Race ❤ 12

28.3K 919 23
                                    


Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak habang tinatangay ako ng Kuya ko palayo sa lalaking mahal ko. Ilang beses ko na din ipinaintindi sa Kuya ko kung gaano ko kamahal si Habagat pero ipinipilit pa rin nito na na-brain wash lang ako ng asawa ko. Which is not true ! Mahal ko si Habagat bago pa mangyari ang lahat ng ito. Mahal na mahal ko siya.

"Shut up Jewel, hindi ka na babalik sa hayop na iyon !."

Hanggang sa makarating kami sa mansion ng mga Heluxus ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako at nag aalala ako para sa kalagayan ni Habagat ngayon. May tama siya, tinamaan siya ng bala. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin pero kailangan ko siyang makita ngayon at masiguro kong maayos ang lagay niya.

"Jewel !."

Agad na lumapit sa akin si Ate Azackira na kasalukuyang buhat buhat ang bunso niyang anak na si Axel Jade. Pansin ko din ang pasa sa gilid ng kanyang bibig, siguro ay ito ang sanhi ng pagkakasampal sa kanya ng aking asawa.

"Maayos ba ang lahat sa inyo ?." Nag aalalang tanong ni Ate Zack kay Kuya. Kaya naman hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"Alam mo ang tungkol dito Ate ?!." Hindi makapaniwalang tanong ko.

Yumuko lang si Ate Azackira sa akin.

"I'm sorry.!"

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na mahal ko si Habagat kahit na gaano pa siya kalupit sa akin !."

"Don't you ever raise your voice to my wife young lady !." Gigil na balik sigaw sa akin ni Kuya Jax.

I can't believe this, kaya pala siya ang madalas na dumalaw sa bahay namin ni Habagat iyon ay dahil nag mamatyag siya habang nagpaplano sila Kuya kung paano ako iaalis sa bahay na iyon. Oo, sinasaktan ako ni Habagat pero hindi noon mapapantayan ang wagas na pagmamahal ko sa kanya.

Padabog kong kinuha ang braso ko kay Kuya Jax at saka tinitigan siya ng masama.

"Aalis ako !."

"Hindi ka aalis Jewel !, dito ka lang !?." Tiim bagang na sagot sa akin ni Kuya.

"You can't force me to stay, kasal pa din kami at kailangan niya ako.!"

"How dare you choose that criminal over your family !!." Hinarap ko si daddy na umaapoy na sa galit ang kanyang mga mata.

"I'm sorry dad.!"

Pagkatapos noon ay muling tumalikod ako, pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng hawakang muli ni Kuya Jax ang braso ko para pigilan akp sa balak kong pag alis.

Pero bago pa man ako makapag salita ay inunahan na ako ng malamig na boses ni daddy.

"Let her go Jaxell !."

"What ?." Hindi makapaniwalang sagot ni Kuya kay daddy. Maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"She's already choose that criminal.!" Tumalikod na si daddy sa amin. "Magmula ngayon ay wala na akong ibang anak kundi ikaw lang Jaxell. At huwag na huwag niyo ng papapasukin ang babaeng iyan sa pamamahay ko ! Isa siyang malaking kahihiyan sa pamilyang ito.!"

Pagkatapos noon ay maingat siyang humakbang palayo sa amin. Inaamin ko nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ni daddy. Mahal ko pa din ang pamilyang ito kahit paano, dahil tinanggap nila ako ng buong puso. Ngunit kahit na ganoon kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Kailangan kong patunayan sa kanila na kaya kong ipag laban ang pagmamahal ko para kay Habagat. At alam kong dadating ang araw na maiintindihan din nila ako dahil pare-pareho lang kaming nag mamahal.

Dali-dali akong pumara ng taxi pag kalabas ko ng mansion. Kailangan kpng makabalik sa bahay namin ni Habagat. Kailangan kong masigurong maayos siya pati si Amihan. Kinakabahan ako habang nasa byahe ako pabalik ng bahay.

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon