Sofia's POV
"Miss Sofia, kanina pa po nila kayo hinihintay sa sala." Bungad ng isa sa mga kasambahay namin. Ngumiti lang ako at pumunta sa sala.Nakita ko sila na ang mga mukha ay napaka seryoso. Oo! Ang seryoso nila.
"Ehem." Tumingin sila sakin at umupo naman ako sa tabi ni Dale."Yes dad? Hinihintay niyo daw po ako?" Tanong ko. Hindi pa naman dinner, so hindi pa ako late na umuwi. "I'm sorry princess." Panimula ni mom. "Why? What happened? Bakit kayo humihingi ng tawad sakin?" Tinignan ko sila isa-isa pero lahat sila di makatingin ng maayos sakin.
"Ano ba!? Wala bang magsasalita sainyo!?" Tanong ko. "Princess calm down."
"How can I mom!?" Maya-maya pa ay nagsalita na si dad. Na pinagsisihan ko na sana hindi ko nalang pinakinggan. "Magpapakasal kana."
Natahimik ako sa narinig ko. Ako? Magpapakasal!? "It's not funny dad." Hindi talaga ako naniniwala. Tinignan ko si dad pero halatang hindi siya nagbibiro. "Why? Why me?" Tanong ko sakanila. "Matagal na namin napag-usapan 'to. Ang totoo, plano pa 'to ng lolo mo na ipakasal ka sa isa sa mga Villafuerte. Pero sa kasamaang palad ay namatay ng maaga si papa. Akala namin ay hindi na tuloy ang napag-usapan na kasalan ngunit kahapon lang ay nabalitaan namin pumanaw na ang kaibigan ng lolo mo pero bago siya mamatay ay nakalagay sa kanyang huling kahilingan na kailangan makasal ka sa kanyang apo." Mahabang paliwanag ni dad.
"At kung hindi ako pumayag?" Tanong ko. Malay niyo makalusot diba? "Hindi makukuha ng mapapangasawa mo ang kanyang mana at mapipilitan kaming itakwil ka bilang anak." This is too much! Ako? Itatakwil nila!?
"That's insanity dad!" Napatayo na 'ko sa sobrang sama ng loob. "I'm sorry princess pero yun ang nakasulat sa huling kahilingan ng lolo at lolo niya wala tayong magagawa. Please, pumayag kana. Para sa lolo mo." Pagmamakaawa ni mom. I hate them! All this time? Magpapakasal lang ako sa taong hindi ko naman kilala!?
"Pumapayag ako..." bigla namang natuwa ang mga itsura nila mom and dad. "....in one condition." Aba! dapat lang. "Spill it." Dad said. "In 1 year kapag hindi nag work ang relationship namin ng mapapangasawa ko, maghihiwalay kami." Paliwanag ko. Siguro naman makukuha na niya ang mana niya sa loob ng isang taon diba?
"Deal." Dad said with a smile, nagtataka siguro kayo kung bakit hindi na kumontra si dad noh? Simply, beacuse alam niya na kapag sinabi ko ay masusunod. Kapag tumanggi siya well, hindi ako papayag sa kasalan na yan. "Are we clear Princess Sofia Alarcon?"
"Clear as crystal dad." Then tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Sana hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko bandang huli.
--
Nandito ako ngayon sa school. I'm a college student, and I am a HRM student. "Girl! What happened!" Bungad sakin ni Monic. Ang ingay talaga ng babaeng 'to kahit kailan. "Manahimik ka nga. Umagang-umaga ang ingay mo." Nakwento ko na sakanya yung tungkol sa kasalan na yan.
"Kilala mo na ba yung mapapangasawa mo!? Gwapo ba? Mayaman? Mabait? Matalino?" Sunod na tanong ni Monic. Natanong ko na ba sainyo kung pa'no ko naging kaibigan 'to?
"Hindi ko nga kilala tas itatanong mo sakin yan. Basta ang alam ko lang mayaman. Yun na yun." Tila, nadissapoint ang itsura ni Monic dahil sa sinabi ko. Pero agad din siyang nakabawi. "Ay! Nabalitaan mo na ba yung bagong prof natin ha? Balita ko gwapo daw. Shocks! Can't wait to see him. Omg! Gaganahan akong pumasok sa subject niya." Paki ko ba sa bagong prof na yan. Papasa ba ako kapag naging crush ko siya? Hindi diba.
"Omg! Tara na girl! Baka nandyan na yung bagong prof natin." Bago pa ako magsalita ay hinatak na ako ni Monic sa room namain. Seriously, dahil lang sa gwapong prof kaya lang siya nagkakaganyan?
"Guys, hindi daw makakapasok yung bagong prof. Pinatawag kasi ng principal." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.
"Sayang naman."
"Sayang effort, ang aga ko pa naman nagising kanina."
"Kaasar naman si ma'am principal, epal naman."
"Sayang make-up."
Iilan lang yan sa mga narinig kong bulong ng mga classmate ko. Yung totoo? Bakit pa sila nag-aaral dito? "Ay, sayang." Isa pa 'tong Monic na 'to. Ano ba talaga ang meron sa bago naming prof? Diba dapat masaya pa sila kasi Free time namin? Hay nako.
"Tara, libot nalang tayo." Pagyaya ko kay Monic, tumango naman siya at tumayo na. Palabas na sana kami ng room ng biglang magtitili yung mga classmate ko.
"Omg! Ayan na si Dale!"
"Kyahhh!!! Ang gwapo niya talaga!"
"Buti nalang maaga akong nagising!"
"Worth it naman pala pagpapaganda ko."
"Dale! Notice me please!!"
Nakakabingi! Yung totoo? Kanina yung bagong prof, ngayon naman yung kapatid ko.
Lumapit sakin si Dale. "Hey! Princess." Pag tinawag niya akong princess, ibig sabihin may masama siyang balita sakin. "Spill it Dale." Nagmamadali kasi ako. Kasi naman nakakabingi yung mga tili ng mga estudyante dito. "Congratulations soon to be Mrs. Villafuerte, anyway I'm here because dad want to talk to you later. WestREST 5:00pm sharp." Okay lang naman, 4:30 ang uwian ko. So, makakarating ako sa tamang oras.
"Got it." Umalis na si Dale at ang mga babae naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil hindi man sila pinansin ng kapatid ko. Tss. Wala naman type sakanila si Dale noh.
"Anong sabi ni Dale?" Tsismosa talaga 'tong babaeng 'to. "Ewan ko sayo, tara na nga." Hinila ko na siya at pumunta kami sa Canteen.
"Ikaw na umorder, tas punta ka nalang sa tambayan natin." Tumango nalang si Monic sabay alis na. Ako naman papunta na sa tambayan.
*BOOGSH!
"What the! Argh! Are you blind!?" Nakakaasar naman kasi! Natapunan tuloy ng Coffee yung damit ko. "It's your fault." Tinignan ko naman kung sino yung bumunggo sakin. "IKAW NANAMAN!?" Pag sinuswerte ka nga naman oh. "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko. "Why would I?" Tanong niya. Nakakapikon 'tong lalaking 'to. Nakakakulo ng dugo.
"Excuse me, I'm in a hurry." Sabay alis niya. Pangalawa na 'to ha! Ni di man nagsorry? Kaasar. Makaalis na nga.
________________________________________________________________________________________
Hi! Do you like my story? If yes, do vote and comment but if no, It's okay :)
And about dun sa principal thingy, diba wala ng principal sa college? Yung principal na tinutukoy ko ay yung parang head sa mga teachers. So ayun! Basta yun na yun.Wait for my next update!
-Tine
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN