Chapter 6: He's Ex

23.9K 672 30
                                    

Sofia's POV
"Manang, hindi po ako mag didinner. Si Kaizer nalang po ipaghanda niyo."

"Eh kumain ka na ba hija?" Si manang talaga oh. "Opo kumain na ho ako. Salamat manang." Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nag sando at short shorts lang ako. Pagdating naman sa bahay ay nagsasando nalang ako no.

Maya-maya pa ay may narinig akong ingay ng sasakyan. That bastard. May nalaman pang gamitin ko muna kotse niya. Yun pala kukunin niya rin sakin. At ang mas masaklap pinag-taxi niya lang ako.

Sumilip ako sa may pinto at nakita ko si Kaizer na naka suite pa. Tss, siya pala yung bagong prof, ni di man sinabi sakin na siya yun.

"Manang, si Sofie po?" Wow, tinanong mo pa talaga ako. "Nasa kwarto na hijo, mukhang nagtatampo ang asawa mo." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung makita kong ngumiti si Kaizer. Shet! Yung ngiti niya. Kalaglag panty! Ay hindi! Erase! Erase!

"Hindi na po ako kakain manang, kumain naman din po ako." Nakita kong tumango si manang at niligpit yung mga nasa mesa. Hays, anong gagawin ko? Pano ako makakaganti sa Kaizer na yun?

*Tok tok*

"Pasok." Maikling sagot ko at tumingin na ulit sa librong binabasa ko. "Sofie?" Nang marinig ko ang boses niya awtomatikong napatingin ako sakanya at nag ayos ng upo sa kama. "Bakit?"

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo SIR. Oh! By the way, thank you for insulting me a while ago." Diniinan ko talaga yung salitang Sir. Tss, serve him right. "I'm sorry about that. I'm just having fun." Having fun? Then.. "Oh really? Then I want some fun." Tumayo ako sa kama ko at hinila ng pababa ang sando ko. Konti lang naman. Tapos dahan-dahan akong lumapit sakanya.

"Try me." Bigla naman akong napatigil sa paglalakad ng palapit na siya ng palapit sakin. Awww, wrong move. Stupid Sofia. "I'm just kidding hehe."

"Then, I'm not." Bigla nalang niyang hinapit ang bewang ko at kinagat ang tenga ko. Feeling ko namumula na ako ngayon. "You're cute when your blushing." Hindi na ako nakapag salita ng bigla nalang akong halikan ni Kaizer. Oo, aaminin ko. Nagustuhan ko yung halik niya. "Your sexy... and I want you now." Dahan dahan niya akong binuhat at hiniga sa kama. Hinalikan niya ang leeg ko at dahan dahang bumaba hanggang sa--

"Sofie!"

"Sofie!"

"Sofie!"

"SOFIE!"

"Ay Kaizer!" Bigla nalang akong napamulat at nakita ko si Kaizer na nakaupo sa tabi ng kama ko. Teka, yung nangyari. Bigla tuloy akong namula ng maalala ko yung tungkol sa panaginip ko. "Are you okay?" Tumingin naman ako kay Kaizer pero agad ko ring inalis ang tingin ko sakanya dahil naaalala ko na naman yung panaginip ko.

"O-okay l-lang a-a-ako." Leche, nauutal ako. Ano ba kasing klasing panaginip 'yon. "Are you sure?" Tanong niya. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Bumaba kana. Handa na ang dinner." Maikling sabi niya at lumabas na ng kwarto. Bwiset! Yung plano ko di ko nagawa. Anong plano ko? Secret ko na yun. Pagbaba ko ay kumakain na si Kaizer. Walang modo, di man ako hinintay.

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Kaizer. "Mag impake kana mamaya, aalis tayo sa makalawa." Tinigil ko ang pagkain ko at humarap sakanya "Where are we going?"

"Gusto nila mommy na mag honeymoon daw tayo. Tss." Bigla naman akong namula ng banggitin niya yung Honeymoon. Bwiset na panaginip yun. Tinotorture ako. "S-saan naman?"

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon