Chapter 22: Triplets

21.4K 567 27
                                    

Sofia's POV
"Are you okay?" Tanong ni Rence sakin. "Ofcourse, I am." Sagot ko.

"You're lying again Sofia. You're not. Hindi pa ba kayo ayos ni Trevor?" Tumingin ako sakanya at tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ayokong nagtatampo si Trevor sakin. Pero ayoko rin naman na nagiging spoiled siya. Mali siguro na sigawan ko siya."

"Shhhh, oo, mali na sigawan mo siya pero tama na binabawalan mo siya sa mga bagay na alam mong mali. Gusto mo lang naman na mapalaki siya ng maayos."

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang mukha ko. "Go, talk to him again." Tumango ako kay Rence. "Thanks."

Nasa pinto na ako ng kwarto ni Trevor ng makita ko si Trinah kasama ang yaya niya. "Hello, baby." Sabay kiss ko sakanya. "Ako na po ang bahala kay Trinah." Tumango ang yaya niya at umalis. Umupo ako sa lapag para magpantay kami ni Trinah.

"Mommy, is kuya still angry?" She asked with her eyes teary. "Oo baby eh. Pero don't worry. Kakausapin natin ulit si kuya okay?"

"I'm sorry mommy. That's my fault." Sagot niya. Natutuwa talaga ako kay Trinah dahil alam niya kung kailan siya dapat humingi ng tawad. She will always apologize even if it is not her fault. "Kay kuya ka hihingi ng sorry okay? Tara kausapi-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Trevor na binuksan ang pinto ng kwarto niya. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.

"Tre-" Bago pa ko makapagsalita ay umalis na siya sa harap. Hindi ko siya pinalaking ganyan. Ngayon lang siya naging ganyan at ayoko ang kinikilos niya. Pababa ng hagdan si Trevor ng mapansin kong may tubig sa may hagdan.

"Baby! WAIT!" Bago ko paman siya maabutan ay nadulas na siya sa may hagdan. Dali dali akong tumakbo habang buhat ko si Trinah. "Baby! Baby!" "Trinah, call your Daddy."

Tinawagan naman ni Trinah si Rence at agad lumapit samin. Binuhat niya si Trevor at agad na sumakay sa sasakyan. Dinala namin siya sa pinakamalapit na hospital.

Merong dugo ang braso niya at sobra ang pagdudugo nito. "Baby, be strong. Diba ayaw mong umiiyak si Mommy? Kaya gigising ka diba? Baby please... patawarin mo na si mommy. sorry na baby. Gumising ka lang please..." mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Calm down, magiging okay din siya." Sabi ni Rence. Pagkababa namin sa sasakyan ay agad namin ipinasok si Trevor sa Hospital. Inasikaso naman agad siya ng doctor.

"Please, save my son."

"Everything will be alright." Pagtatahan sakin ni Rence. Niyakao ko siya at si Trinah. Wala sanang mangyaring masama sa anak ko.

Ilang oras kaming naghihintay sa labas ng ER. Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor. "Kumusta po ang anak ko?"

"I'm sorry pero nangangailangan ng blood transfusion ang anak niyo. One more thing, blood AB po ang anak niyo at wala na po kaming stock ng dugo na type AB. Bukas pa po iyon darating. Kailangan na po ng dugo ng anak niyo."

"San kami kukuha ng dugong Type AB!?"

"Why?" Tanong ni Rence sakin.

"Type B ako."

"I'm sorry, I'm type A+" shit! San kami kukuha ng dugo para kay Trevor!? "How about Kaizer?"

"No! Hindi na ako magpapakita sakanya! I don't need his help!" Sigaw ko. Never. Hindi ako hihingi ng tulong sakanya. Nung araw na umalis siya ay kasama na don ang pagkawala ng karapatan niya sa mga anak namin. "Low down your pride Sofia! Anak mo ang nakasalalay dito! Buhay ni Trevor ang pinag-uusapan natin. Please, please Sofia. Just this time? Please?" Tama si Rence. Anak ko ang pinag-uusapan dito. Mas mahalaga ang anak ko kaysa sa Pride na hinahawakan ko.

