Chapter 8: Jealous (Part 1)

23.2K 698 18
                                    

Sofia's POV
"Grabe! Nakakatawa ka!" Baliw pala 'tong si Rence. Kanina pa ako tawa ng tawa dahil sakanya. By the way si Rence pala yung lalaki kanina na tumabi sakin.

"Kailan pa ako naging clown ha Princess?"

"Pag sinabing nakakatawa clown agad? Di pwedeng joker lang? Haha!" Nandito kami ngayon sa cafeteria at kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Si Monic naman hindi sumabay kasi may date DAW sila nung BF niya DAW. Bakit may DAW? simple lang kasi hindi naman talaga BF ni Monic si Andrew. Eto lang talagang si Monic ang naghahabol kay Andrew. Ewan ko ba at anong pumasok sa ulo ni Monic at nagkagusto siya sa mayabang na Andrew na yon. "Ang ingay mo naman Princess. Tignan mo pinagtitinginan na tayo."

"Kasalanan mo! Tsaka diba sabi ko Sofia ang itawag mo sakin? E bakit Princess nanaman?" Kanina pa kasi ako tinatawag na Princess netong lalaking 'to.

"Ang dami na kasing tumatawag sayo ng Sofia. Princess naman para maiba." Sus, daming alam netong lalaking 'to. "O edi, Renren nalang din tawag ko sayo." Kumunot naman ang noo niya. "Bakit Renren? Ang pangit naman. Rence nalang." Kita mo 'tong lalaking 'to. Siya pwede niya akong tawaging Princess tapos siya bawal kong tawaging Renren. Aba! Di naman fair yun.

"Para maiba din! Hindi pwede! Renren na tawag ko sayo. Kung ayaw mo ng Renren edi Sofia itawag mo sakin." Sabi ko, medyo napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya napalingon lahat samin yung mga nasa canteen. "Okay fine. Renren na, grabe ka. Ilang beses naba tayong pinagtinginan ng dahil sayo ha Princess?" Oo nga no? Ang ingay ko kasi. "Sorry naman. Tara na nga baka malate pa tayo sa next subject natin." Si Kaizer pa naman next subject namin. Teka, si Kaizer!? Sh*t! I don't want to see him! Pero di naman ako pwedeng mag-absent. Ayoko pa naman yung may absent kahit isang subject.

"Princess? Are you okay?" Nahalata ata ni Renren na napahinto ako. "Yeah, I'm fine." Sabay ngiti ko. Kaya naman hindi na nagtanong pa si Renren. Pagpasok namin sa room ay wala pa naman si Kaizer kaya naman naglaro muna kami ni Renren ng Virus vs. Virus sa tablet ko. "Ang weak mo pala Renren!"

"Sus, syempre ngayon ko lang nalaro 'to. Ikaw matagal na." Di pa tanggap. E pang 10 talo niya na kaya. "Aminin mo na. Weak ka lang Renren."

"Ayoko na nga niyan. Kakabadtrip ka naman." Habang kasama ko 'tong si Renren napapansin ko na kapag nagtatampo siya ay para siyang bata. Pero yun yung gusto ko sakanya, napaka-cute niya kapag nagtatampo. Talagang napalagay na loob ko sa lalaking 'to kahit na kanina ko lang siya nakilala. "Good afternoon class." Si Kaizer. Nandito na pala siya. Tss.

"Good afternoon sir!" Masiglang bati ng mga classmate ko lalo na nung mga girls. Ako naman nakitayo lang.

Hindi ako nakikinig kung ano man ang dinidiscuss ni Kaizer ngayon. As long as I don't want to see his face. Kaya naman nakayuko lang ako sa upuan ko sa buong time niya. Hindi naman niya ako pinapagalitan. Siguro nakokonsensya siya. Hmp! Buti naman.

"Princess, makinig ka naman. Kanina ka pa tinitignan ni prof." Bulong sakin nitong katabi ko. Sino pa ba? Edi si Renren. Tsaka, ano daw? Si Kaizer? Kanina pa ako tinitignan? Inangat ko ang ulo ko at tama nga siya. Minsan ay tumitingin sa direksyon ko si Kaizer. "Princess, baka matunaw si prof, harap ka nalang sakin para malaman mo ang basehan ng kagwapuhan."

"Sige lang, ibuhat mo ang sarili mong bangko. Di ka rin humble no?" Baliw talaga 'to. "I'm just stating the fact princess." Fact daw, gwapo naman kasi talaga si Renren. Mabait pa, gentleman pa.

"Ehem! Ms. Alarcon and Mr. Deogracia pwede niyo bang ikwento sa buong klase yung pinag-uusapan niyo? Nakakahiya naman at kayo lang ang masaya. Wag kayong maglandian sa oras ng klase ko, so you must pay your attention in my class." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kaizer na siyang nagpakulosa dugo ko. "I'm sorry SIR, I don't want to be rude SIR but, mind your own business." Sabay tayo ko at kuha ng bag ko. Lumabas na ako ng classroom ng hindi tinitignan si Kaizer. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun. Pasalamat siya at nasa classroom kami kung hindi kanina ko pa siya pinatulan.

"Hey! Princess! Wait for me!" Kung hindi ko lang crush 'tong si Renren pagkakamalan ko 'tong.. "Bakla ka ba? Jusko, ang bagal mong maglakad." Maganda na yung diretsuhin na siya no. "Sorry nabuking na ako, kalerkey ka teh!" Nagulat naman ako sa sinabi niya at sa paraan ng pagkilos niya. "Oh my gosh! Sabi ko na nga b--aray ko! Bat ka ba nambabatok ha!?" Busit na bakla 'to. Ang sakit mambatok. May galit ata 'to sakin. "Stupid! I'm not a gay. May nabunggo lang ako na student kanina kaya natagalan ako sa paghabol sayo."

"Totoo? Di ka bakla? Pano ako nakakasiguro na di ka bakla? Ayos lang naman kung bakla ka eh. Tatanggapin ka pa rin namin ni Monic." Di naman kasi kami mapili sa mga kaibigan ni Monic eh. As long na mabait ka. "Halikan kaya kita jan!"

"Sabi ko nga hindi ka bakla." Ang seryoso kasi ng mukha niya. As in hahalikan niya talaga ako. "Tara! Mall nalang tayo! Wala na din naman akong next subject." Yaya ko sakanya tsaka 20mins. nalang naman ay dismiss na ang klase. "Ano pa bang magagawa ko. Tara princess, date tayo." Yieee, date daw kami. "So bale, libre mo?" Tanong ko sakanya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. "Ofcourse."

So, gaya nga ng sinabi ni Renren ay treat niya kaya naman enjoy na enjoy talaga ako. Nanood kami ng sine, nag-arcade, kumain ng ice cream at kung ano ano pa. Ang saya niyang kasama, lahat ng alalahanin ko tungkol kay Kaizer ay nawala. Sa sobrang pag-eenjoy namin, di namin namalayan na gabi na pala. "Tara hatid na kita sa bahay niyo." Pagpriprisinta niya. "Hindi na no, nakakahiya na sayo. Ikaw na nga nalibre tas hahatid mo pa ako sa bahay."

"Nah, It's not a big deal and I insist. I will take you home. Baka ano pang mangyari sayo at gabi na pa naman. Konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sayo." Ang swerte ng magiging girlfriend ni Renren kasi bukod sa mabait na ay maaalahanin din siya. "Opo, ano pa bang magagawa ko." Natatawang sabi ko at sumakay na kami sa kotse niya.

Huminto na ang kotse niya dahil nasa harap na kami ng gate ng bahay namin. Oo, nagpahatid ako dito sa bahay namin ni Kaizer. Tsaka paniguradong wala pa si Kaizer kasi 11:00 na yun nakakauwi kapag tuesday. 10:34 pa lang naman. "Thanks sa paghatid Renren." Sabi ko sakanya ng nakababa na ako ng kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Such a gentleman. "No problem. So, good night! See you tomorrow!" Akmang aalis na siya ng tawagin ko yung pangalan niya. "Rence.."

Saktong pagharap niya ay hinalikan ko siya.. sa PISNGI lang no! "Good night din! That's my way of saying thank you."

"O-o-okay.." Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Kaizer na galit na galit ang itsura. He look like a monster. "Where did you go? And what's with the kiss? Huh? Princess Sofia Alarcon-Villafuerte." Shit! Nakakatakot ang aura niya. I'm scared T^T

________________________________________________________________________________________

Hello! Ayos ba? Di ba panget? Anyway, Do vote and comment and support my other stories. Anong team kayo guys? KaiFia o RenCess?

Wait for my next update! :)

-Tine❤

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon