~
HINDI ako makakilos ng maayos, hanggang ngayon ay matyagang nag aabang pa din ako sa labas ng operating room kung saan nasa loob noon ang aking asawa at pilit na inililigtas ang kanyang buhay. Dalawang oras na siyang inooperahan sa loob ng operating room at wala akong magawa kundi ang hintayin ang doctor na lumabas sa silid na iyon. Sinisisi ko ang sarili ko, kasalanan ko ang lahat ng nangyari.
Ligtas na sa panganib sina Amihan -- according to Kuya Calvin -- pero ang asawa ko naman ngayon ang nasa bingit ng kamatayan.
Lihim akong nagdarasal na sana ay iligtas Niya ang buhay ng taong mahal ko, na sana ay huwag Niyang hayaang mawala sa akin ang lalaking mahal ko.
Ayoko ! Hindi ko kakayanin.
"Dane, you need to get rest ! Masama sayo ang sobrang pag iisip. Ipapahatid na kita kina Daddy.!"
That's Kuya Jax. Naka ilang ulit na din niya akong pinag sabihan na magpahinga ngunit ayaw ko talagang mag paawat. Kailangan kong makitang maayos ang lagay ng asawa ko. Kailangan kong makasigurong mabuti ang lahat.
Ilang sandali pa ay nakita ko si Kuya Calvin na papalapit. Hindi ko siya nakita kanina sa hide out ng totoong kapatid ni Kuya Jax. Siguro ay siya ang nagdala kina Amihan dito sa hospital.
"Ami is now okay. Her mom and Dad too. Kamusta ka Dane ?. Sinaktan ka ba ng hayop na babaeng iyon ?." Tanong ni Kuya Calvin at alam kong nagpipigil siya sa galit.
Nagyuko ako ng ulo at pakiramdam ko ay hindi ako kabilang sa kanila.
I am not Heluxus.
"Hindi ko siya masisisi K-kuya Calvin. Kadugo niyo siya.!" Nakatungong saad ko dahil hiyang hiya ako. Hindi naman nila ako kaano ano. Isa lang akong sampid sa kanila.
"Drop it Dane ! Hindi ako naniniwala sa baliw na iyon !." Kuya Xavier gritted his teeth. "Pina-DNA ko na para matahimik ka lang !." Patuloy niya pa.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka matyagang nag hintay sa labas ng operating room. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko ngayon. May mga katanungang gumugulo sa akin. Tulad ng - paano kung hindi kayanin ni Habagat, paano na ako ? Paano kung kadugo nila Kuya Jax ang babaeng alupihan na iyon, would they hate me for stealing her lot ? Tatanggapin ba ako ni Daddy kung hindi naman niya pala ako anak. Hindi ko kaya, isipin ko palang ay pinipiga na ang puso ko sa sobrang sakit. Masakit na masakit.
Not later on ay lumabas na ang lalaking doctor sa operating room. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya dahil okupado ang utak ko sa kung ano anong bagay. Ang tumatak lang sa isip ko ay ang sabi nitong wala na sa bingit ng kamatayan ang asawa ko.
Tumayo ako at nagpunta sa chapel ng hospital. Hindi ko alam kung bakit, pero dito ako dinala ng mga yapak ko. Alam kong sa mga sandaling ito ay nililipat na ang asawa ko sa recovery room. Pupuntahan ko siya after kong magdasal.
**
"No ! He can't die ! No please ! He can't ! Hunter ! Hunter please, wake up baby !."
Malakas na iyak ang narinig ko pag labas ko ng chapel. Then I saw a woman crying like a child but her eyes is so much filled by pain. Ilang kalalakihan din ang naroon. Siguro ay kaibigan ng namatay.
"Yam, We know that it's hurt. But we need to accept it !." Sabi noong lalaking naka-suit.
"Shut up Jack ! I need Hunter back ! I love him ! Please ... Tell me that this is a lie ! A fucking joke because he wanna surprise me !."
Hindi ko na kinaya pang makinig sa kanila. Damang dama ko kasi ang hinanakit noong babae. Nakakaawa pero ganoon naman talaga ang buhay. May hangganan. Mabuti nalang at binigyan pa ni Lord ng pag kakataon ang aking asawa.
Nagtuloy na akong maglakad ng may mapansin akong matangkad na lalaking naka hospital gown at nakatanaw sa babaeng kanina pa umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ang dami kong napapansin at kung ano ba ang pakialam ko sa kanila pero lumapit pa din ako sa kanya.
"Why are you looking at her ? Why don't you go with her and hug her to ease her pain.!" I said. Normal speak actually. Kinunotan naman ako ng noo ng lalaki which is hindi na ako nagtaka.
But then he speak ..
"I can't ! She's crying because of me." Tipid na sagot nito.
"Why ? Are you the one who killed her boyfriend I guess ?." I asked.
Umiling ito sa akin at saka muling pinakatitigan ang dalagang kanina pa iyak ng iyak. "Hindi kami pwede ni Yam. And this is the best way to escape her. I need to pretend that I died. Which is practicaly true beacuse my heart is dying without her.!"
"How old are you ?."
"Twenty three. And I have a weak heart. Death is coming to me, because we doesn't have a heart donor. And if ever we had. Only ten percent is my chance to live. " nakayukong tigon nito sa akin.
He's too young for this. Naawa ako sa kanya, hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para yakapin siya. Yakapin siya ng mahigpit. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. Pero agad kong iniwaksi iyon sa aking isip. Siguro ay talagang naawa lang ako sa kanya.
"You have a ten percent chance Mr. Weak heart. I know you can do it. So, fight.!" Ngumiti ako sa kanya at nilingon din ang babaeng kanina pa umiiyak. "Fight and get her back to you ! Fight !."
"Thanks .. Ms ?"
"Mrs. Jewel Forteza.!" Inabot ko ang kamay niya.
"Hunter, Hunter Felecio." Agad din namang naghiwalay ang kamay namin. "Weird. Pakiramdam ko,ikaw iyong nawawala kong Ate." Naiiling na sabi nito.
"And it's weird too, dahil pakiramdam ko ay matagal na tayong magkakilala.! Bye for now, Hunter ! Fight.!" Isang ngiti pa ang ginawad ko dito bago ako tuluyang umalis.
Dumiretso na ako sa kwarto ni Habagat. Pakiramdam ko ay babagsak na ang talukap ng aking mga mata dahil sa sobrang antok. Napailing nalang ako. Mukhang kailangan ko na talagang matulog.
Nakadilat na ang mata ni Habagat ng maabutan ko siya sa silid. Agad ko siyang nilapitan dahil labis ang pag aalala ko dito.
"Love are you okay ?." Nag aalalang tanong ko.
"I - am. H-ow are you love ?. Did she hurt you ?."
Umiling ako at saka ginawaran ng masuyong halik ang aking asawa. I don't care kahit may pumasok pang kung sino. Basta't masaya akong gasing na ang asawa ko.
Napabitaw ako sa halik ng marahan niya akong itulak palayo sa kanya. Takhang tumingin naman ako sa kanya. His eyes were cold, kagaya noong mga panahong malamig ang pakikitungo niya sa akin.
"You need to go J-ewel ! Your not safe when I am on your side ! So leave. I don't want something bad happens to you and our baby again. So go !."
No ! Pinagtutulakan niya ako. Sabi ko na nga ba at ito ang papasok sa isip niya. Na siya ang dahilan kung bakit ako napapahamak. No it couldn't be. He can not reach how much my unreachable love for him. No one can reach how much I love my husband.
Magsasalita pa lang ako ng sumingit na si Kuya Jax sa usapan. Hindi ko nga napansin na nasa likod ko na pala siya.
"Forteza is right, Dane. Sa bahay ka muna.!"
Hindi na ako makapag salita. My heart turn into small pieces.
**
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
RandomWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.