"Your right Rence. I'm sorry for being stubborn." Ngumiti siya sakin at niyakap ako. Lagi nalang siyang nandiyan sa tabi ko. Never niya akong iniwan. Siguro ito na yung oras para kalimutan ko na nga talaga si Kaizer at turuan ang puso ko na mahalin si Rence.

Noong nasa States kami ay inalok ako ng kasal ni Rence. Ang sabi ko ay buntis ako at anak ni Kaizer ang dinadala ko. Ang sabi niya ay handa siyang maging ama sa mga bata, pero kahit na alam kong tatanggapin niya ang mga anak ko ay hindi ako pumayag.

Ayokong maging unfair kay Rence. Papakasalan ko siya kung mahal ko siya pero sadyang si Kaizer parin. Tsaka, alam kong kasal pa kami ni Kaizer. Asawa ko parin siya. Kaya daw maghintay ni Rence na ma-divorce kami pero ayoko siyang maghintay sa bagay na hindi sigurado. Dahil, may nararamdaman parin ako kay Kaizer.

"Here we go." Bumaba si Rence at pinagbuksan ako ng pinto. I don't know what to feel. Nandito ako sa harap ng bahay ni Kaizer. Ang dati naming tinitirhan. "Come on Sofia." Nag doorbell si Rence at agad namang bumungad samin si Kaizer.

Halata sa mukha niya ang saya at the same time ay gulat. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. "Finally!" Sabay yakap niya sakin. Agad naman akong kumawala sa yakap niya. "Can we talk?" Tanong ko.

"Ofcourse, but, what is he doing here?" Tanong niya. "It's none of your business." Sagot ko. "Rence, iwan mo muna kami." Pakiusap ko. "Maghihintay nalang ako sa kotse." Tumango ako at ngumiti sakanya.

Pumasok kami ni Kaizer at umupo ako sa sofa. Wala pa rin pinagbago ang bahay magmula nung umalis ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang wedding picture namin. Bakit nandito pa rin ito? Hindi ba ay may pamilya na siya? Bakit hindi niya parin ito tinatanggal?

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Kailangan ko ang tulong mo. Kailangan ni Trevor ang tulong mo. Nasa Hospital siya... nangangailangan siya ng blood tranfusion as soon as possible. Please Kaizer... I'm begging you, help our son." Hindi ko na napigilan ang pag luha ko. Ayokong nasasaktan ang mga anak ko.

"Shhh, don't cry. Ano namang pumasok sa isip mo at naisip mo na hindi kita tutulungan? It's our son we are talking about. Where is he?" Nagpasalamat ako at sinabi kung saan hospital naka confine si Trevor.

Pagdating namin ng hospital ay agad na bumaba si Kaizer. Pinuntahan namin kung saan ang kwarto ni Trevor para agad na namin siyang masalinan ng dugo. Nang makita ako ng dalawa ay agad silang yumakap sakin.

"Who is he mom?" Tanong ni Travis. "He is..." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanila ang totoo o hindi pero wala na rin naman akong maitatago. "...your real father." Napaiyak nalang ako ng lumapit sila kay Kaizer na ngayon ay napaiyak na din.

"Mom? How--" Hindi na natuloy ni Trinah ang sasabihin niya ng bigla silang yakapin ni Kaizer. "Kung ganon..." Umiiyak na sabi ni Kaizer. "Yes, Kaizer. They are Triplets."

__________________________________________________________________________________

Hi! Reader's, First of all. Thank you sa pag-suporta sa story na 'to. Grabe, nakakataba ng puso yung mga comments niyo.

Second, sorry talaga kung matagal ang update.

And last, Sana, matapos niyo to hanggang dulo and sana suportahan niyo yung iba kong stories.

Thank you! :*

Wait for my next update!

-Tine 🐰

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon