Race ❤ 5

30.2K 867 5
                                    

TAHIMIK kaming lahat at pinakikiramdaman ko ang mga susunod na mangyayari. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng mansion. At ramdam ko ang tensyong bumabalot sa lahat ng taong narito ngayon. Hindi ko din alam na nandito ang mga pinsan ko sa bahay namin ngayon kaya naman mapapansin mo ang natalim na titigan nila Habagat at Kuya Calvin.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Habagat at dinala niya ako ngayon dito sa mansyon. Naguguluhan na ako sa kung ano mang balak niyang gawin.

"Tita Jewel !."

Napalingon ako sa dalawang batang babaeng magkabanayag na nitawag ang pangalan ko. Sila Sapphire at Ayesha na kabababa lang ng hagdan at may dala dalang mga manika. Tatayo sana ako para salubungin sila ng yakap at halik pero naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Habagat sa kamay ko na para bang pinipigilan niya akong lumapit sa kahut nino man sa pamilya ko.

"Manang Tere, iakyat mo muna ang mga bata sa itaas.!" Utos ni ate Zack sa kasambahay namain.

"Ako nalang Zack!." Pagpiprisinta ni Ate Georgina ang mommy ni Sapphire na asawa ng pinsan kong si Kuya Xavier.

Malaki na ang tiyan ni Ate Georgina buntis kasi ito sa pangalawa nilang anak ni Kuya Xavier. Napapangiti nalang ako, sana ay kagaya nalang ako nila Ate Georgina at Ate Zack na masaya sa piling ng mga asawa nila. Hindi katulad ngayon na ako lang ang nagmamahal.

"We're married !?." Paninimula ni Habagat.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy at ni Kuya Jax sa sinabi ni Habagat. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pagtutol sa mukha ni Kuya Calvin.

"Hindi iyon pwede ! Alam ko kung gaano ka kagagong hayop ka !." Akmang susugurin siya ni Kuya Calvin ng bumunot ng baril ang mga kasama naming mga bodyguards.

"Omygosh !." Usal ni Ate Clein.

Tumingin ako kay Habagat para sabihing pigilan niya ang mga alipores niya. Hindi ako nagsasalita kanina pa dahil kabilin bilinan niya sa akin na huwag akong mag sasalita sa oras na makarating kami dito kundi ay magkakagulo.

"What is this Dane Jewel ?!." Tiim bagang na tanong ni daddy. Gustong gustoko ng sumagot pero nahagilap ng mga mata ko si Frankie sa second floor ng mansion - paano siya nakarating doon ?.

"Papatayin ni Frankie ang mga pamangkin mo pag nagsalita ka.!" Bulong sa akin ni Habagat kaya nanatili akong tahimik at tumungo.

"Damnit Jewel !, magsalita ka." Sigaw ni Kuya Jax.

"Nandito lang kami para ipaalam sa inyo iyon. Aalis na kami.!" Tiim bagang na sabi ni Habagat sa kanila.

I'm sorry daddy, kailangan ko siyang sundin. Ayokong mapahamak pa kayo. Mas mabuti ng ako.

Iyan ang sinasabi ng nga mata ko habang nakatingin sa mata ni Daddy na halatang nagpipigil ng galit.

"Ano ka ba Jewel ! Parang hindi mo alam kung gaano kasamang tao iyang kasama mo ! Ano bang pumasok dyan sa kukote mo ? Layuan mo siya.!" Gigil na saad ni Kuya Calvin.

"Kapag may sumunod sa kanila wag kayong mag dadalawang isip na patayin sila.!"

Hinila na ako ni Habagat palabas ng mansion. Hindi naman naalis ang tingin ko sa pamilya ko sa loob na pilit na kumakawala sa mga bodyguards ni Habagat na nakaharang sa dadaanan nila. Nakita ko pang nanlaban si Kuya Calvin at kung paano siya barilin ng isa mga mga alipores ni Habagat.

"Kuya Calvin !." Sigaw ko ng makita ko iyon gusto kong lumapit sa kanila pero hindi nagawa dahil sa higpit ng hawak sa akin ni Habagat at nang ihagis na niya ako sa loob ng LaFerrari niya. Umiiyak na ako dahil nag aalala ako sa mga tao sa bahay. Baka hindi lang si Kuya Calvin ang saktan nila.

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon