Chapter 9: Jealous (Part 2)

23.3K 614 5
                                    

Sofia's POV
  Suman na malagkit, nakakatakot siya. Siya ba talaga si Kaizer? Omg!

"Uhm, uhm, a-ano--" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla nalang bumagsak sakin si Kaizer. "Kaizer! Kaizer!" Tinapik tapik ko pa siya pero wala talaga. Ngayon ko lang din napansin na maraming can beer ang nasa sala na naka-kalat.

Haist, ang bigat pa naman ng lalaking 'to. Ano ba yan. Tss, 10:50 na. Tulog na si manang. Ayoko namang istorbohin si manang dahil sigurado akong pagod na pagod yun.

"Bwiset ka Kaizer, papagurin mo pa ako. Naku, kung hindi lang kita mahal." Ang tanga ko, nung dalawang beses ko siyang nakabungguan hindi ko man lang siya nakilala, pati na rin nung nasa simbahan na kami.

Umakyat na ako sa kwarto niya habang akay-akay siya. Ang bigat talaga, kulang nalang mapaluhod ako sa sobrang bigat niya. Muntik pa nga akong madulas sa may hagdan. Pano ba naman nagsuka ang loko. Iinom inom, hindi naman kaya ang sarili.

"Pano niyan kita papalitan? Amoy suka ka? Haist, bat ka ba uminom ha Kaizer?" Para akong tanga dito na kinakausap ang tulog. As if naman na sasagot yan. Tss. Bahala na nga. Papatayin ko nalang yung ilaw para wala akong makita. Oo, tama. Ang talino mo talaga Sofia.

Papatayin ko na sana yung ilaw ng biglang magsalita si Kaizer na ikinatigil ko "Nagseselos... ako... kapag may iba kang.. lalaking kasama... Sofie" bigla akong napahawak sa puso ko at ramdam kong ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sinabi niya ba talaga 'yon? Ang isang Kaizer ay sinabing nagseselos kapag may kasama akong ibang lalaki? "Sorry sa mga ginawa ko... patawarin mo ako.. hindi ko sinasadya... please... I'm sorry." Tapos tumahimik na naman ulit siya. Naghintay pa ako kasi baka may sasabihin pa siya pero wala na. -,-

Pinatay ko na ang ilaw at pumunta sa cabinet para kumuha ng t-shirt na ipapalit sa damit niya na nasukahan niya. Yung suka pa pala niya sa may hagdan. Mamaya ko nalang lilinisin. Lumapit ako sa kama at inayos ng upo si Kaizer at sinandal sa headboard ng kama. Hindi naman masyadong madilim kaya nabihisan ko siya ng maayos. Pero shit! Nakita ko yung abs niya! *-*

Nilagay ko na yung marumi niyang damit sa basket at umupo sa kama niya. Ang gwapo niya lalo kapag natutulog siya. Yung pilikmata niyang mahaba. Yung pisngi niyang makinis. Yung ilong niyang matangos, at yun-yung labi niyang mapupula. Masarap sigurong halikan yun.

Sinampal ko ang sarili ko para mawala lahat ng nasa isip ko. "Baliw ka na Sofia. Kailangan mo ng matulog. Pagod lang yan." Akmang aalis na ako sa kama niya ng bigla niya akong hilahin. Kaya ang ending, nakaunan ako sa dibdib niya at siya naman ay nakayakap sakin.

"Kaizer, ano ba. Lalabas na ako. Magpapalit pa ako ng damit." Tae, ni di man gumalaw. Tinapik tapik ko na yung abs- este tiyan niya wala pa rin. Ano ba yan. "Hmmm" Akala ko naman magigising na. Nag ayos lang ng pwesto pero letche! Nakayakap pa rin.

Kapag gising siya ang sungit niya, parang wala siyang pakialam sakin. Sino nga bang niloloko ko? Bakit naman siya magkakaroon ng pakialam sakin. Dahil lang naman sa mana niya kaya niya ako pinakasalan eh.

Nagseselos siya kapag may kasama akong ibang lalaki? Pano naman ako? Hindi ba ako nagseselos? Nasasaktan pa nga ng sobra eh. Ipamukha ba naman sakin na mahal pa niya yung ex niya. At di pa nakuntento ha, kinumpara pa ako sa ex niyang malandi! Tss.

Bakit ko ba minahal 'tong lalaking 'to? Samantalang siya may mahal na iba. Tss, you're stupid Sofia. Stupid...

--

"Hindi ka pa ba tapos?"

"Wait!" Tae, nagmamadali? Para namang malelate kami. "Bilisan mo naman! Ang bagal mo!"

Kanina pa siya ganyan, simula kaninang umaga na magising kami. Dapat nga ako yung nagsusungit. Isipin mo, pagkagising niya bigla ba naman akong tinulak. Ayun, nahulog ako sa kama. Una likod. Ang sakit kaya.

"Eto na! Eto na! Bababa na!" Sigaw ko.

Bumaba na ako at binuhat yung maleta ko. Oo, maleta. 1 week din kasi kami sa Italy no. Hep! Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano. Hindi kami pupunta ng Italy para mag Honeymoon. Maglilibot kami! Duh! Hindi naman namin susundin yung sinabi ni Mama na mag-honeymoon kami noh. Ayoko nga!

"Bat ang dami mong dala!?" Tanga ba siya? Malamang pupunta kasi kaming Italy. Anong gusto niyang dalhin ko? Bag?

"Anong mali sa dala ko!? Tsaka 1 week din tayo sa Italy no. Pero wala akong balak mamili ng mga gamit. Pamamasyal lang habol ko."

"Italy?"

"Oo, diba sabi mo sa Italy tayo?"

"Sorry, nakalimutan kong sabihin. Sa tagaytay muna tayo." Ano!?

"Tagaytay!? Bakit naman!?" Sayang lang paghahanda ko. Tagaytay lang pala kami.

"Nag-iba kasi ng isip si mommy. Gusto niyang sumama sa'tin kaso di naman siya pinayagan ni papa kasi nga bawal magbiyahe ng malayo si mommy kaya sa Tagaytay nalang." Anu bayan. Sayang effort.

"Ilang week tayo don?" Aba syempre baka mamaya nagbago na din kung kailan kami katagal dun no. "2 weeks." Okay na din yun.

"So, kasama natin si mama at papa ganon?"

"Yeah. Tara na, susunduin pa natin sila." Sumakay na kami ng kotse at pinaandar na ni Kaizer ang sasakyan. Yung ibig sabihin ni Kaizer na susunduin is hindi naman talaga susunduin na sabay kami sa iisang kotse. Bale, sabay lang kami pupunta ng tagaytay pero magkaiba ng kotse. Gets niyo? Kung hindi niyo nagets, problema niyo na yun.

Pagdating namin sa mansion, bumaba muna kami ni Kaizer. Nag-aayos pa daw kasi sila mama (mama ni Kaizer). Kita mo? Minamadali ako tas karating namin dito mahihintay pa kami.

"Oh hija, ang aga niyo naman. Hindi pa tapos ang mama niyo."

"Maganda na po ang maaga pa kaysa naman sa late." Ang totoo po niyan, minadali po kasi ako ng magaling niyong anak. Yan sana ang gusto kong sabihin sa papa ni Kaizer. "Oh, ayan na pala ang mama niyo."

Bumaba na si mama sa hagdan. Inalalayan naman siya ni Papa. Napakasweet talaga nila. Sana ganun din kami ni-- ano ba 'tong pinagsasabi ko!

"Pasensya na hija at naghintay pa kayo. Bueno, tara na." Bumeso muna ako kay mama bago sumakay sa kotse. Nakasunod lang naman sila sa likod namin. "Matulog ka muna, malayo-layo pa ang biyahe."

Hindi ko nalang siya sinagot at natulog na lang ako. Hays, mahaba-habang linggo 'to. Tapos kailangan pa naming maging sweet kasi nandyan parents niya.

"Sofie..." May narinig akong tumatawag sa pangalan ko ay tinatapik ang pisngi ko.

Minulat ko ang mata ko. "Nandito na tayo. Gising na." Pagtingin ko naman sa paligid nasa Tagaytay na kami. Kaya pala medyo malamig na. "Ah sige." Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng kotse.

Sana walang mangyaring hindi maganda sa dalawang linggo namin dito...

________________________________________________________________________________________

Do vote and comment!

Wait for my next update!

-Tine ❤

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon