-MABIGAT ang pakiramdam ko ng magising ako. Pero hindi nawala sa isip ko ang nabasa ko sa diary ni Atmospera. Lahat iyon ay malinaw na malinaw pa sa akin. Ginahasa siya. At hindi ko alam kung sino-sino sa mga bodyguards ni Habagat ang gumawa noon sa kanya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Ngunit alam kong ito na din ang simula para mabago ang lahat ng pananaw ni Habagat tungkol sa pinsan ko.
"Love, are you okay now ? Papunta na iyong doctor.!?" Nag aalalang sabi ng aking asawa.
"Yung diary.!"
"Anong diary my love ?" Takhang tanong niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"Si Amihan nasaan ?."
"Nasa kwarto niya. Pinabantayan ko muna sa isa sa mga bodyguards ko.!"
Bodyguards ?
Rape.
Pinabantayan.
Tumayo ako kahit na nahihilo ako. Kailangan kong puntahan si Amihan. Baka isa sa mga bodyguards na iyon ang bumaboy sa bunso nila.
"Saan ka pupunta ? Love come back !?"
Hindi ko pinansin si Habagat. Alam ko namang susundan niya ako. Kailangan kong makarating sa silid ni Amihan.
I was about to open the doorknob ng kusa itong bumukas at lumabas doon ang isa sa mga bodyguards ni Habagat.
"Maa'm !?"
Sinakal ko siya.
"Anong ginawa mo kay Ami ? Ano ?!" Nangigigil ako.
"What the fuck love ! Itigil mo iyan.!?"
Si Habagat na mismo ang pumigil sa akin. Hindi ko sila pinansin at dumiretsong pumasok ako sa silid ni Ami. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakaupo sa kanyang kama at nakaharap sa loptop niya.
Umiiyak siya.
"S-siss-y."
Nilapitan ko siya. At ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang pinapanood niya. CCTV photage ito sa loob ng kwarto ng bunso nila at hindi ko kinakaya ang kaganapang naroon.
"I-iyan iyong laman ng CD !?."
Hindi pa man ako nakakasagot ng maramdaman ko ang presensiya ni Habagat na papalapit sa amin.
"Ipaliwanag niyo nga sa akin kung bakit kayo nag kakaganyan ? Ami ? Jewel ?.!" Seryoso siya. Tinawag niya ako sa pangalan ko.
"All this time galit na galit ka kay Kuya Calvin kahit na wala naman pala siyang kasalanan sa pag kawala ng kapatid mo.?" Kinuha ko ang diary sa tabi ng laptop ni Ami.
"Basahin mo iyan. At kung ayaw mong maniwala, panoorin mo itong pinapanood ni Ami.?!" Tuloy tuloy din ang pag bagsak ng mga luha ko.
"H-hab ! Ni-rape siya. Ni-rape siya !" Paulit ulit na sinasabi ni Amihan iyon habang tumutulo pa din ang mga luha niya.
Hindi ko na kinaya at lumabas na ako ng silid na iyon. Nasasaktan ako sa mga pangyayari ngunit alam kong mas kailangan nilang mag usap ng pamilya niya. Kailangan nilang malaman ang katotohanang walang kasalanan ang pinsan ko sa mga nangyari sa bunso nilang kapatid.
"Frankie, ihatid mo muna ako sa mga Heluxus.!"
Hindi na nagdalawang isip pa si Frankie at inalalayan na niya akong makababa at makasakay sa kotse. Hindi ko na nagawang mag paalam pa kila Mommy Amarah, alam kong mas kailangan nila ng oras ngayon ng pamilya niya.
Tahimik lang ako habang nasa byahe. Masakit ang ulo ko at parang nauubusan ako ng lakas.
"Jewel ano bang nangyari ?!"
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
AcakWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.