-MABILIS na lumipas ang araw. Nakakatuwa at apat na buwan na akong nagdadalang tao. Halata na din ang umbok sa aking tiyan. Masaya kami ngayon nila Habagat dahil unti unti na kaming nakaka adjust sa mga pangyayari. Wala na ding problema kila daddy tungkol sa muli naming pag papakasal ni Habagat. Pakiramdam ko ay maayos na ang lahat.
"Jewel, kakain na tayo anak.!"
Nginitian ko si Mommy Amarah. Pasigaw niya akong tinawag para bumaba na. Nasa hardin kasi sila at nag hahanda ng umagahan. Samantalang ako ay narito sa veranda ng aming silid at tanaw na tanaw ko sila mula dito.
"Wait for me there love. I won't let you walk without me on your side.!"
Napapangiti nalang ako sa tuwing ganyan si Habagat sa akin. He seemed so much protective about me and the baby. Alam kong unti unti ng nagbabago ang asawa ko. Ganoon pa man ay alam kong hindi niya basta basta maiwan ang Black Eternity. Parang ako, hindi ko basta basta maiwan ang drag racing. How I miss racing.
"Kaya ko namang bumaba ng mag isa love.,"
Bungad ko sa kanya pag bukas na pagbukas ng pinto. Pero ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng hindi ang asawa ko ang bumukas noon.
"Stacey ?!"
Yes. Ang babaeng alupihan. Ngayon ko lang ulit siya nakita magmula noong huli. At ano naman ang ginagawa niya sa loob ng pamamahay ko ?.
"Oh ! Hello again Mrs. Forteza.!" Sarkastikong sabi niya at saka ibinaba niya ang tingin sa aking sinapupunan.
"Totoo pala iyong nabalitaan ko, buntis ka nga. It would sound lovely to me if you suffer with miscarrage again. What do you think ?."
Bigla ay umurong ang dila ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Lumingon ako sa hardin at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang nakahandusay na sa damuhan sila Mommy Amarah, Amihan at Tito Pacifico. Pare-pareho silang duguan. Hinagilap ng mata ko ang aking asawa pero bigo akong makita ito.
"If your looking to your husband, he's also bloody lying in your living room.!"
I gasped.
Anong problema ng babaeng alupihan na ito at nandito. At bakit niya ito ginagawa. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang hawak hawak ko ang umbok sa aking tiyan. Natatakot ako. Oo natatakot ako na baka may kung anong mangyari sa akin at sa baby ko.
"A-anong ginagawa mo dito ?."
Hindi niya ako pinansin, sa halip ay may pumasok na mga armadong lalaki at saka ako ginapos. Pagkatapos noon ay binuhat nila ako.
"Dalhin niyo siya sa abandonadong bodega. Susunod ako doon.!"
Iyon lang ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa sobrang nakakahilong amoy.
.
NAGISING ako sa ingay ng mga halakhak ng kalalakihan. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makahinga ng maayos dahil feeling ko ay naamoy ko pa din ang nakakahilong amoy na iyon.
Parang droga.
Drugs ? Napabalikwas ako ng bangon. Nakahiga ako sa maliit na kama habang nakakadena ang kanang kamay ko. Mahigpit ang pagkakalagay nito at nakakandado pa. Napatingin ako sa aking sinapupunan. Nawala na ang lahat ng kaba ko ng makita kong maayos ang lagay ng baby sa sinapupunan ko. Ganoon pa man ay kailangan kong makaisip kung paano makakatakas sa lugar na ito.
"Oh gising ka na pala mahal na prinsesa.!?"
Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang babaeng alupihan na nakasandal sa gilid ng pinto habang pinag lalaruan ang baril sa kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
AcakWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.