"Where do you think are you going ?!."
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Kuya Jax na nakakatakot. Muntik ko na nga ding mabitawan ang susi ng Hennessey Venom GT ko sa sobrang pagkagulat. Ginagamit ko lang ang sasakyan na ito kapag may laban ako. Kaya nga pinaka iingat ingatan ko ito. This car is one of the fastest cars in the whole world. And hindi lingid sa kaalaman ko na alam ni Kuya Jax na sumisimple ako minsan para mangarera. Racing is my passion at wala na atang makakapigil doon. First love ko ang mga luxury cars.
Isang beses ay naaksidente na din ako dahil sa pangangarera ko at sobrang galit noon ng Kuya ko at ni Lolo. Step brother ko si Kuya Drake Jaxell Heluxus, anak ako ni daddy sa babaeng nakarelasyon niya noon. Hindi naman ako pinagmalupitan ng mga Heluxus. Sa katunayan pa nga ay minahal nila ako ng totoo. Yun nga lang sadyang sakit ng ulo ako sa pamilyang ito. Inaamin ko na hindi ako kagaya ng mga babaeng mayayaman na buhay prinsesa lang ang gusto. Gusto ko ng adventure kaya kahit underground society ay nasubukan ko. Oo naging parte ako ng mga sindekatong nagnanakaw ng mga mamahaling sasakyan. Katunayan ay kayo ko namang bumili ng mga ganoong uri ng sasakyan ang ayoko lang ay yung marami pang proseso bago ko ito makuha. Ang gusto ko ay agaran kong makukuha. At nung nalaman iyon ni Lolo at ni Kuya ay pinatapon nila ako sa US. Nag quit tuloy ako sa underground society pero kahit kailan ay hindi ko iniwan ang drag racing.
"Kuya, ipapasyal ko lang ang baby ko !. Antagal tagal na niyang nandito sa garahe.?"
Paliwanag ko pero mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Kuya Jax sa sinabi ko. Kunot na kunot ang noo niya at di nagtagal ay inilahad niya sa akin ang palad niya na para bang may hinihingi at alam ko kung ano ang ggusto niyang kunin.
"Hindi ka aalis !."
"Kuya !!?" Reklamo ko.
"Dane Jewel Heluxus!, ang sabi ko hindi ka aalis.!"
Hindi ko siya pinansin at binuksan ko na ang pinto ng Hennessey Venom GT ko. Bago ko pa man maisara iyon ay hinawakan ni Kuya Jax ang pinto para pigilan ako.
"I said --"
"Hubby, si Ayesha hinahanap ka. Iyak ng iyak.!"
Napatingin ako kay Ate Zack na asawa ng Kuya ko, and Ayesha is our little princess. Nagpapasalamat ako kay Ate Zack dahil dumating siya at dahil doon ay nabitawan ni Kuya ng pinto ng sasakyan ko na ikinatuwa ko. Dali-dali ko itong isinara at ipinaandar mabuti nalang at takot ang gwardya ng mansyon kaya binuksan niya ang malaking gate ng mga Heluxus.
Rock na ito !
Iyon ang nasa isip ko. At halos lahat ng madaan ko ay pinagtitinginan ang sasakyan ko. Bihira kasing makita ang ganitong clase ng luxury car dito sa Pilipinas. Dali-dali kong pinatakbo ito hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan madalas ginaganap ang drag racing.
Marami ng tao duto at punong puno ng iba't ibang uri ng sasakyan. Parang nanonood lang kayo ng fast and the furious dahil sa sobrang dami ng mga sasakyan dito. Pero angat na angat pa rin ang sasakyan ko sa ganda, presyo at bilis. Halos lahat ng nandito ay kaedaran ko lang. Twenty-seven years old na ako at wala pa ring nakakatalo sa akin sa larangan nito. Yung iba naman ay mga may lahi at mukhang plano ding sumali sa karera.
"Jewe !. Long time no see .!"
Lumapit ako kay Frankie ng tawagin niya ako. Siya ang organizer ng drag racing dito sa Pilipinas, ilegal ito sa buong mundo kaya delikado kaming lahat ng nandito pero kahit ganoon ay wala kaming balak na magpahuli. Si Frankie ay nakasama ko rin sa Underground Society pero tulad ko ay unalis na din ito doon sa hindi ko malamang dahilan.
"Lalaban ka ?." Tanong niya sa akin.
"Ako pa ba ?."
Sagot ko sabay agaw sa kanya ng iniinom niyang softdrinks. Napapailing nalang siya.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
DiversosWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.