Race ❤ 9

27.2K 742 12
                                    

Jewel's POV

Ilang araw na ako dito sa hospital hindi ko na mabilang dahil lagi akong tuliro sa mga nangyayari. Halos araw araw ay dinadalaw ako ni Amihan at ni Mommy Amarah si Habagat lang ang hindi ko nakikita magmula noong huling punta niya dito sa hospital na nagtalo pa sila ng kakambal niya.

"Okay ka na daw hija, aayusin ko nalang yung billing at makakalabas ka na ngayon.!"

Ngiti lang ang naging sagot ko kay Mommy Amarah. Hindi ko kasi kayang maglabas ng kahit anong salita sa bibig dahil ayaw ko. Mas gugustuhin ko nalang ang manahimik at kimkimin ang lahat ng nararamdaman ko.

Gabi gabi ay napapanaginipan ko ang isang iyak ng sanggol. Napapaluha nalang ako dahil alam kong iyon ang aking munting anghel.

"Papunta na din si Amihan dito anak, anong gusto mong kainin mamaya pag uwi natin ?. Ipagluluto kita.!" Nanatili akong walang imik sa ginang. Hindi ko alam. Wala na talaga siguro ako sa katinuan.

Umupo si Mommy Amarah sa tabi ko at saka marahang hinawakan ang balikat ko para iharap ako sa kanya.

"Hija alam kong nasasaktan ka sa nangyari sa magiging apo ko pero kailangan mong maging matatag, nariyan pa si Habagat para sa iyo.!"

This time hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Mabuti sana kung nariyan nga si Habagat para suportahan ako pero nasaam siya ngayon ? Wala ! Hindi lang naman siya ang nawalan. Hindi niya ba alam na mas masakit sa akin ang nanyari. Ako ang ina. Ako ang magdadala sa kanya sa loob ng siyam na buwan sana pero nawala siya dahil sa kapabayaan ko.

"Shh .. Tahan na hija, alam mo ba na nangyari din sa akin ito ?." Napatingin ako sa ginang sa sinabi niya. Ibig sabihin ay ...

"May mas panganay pa ako noon bukod sa kambal at kay Atmospera, yun nga lang kagaya ng sinapit ng panganay mo ay nakunan ako, sinisi ko din ang sarili ko pero hindi ako sumuko para sa pamilya ko. Tignan mo ngayon mayroong Habagat at Amihan."

"Pero naghiwalay pa rin po kayo ni Tito Pacifico.!" Mahinang tugon ko.

"Magkaiba si Habagat at ang ama niya. Patience lang hija alam kong marami pa kayong mapagdadaanan ni Hab, akala ko ba gusto mong palambutin ang puso niya ?."

Alam ni Mommy Amarah ang tungkol doon ?.

.

.

.

.

.

.

.

.

NAKAUWI na ako sa bahay ng mga Forteza at pag pasok ko palang ng mansion alam kong may hindi magandang aura na. Siguro ay hindi pa kasi kami ulit naghaharap ni Habagat.

Inalalayan na ako ni Amihan at Mommy Amarah paakyat ng kwarto para makapagpahinga na pero tumambad sa amin ang gulo gulong kwarto namin ni Habagat. Puro basag ang mga gamit dito at nagkalat ang mga bote ng alak. Pero hindi ko natagpuan doon ang kahit anino ng asawa ko.

Haist !

"Ah, sa guest room ka nalang matulog sis ." Nakangiting sabi sa akin ni Amihan, ngiti nalang din ang sinagot ko sa kanila ni Mommy Amarah.

Pagdating namin sa guest room ay saglit lang nila akong binantayan pagkatapos ay hinayaan na nila akong magpahinga. Alam kong alam nila na mas gusto kong mapag isa sa mga oras na ito.

My baby ..

Muli nanamang kumawala ang mga mumunting luha sa aking mga mata. Bakit ba nangyayari sa akin ito. Somehow ay sinisisi ko din si Habagat dahil may punto naman si Amihan na kundi ko nakitang maykahalikang iba ang kakambal niya ay hindi ako sasama sa kanya. Pero mas nangingibabaw pa din ang pag sisi ko sa sarili ko dahil ako ang gumawa ng desisyon. Ako ang nasa loob ng sasakyan at nakikipag karera. Ako ang naghamon. How pathetic I am.

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon