Kaizer's POV
"Hindi mo na ba ako mahal?" Naaawa ako sakanya. Gustuhin ko man na yakapin siya ay di ko magawa. Hindi ko na siya mahal."I'm sorry." Yun lang yung lumabas sa bibig ko. Kahit papano ay naging magkaibigan din kami. Minahal ko siya. Pero siguro may mga bagay na hindi talaga para sa'tin. "Sorry!? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo! Sorry lang!? Kaizer! Ano bang tingin mo sakin ha!? IS THAT IT!? BASTA MO NALANG AKO IIWAN HA!? PAGKATAPOS NG LAHAT!? THAT'S BULLSHIT! ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO!? KULANG PA BA!? ANO PA BANG GUSTO MO!?.." Umiiyak siya. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Pero ito ang dapat 'kong gawin. Akala ko hindi ko na siya mahal. Yun pala, mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Nabaling lang talaga ang pagmamahal ko sa iba.
"Binigay ko naman ang lahat diba? Hanggang ngayon ba siya parin ang mahal mo? Hindi ko ba siya mapapalitan jan sa puso mo? Ha? Kaizer?"
"I'm sorry. Siya parin ang mahal ko. Kahit na anong gawin ko. Siya parin pala. I'm so sorry." Yun nalang ang kaya 'kong sabihin. Hindi ko na gagawin ang plano namin na iiwan si Sofie pagkakuha ko ng mana ko. Hindi ko kayang gawin 'yon sa taong mahal ko.
Aalis na sana ako ng magsalita siya ulit. "Hindi kayo magiging masaya. Tandaan mo yan. Hinding hindi kayo magiging masaya." Hindi ko siya pinansin at sumakay na ako sa sasakyan ko at umuwi ng bahay.
Pagkababa ko sa sasakyan ko ay nakita 'kong may kasamang lalaki si Sofie. Tinutulak niya ito palabas pero nakangiti siya. Sumakay na sa sasakyan yung lalaki at umalis na. Gusto ko man siyang habulin at suntukin ay pinigilan ko ang sarili ko.
Pumasok ako ng bahay at nakita 'kong umakyat sa kwarto si Sofie. Umakyat na rin ako sa kwarto ko at nagbihis.
Pumunta ako sa harap ng kwarto ni Sofie para sana kausapin siya. Kakatok palang sana ako ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.
"Wife.." Halata sakanya na nagulat siya sa sinabi ko.
"What do you want?" Tanong niya sakin. Gusto 'kong sabihin sakanya na magsimula ulit kami dahil siya ang mahal ko at hindi si Lexie pero natatakot ako.
"N-nothing, I'm sorry. I will go to my room. Sorry for disturbing you." Pagkatapos 'kong sabihin 'yon ay pumunta na ako sa kwarto ko.
--
"Napuyat ka ata hijo?" Yan ang bungad sakin ni manang. "Opo, medyo po." Sagot ko at umupo na sa upuan.Inihanda na ni manang ang almusal. Napansin kong isa lang ang plato na nakalagay. "Manang, si Sofie po?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin. "Maagang umalis. Maaga ngang nagising ang batang yun eh." Tumango nalang ako at binilisan ang pagkain ko. I want to see her first thing in the morning. I will tell her my feelings towards her. I love her so much.
FLASHBACK
"Bro, tignan mo yung chicks don sa sulok." Liningon ko kung saan yung tinuturo ni Blaze. Tumingin naman ako at tama nga siya. Chicks nga.
Pero parang may iba eh. Siya yung tipo ng tao na hindi dapat pinaglalaruan. Para siyang anghel. Napatingin siya sakin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Bigla nalang siyang tumayo sa upuan niya at umalis.
Pinatawag na kami ng coach namin dahil magsisimula na ang laro namin.
Fourth quarter na pero di ko na siya nakita.
"Tara bro! Mag celebrate ta'yo." Nanalo kasi kami sa laro. "Pass muna ako bro." May pupuntahan pa kasi ako. I want to know her name. Now.
--
"Bakit ba tayo nandito ha? Kanina pa ako kinakagat ng lamok dito." Hindi ko pinansin si Blaze na kanina pa dada ng dada dito. Nandito kasi kami sa isang halaman medyo malamok nga dito pero titiisin ko. Malaman ko lang ang pangalan nung babaeng 'yon. "Sino ba kasing tinitignan mo jan ha? Chicks yan no? Uy! Patingin! Patingin!"
BINABASA MO ANG
My HUSBAND is my TEACHER!?
Teen FictionMinsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN