Inayos ko ang kumot na nakataklob sa aking katawan. Pinakatitigan ko si Habagat na mahimbing ng natutulog sa aking tabi. Pagkatapos kasi ng pangyayari kanina ay dinala niya ako sa kwarto at pinarusahan ako sa paraang gusto niya.
Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Hinalikan ko pa ang dulo ng kanyang matangos na ilong bago ko ulit ito pinakatitigan. Napaka amo ng mukha niya habang natutulog. Animo'y wala itong ginawang masama sa buong buhay niya.
Sana ganito nalang siya palagi.
Unti-unti akong bumangon at saka naligo saglit bago tuluyang bumaba para makapag luto na ng hapunan.
Mag didilim na din pala. I wonder kung ano ng nangyari kila Ate Azackira, sana ay nakauwi silang ligtas. Mamaya ay pupuslit ako paalis dito para makamusta ko sila.
Binuksan ko ang refrigerator para tignan kung ano ang pwede kong lutuin ngayon. Nakakita ako ng manok so mag chi-chiken carry nalang ako.
PATAPOS na akong maghain ng bumaba si Habagat, at pansin kong bihis na bihis ito dahil naka coat and tie ito na para bang may a-attendan na business meeting. But for sure isa sa mga underground transactions niya ang aasikasuhin niya.
"Kain ka muna.!" Alok ko sa kanya.
Tinignan niya muna ang pagkaing hinain ko para sa amin bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin.
"I have many important things to do in Eternity.! I have to go."
Iyon lang ang sinabi niya at saka ako hinagkan ng mabilis labi. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero nakaramdam ako ng matinding saya at bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nakikipag karera ito sa bilis.
Tumalikod na siya at handa na para umalis ng tinapunan niyang muli ako ng tingin.
"Allergic ako sa chicken !?."
After that he leave me dumbfounded. Allergic pala siya sa chicken pero bakit may manok dito sa loob ng refrigerator niya. Haist ! Sa huli ay ako nalang ang kumain ng niluto ko.
.
.
.
.
.
.
.
*ding*dong*ding*dong*
Nasaan ba ang mga alipores ni Habagat at hindi man lang mabuksan ang gate.? Haist ! Wala na akong nagawa kundi lumabas para pagbuksan kung sino man ang kumakatok na iyon.
"Anong ginagawa mo dito ?."
Taas kilay kong tanong sa babaeng alupihan sa harap ko. Ilang araw ko na din itong hindi nakitang kasama si Habagat tapos ngayon ay narito siya ? Huh ! Akala niya siguro ay uurungan ko siya ngayon.
"Where is my boyfriend ?." Ganting pagtataray niya.
"You mean my husband ?."
"Where the hell is he ?." Angil niya.
"You don't care. And will you please get out of my sight ? Naiirita ako sa pagmumukha mo.!"
Akmang susugurin niya ako ng biglang dumating ang alipores ni Habagat at tinutukan ito ng baril. Maging ako ay nagulat dahil dati naman ay walang pakialam sa akin ang mga bodyguards ni Habagat kahit na api-apihin ako ng babaeng alupihan na ito.
"Move or else I shoot you !."
At grabe buong buo ang boses ni Kuyang alipores. Ang babaeng alupihan naman ay hindi magkamayaw sa pag mamadaling umalis dahil sa takot. Napangisi naman ako bigla.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
RandomWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.