Chapter 7: You're cute

22.4K 677 33
                                    

Sofia's POV
Nagising ako na mahapdi ang mata ko. Dahil sa kakaiyak. That jerk! I hate him!
"Hija? Gising ka na ba? Handa na ang breakfast." Wala akong ganang kumain pero kailangan dahil aalis kami ngayon. Baka mahilo pa ako sa byahe. "Sunod nalang po ako." Tumayo na ako at ginawa ang mga dapat kong gawin. Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Kaizer pero wala akong pakialam.

Dirediretso lang ako sa hagdan ng magsalita siya. "Uhm, Sofie about last ni--" bago pa man siya matapos magsalita ay nagsalita na ako. "No need. You don't have to explain or what. I don't care. If gusto mong makipag kita sa ex mo. Then go! I don't care kahit na mag halikan pa kayo ulit sa harap ko. I don't care. Isipin mo nalang na wala kang ASAWA para naman hindi ka makonsensya kung may konsensya kapa." Pagkatapos nung sinabi ko sakanya ay pumunta na ako sa kusina para mag-almusal. I don't care kung sumusobra na ako. Kasalanan niya yan. Serve him right.

Sumunod si Kaizer sakin at umupo sa harap ko. "Sofie, please. Don't make it hard for me." Paki ko sakanya. "Hard for you? Nahihirapan ka pa ba? O sige, dahil mabait naman ako. Mag divorce na tayo para naman di na kayo mahirapan ng ex mo. Wala pang issue diba? Ayun ba gusto mo? Then okay, wait for the divorce paper." Sabay tayo ko sa upuan ko. "Manang, paligpit nalang po. Nawalan ako ng gana." Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Bat ko ba iniiyakan yung lalaking yun? Asawa lang naman niya ako sa papel. Tsaka, kaya lang naman niya ako pinakasalan kasi di niya makukuha mana niya. He's just using me. Magsama silang babae niya!

--

Kaizer's POV
"Hijo, nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?" Tanong sakin ni manang. Tumango nalang ako bilang sagot. "Alam mo ba kagabi pa umiiyak si Sofia?" Si Sofia? Umiyak "It's all my fault. I made her cry. Manang, what should I do? She want us to divorce and I don't want that to happen." Hanggat hindi ko pa nakukuha ang mana ko. Gusto ko sanang idagdag sa sasabihin ko kaso baka masapok ako ni manang ng di oras.

"Bakit hindi mo suyuin yung asawa mo?" Si Sofia? Susuyuin ko? Baka sakalin pa ako nun. "Manang naman." Pagmamaktol ko. "Abat ikaw bata ka. Dapat lang na suyuin mo yung asawa mo. Pinaiyak mo pa kagabi tapos ni di ka pa nga nakakahingi ng tawad sa ginawa mo nung araw ng kasal niyo." Tama naman si manang. Hanggang ngayon di pa ako nakakahingi ng tawad kay Sofie dahil sa ginawa kong pagsigaw sakanya. Tapos nasigawan ko pa siya kahapon at....

"She's way better than you!" Biglang pumasok sa isip ko yung nasabi ko kagabi kay Sofie. Ang gago ko! Ang gago mo Kaizer! Bat ko ba kasi sinabi 'yon! Natural masasaktan siya. Dahil ayaw ng babae na kinocompare sila sa iba. Ang tanga mo Kaizer.

--

Sofia's POV
Ang tanga ko, ngayon ko lang napansin na di pala ganon kadaling magdivorce dahil sa pilipinas kami nagpakasal. Tae, ngayon ko lang naisip yun. I'm sure, pagtatawanan ako nung Kaizer na yun.

"Sofie, buksan mo yung pinto." Nahiya naman ako sakanya no. Siya na nga 'tong may kasalanan siya pa 'tong kung maka-utos ay walang nangyari. He's full of himself. "Get out! Leave me alone!" No, please. Lambingin mo ako... ay! Erase! Erase! Ano ba 'tong iniisip ko.

"Stop acting like a child!" Aba't! Can I stab this man in front of the door? Jerk! "I'm not, just get the hell out! Leave me alone! I don't want to see you! Dun ka sa ex mo! Hayop!" Humiga ako sa kama at hinayaan siya na magkakatok at magsalita sa harap ng kwarto ko. Mamuti mata niya sa kakahintay na bubuksan ko yun. Ano ako? Tanga. Hindi ka pa ba tanga niyan? Tse! Manahimik ka nga!

Nakarinig ako ng mga yapak sa hagdan. Bumaba na siguro. Tss, di man ako sinuyo. Makatulog na nga.

--
"Gaga! Ilang days palang kayong mag-asawa ang dami ng nangyari sainyo. And about his ex? Duh! Wag kang pa apekto dun no! Tsaka I know naman that Kaizer boy is your first LOVE!"

"SHHH! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo." Oo! First love ko si Kaizer.

Highschool ako nung aksidente ko siyang makita. 1st year to be exact. Bago pa lang ako nun sa school ko at naliligaw ako that time. Hindi ko pa kilala si Monic that time then napunta ako sa may bandang gym.

Akala ko walang tao, pero nakita ko si Kaizer na nagpapractice ng basketball. Ang cool lang niya tapos laging shoot yung bola. Tapos ayun! Bigla nalang bumilis tibok ng puso ko. Then nabalitaan ko na siya pala yung Captain ng basketball. Kaya kapag may laban sila lagi akong nanonood. Nagchicheer ako pero mahina lang. Kahit naman kasi magsisi-sigaw ako eh hindi naman ako mapapansin ng isang Kaizer Villafuerte diba?

"Sorry naman, by the way pano na niyan yung honeymoon niyo? Ihhh! Aminin mo, excited ka." Namula naman ako sa sinabi ni Monic. Lokaret talaga 'tong babaeng 'to.

Pero excited nga ba ako? Uhm, bukas na nga pala yung alis namin. "Medyo lang." Tinulak naman ako ng bahagya ni Monic. "Yieee! Ang landeeee!" Siraulo talaga 'to. Pakidala nga sa mental.

"Tara na nga! Baka ma-late pa tayo!" Pumunta na kami sa room at umupo sa mga pwesto namin. Hays, Ilang months palang kaming pumapasok ay tinatamad na ako. "Miss? Can I sit here?" Napalingon naman kung san nanggaling yung boses. There, I saw a guy wearing a white shiry inside his polo shirt that is unbutton. "A-a-ah, ye-yes."

"Thanks." Umupo naman siya sa tabi ko at nagbasa ng libro. Grabe! Ang HOT niya! Pero mas HOT parin yung mokong na Kaizer kaysa sakanya. Sa sobrang pag-iisip ko ay di ko napansin na nakatingin na pala siya sakin. Ang epic! "Y-yes?" Nakuha ko pang magtanong kahit na nahuli na akong nakatingin sakanya. "You're cute." Pagkatapos noyang sabihin 'yon ay feeling ko namula ako ng sobra. Jusko, ano ba 'tong ginagawa ko. Kahit na di kami in good term ni Kaizer eh loyal pa rin ako no. Pero ang gwapo niya talaga!

________________________________________________________________________________________

Helloooooo! Nagustuhan niyo ba? Anyway kung may mga mali-maling info jan paki pm nalang ako ha? Para naman maiba ko. Sinabi ko naman na bago palang ako sa pagsusulat ng story.

Anyway, highway! Hep hep! Hooray! De joke lang. Eto na talaga, please do VOTE AND COMMENT for fast update. Kasi nakakaganang mag update kapag may nagvote or comment right. So, kindly vote and comment :* thank you! :)

Wait for my next update! :)

-Tine

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon