siya at..

"Aray! Sino ka bang -- Sofia? Why are you here?" Tanong niya sakin. Mukhang nagulat nga siya. Binatukan ko kasi siya kaya napa-aray siya.

Umupo ako sa tabi niya. "Tell me." Maikling sabi ko. Kahit naman na bully itong kakambal ko ay alam ko kung kailan siya may problema.

Hindi showy na tao si Dale pero gaya nga ng sinabi ni Carl, mahal kami niyan, di lang halata. "I'm in love. Twin." Twin. Lagi niya akong tinatawag na twin kapag seryoso siya. Or minsan naman buong pangalan ko ang sinasabi niya kapag galit na siya sakin.

"Congrats!" Sigaw ko.

"Congrats? Look, I'm serious. Princess Sofia Alarcon-Villafuerte." See? I told you. He's serious. "I'm sorry. Masaya lang ako at nalaman kong tao ka pala. Dahil ang isang Dale Tristan Alarcon ay marunong palang mainlove." Pang-aasar ko sakanya.

"I love her Princess. More than anything." Seryosong sabi niya. Ang panget pala ni Dale kapag seryoso siya. "More than me? More than us?" I'm just kidding. "Ofcourse not! It's not like that."

"Then, what's the problem? Ano naman kung inlove ka? Problema ba yun?"

"I love her and she's my bestfriend." Wait? Bestfriend?

"Si Kylie!?"

"Low down your voice." Si Kylie ay kababata namin. At hindi na ako magtataka kung mainlove man si Dale sakanya. Mabait si Kylie at malambing. Lahat na ata ng magandang katangian ng isang babae ay nasa kanya. "Ano bang problema kung si Kylie ang mahal mo? Teka? Natotorpe ka no?" Tanong ko sakanya.

"May mahal siyang iba Princess."

"Ano naman? Kung mahal mo talaga si Kylie, ipaglaban mo! Hindi mo pa nga sinusubukan tapos susuko kana?" Tama naman ako diba? Hindi pa man niya sinusubukan, sumusuko na siya. "Your right. Thank you Princess! I love you so much!" Sabay yakap niya sakin. Nagulat ako pero niyakap ko rin siya pabalik.

"I love you too.. kuya." Bulong ko sakanya. "Ulitin mo nga yung sinabi mo Princess." Pang-aasar niya sakin.

"Walang ulitan sa taong bingi." Hasik ko.

"Sus, osige na. Pumasok kana. Malelate kana niyan eh."

"Okay, bye kuya." Umalis na ako at sumakay sa kotse ko pero bago ko paandarin ang sasakyan ko ay nakita kong ngumiti si Dale sakin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ko ng may maalala ako. "Nakalimutan ko yung tungkol sa kotse ko." Hahayaan ko na muna siya ngayon.

--

"Your late, Ms. Alarcon." Yan agad ang bungad sakin ng prof ko, which is Kaizer. "I'm sorry sir." Sabi ko habang nakatayo parin sa pinto. "Can you tell me the reason why you're late? Ms. Alarcon." He asked.

"Just a family matter sir." Bwiset, hindi niya pa ba ako papaupuin? So, anong gusto niya? Hanggang mamaya nakatayo ako dito?

Tumango naman si Kaizer at pina-upo na ako. "Before I start. Can I ask all of you a one question?" Ano nanaman bang gagawin netong si Kaizer?

"Pwedeng pwede sir!" Sagot ng mga babae kong kaklase. Ang lalandi nila.

"Then, Girls? Paano niyo ba kami mapapatawad na mga boys? In what way?" Tanong niya, bigla naman akong nakaramdam ng sakit? Yeah, pain. Siguro kaya niya naitanong yan dahil nag-away sila ni Lexie.

"Lambing lang kailangan sir. Bigyan niyo po ng Flowers. Peace offering po." Sagot ni Yna. Isa sa mga classmate ko. "Thank you, Yna." Nginitian pa niya si Yna. At eto namang si Yna parang nag twinkle-twinkle ang mata.

"Bat niyo pala natanong sir?" Tanong nung chismoso kong kaklase. Oo, chismoso, kalalaking tao ang chismoso. "Makikipagbati lang ako sa taong mahal ko. Galit kasi siya sakin ngayon." Kailangan ba talaga niyang ipangalandakan sakin na mahal niya si Lexi at hindi ako?

"Yung--" Hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ng kaklase ko dahil sobrang sakit na. Oo, alam kong hindi ako ang mahal niya. Pero grabe! Kailangan sa harap harap ko pa talaga? Oo na! Si Lexie na ang mahal niya at hindi ako! Alam ko naman yun eh. Di na niya kailangan ipamukha.

Nakayuko akong naglalakad at dahil nakayuko ako ay may nabunggo ako. "Why are you crying?" Tanong niya. Crying? Hinawakan ko ang pisngi ko at tama nga siya. Umiiyak ako. Bigla ko nalang siyang niyakap.

"Thanks, Renren.." Yun nalang ang nasabi ko before everything went black.

__________________________________________________________________________________

Hello Readers! Tagal kong di nag-update. Haha! Dami kasing problema sa buhay. Bat ganyan yung buhay? Parang life. Haha, okay. Anyway, siguro matatagalan ang mga updates ko. Pero don't worry. Sa christmas break, bibilisan ko ang update!

Wait for my next update!

-Tine ❤

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon