Sofia's POV
"Nandun lang sa kabilang side yung kwarto namin ng mommy niyo." Paliwanag ng papa ni Kaizer."Magpahinga na kayo. Mamayang dinner baba nalang kayo." Tumango nalang ako sa mama ni Kaizer. Pagkapasok namin sa kwarto halos manlumo ako.
"What happened to your face? You look awful." Napatingin naman ako kay Kaizer na dala-dala yung iba naming gamit. "Hey, there's only one bed here." I said.
Tumingin naman siya sakin at ngumisi. O....kay. "What?" Tanong ko. "Do you see this?" Turo niya dun sa couch. "Ofcourse, I'm not blind."
"Good." Sabay ayos ng mga damit niya sa cabinet. Teka, bat niya tinuro yung couch? Ahhhhh... gets ko na. Ang slow ko talaga. "Hey Kaizer!" Lumingon siya sakin. "Thank you. Kahit pala ganyan ka gentleman ka parin."
"Malamang, gentleman naman talaga ako." Bumalik na siya sa pag-aayos ng mga damit niya. Pagkatapos niyang mag-ayos ay pumasok siya sa C.R. Maliligo na ata.
Ako naman, kinuha ko yung mga damit ko at inayos na sa cabinet. Habang hinihintay ko si Kaizer sa banyo ay humiga ako sa kama at nagfacebook. Matagal na rin kasi simula nung nagbukas ako.
99+ Notifications
17 Messages
58 Friend RequestClinick ko lang yung notif tapos tinignan ko na yung mga messages. Puro sa mga classmate ko dati. Tapos yung iba kay Dale at Carl.
Binuksan ko muna yung kay Dale.
DALE: Hoy panget! Mag ingat sila sayo! Ge! Yun lang!
Buset. Akala ko nag-aalala na sakin. =_=
Sunod naman yung kay Carl.
CARL: Take care, and behave. Don't do something stupid. Always take a rest and eat properly. One more thing, call me every night. UNDERSTAND? PRINCESS SOFIA ALARCON?
Yung totoo? Sino mas matanda samin? Bakit parang baliktad ata? Tsaka kailangan tumawag talaga every night?
ME: HEY! Bat kailangan tatawag ako every night? Duh! Carl, mas matanda ako sayo. Tsaka 2 weeks lang kami dito no. Ano akala mo sakin? Bata?
CARL: STUPID.
Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kaizer na naka tuwalya lang. (/•\)
"Ba-bakit ka naka- tuwalya lang!?" Sabay talikod ko. Yung abs niya. Ang-ang... argh! Basta!
"Why?"
"Anong why!? Bat ka lumabas ng naka tuwalya lang!? Are you aware that I'm here!?" Shit! Bigla akong pinagpapawisan ng malamig. Nakatalikod na niyan ako sakanya ha. "It's not a big deal and beside you're my wife remember? Unless... you're thinking about --"
"Bastos!" Sabay bato ko sakanyan ng unan na nailagan naman niya.
"Woah! Chill! Wala pa nga akong sinasabi nakapag-react kana."
"Bakit!? Ano bang sasabihin mo ha!?" Feeling ko di maganda magiging bakasyon namin dito. "Kung ano yang iniisip mo, yun yung sasabihin ko."
"Kita muna! Ang bastos mo! Bastos! Bastos!"
"So, talagang kabastusan nga yang iniisip mo?" Sabay ngisi niya. Teka-- oo nga noh? Pano ko nasabing bastos siya. Eh sinabi lang naman niya kung ano yung iniisip ko. Eh iniisip ko nga yung tungkol sa... sa ano.. sa basta alam niyo na yun. Takte, napahiya ako. "Hahahahaha! Ang dumi ng isip mo Sofie." Dahil dun sa sinabi niya ay namula ako at dali daling pumasok ng banyo.
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN