~
FIVE MONTHS had been past. Limang buwan na ang nakalipas at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay wala akong natanggap na balita sa asawa ko. Although, madalas akong dalawin ni Amihan dito sa Heluxus Mansion. Nag aalala kasi siya sa kalagayan ko at sa ipinagbubuntis ko. Mabuti pa siya ay nag aalala, ang asawa ko kaya ? Anong ginagawa ?.
Hindi naman ako nag tatanong kay Ami dahil natatakot ako sa pwedeng isagot nito sa akin. Natatakot ako na sabihin niyang wala na talagang pakialam sa akin si Habagat.
Napabuntong hininga nalang ako at inaalala ang mga nangyari sa akin dati. Stacey –– the alupihan girl –– nasa mental hospital na ito. And according to DNA test ay hindi ito match sa mga Heluxus. So, ako talaga ang kapatid ni Kuya Jax. And one more thing, I just found out na may kapatid ako sa ina. May iba pang nakabuntis kay Mama Sonia after niya kay Daddy. Hindi ko alam kung nasaan na ito pero may kutob akong nakita ko na siya.
Sa katunayan ay araw araw ko itong pinupuntahan sa hospital.
Hunter Felecio.
Malakas talaga ang kutob ko na siya iyon. Kahit na alam kong may lahi ang batang iyon. At isa pa, hindi nag kakalayo ang edad namin.
"Hi Hunter. I brought some strawberries, your favorite.!"
Binigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiti na pakiramdam ko ay matutunaw ang puso ko.
"Hello, your tummy is really big Ate.! It's look like a big ball.!"
Sanay na akongbtawagin niyang Ate. Which is gustong gusto ko, bini-baby kasi ako ni Kuya Jax, at ako ang lagi niyang inaalagaan. Kaya gusto ko ako naman ang mag aalaga at kay Hunter ko napadama iyon.
"Silly. So, how are you ?. Dumalaw na ba ang daddy mo ?." Hindi ko pa kasi ito nakita kahit noong mga nakaraang araw.
Nagbaba siya ng tingin.
"Not yet. But hey, I have a good news. I have a donor now Ate.!" Masayang balita nito.
"That's good ! When will be your operation ?."
"Next week. Ililipat ako sa America. Doon ako mag papaopera Ate.!" Bahagya akong nalungkot sa sinabi niya. Another important man in my life will leave me.
"Goodluck then, don't forget Ate huh !." Pilit akong ngumiti.
"Ofcourse, I wanna see your baby and I want you to teach me how to speak tagalog.!"
Natawa ako sa sinabi niya, oo nga pala at nagpapaturo siya sa akin magtagalog. Which is okay lang naman sa akin, infact ay malaki naman ang naitutulong niya sa akin para hindi ako ma-bored.
Haist. I really miss Habagat. Ano na kaya ang ginagawa ng asawa ko ngayon ?. Iniisip niya din ba ako ? May pakialam pa ba siya sa akin ?.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung dapat pa ba akong umasa. Dahil pakiramdam ko ay wala na akong aasahan.
Ilang saglit pa ay dumating na ang mga kaibigan ni Hunter. Madalas kong makita ang mga kalalakihang ito sa tuwing dumadalaw ako. At natutuwa ako dahil may ganito kadaming kaibigan si Hunter.
Nanatili pa ako saglit at nakipag kwentuhan sa kanila bago ako tuluyang umalis. Medyo masakit na din kasi ang tyan ko, nag aalala ako dahil any time ay pwede ng lumabas ang baby ko.
"AHH !."
Napahawak ako sa pader malapit sa akin. Bigla nalang humilab ang tyan ko ! God, mukhang manganganak na yata ako. Good thing at nasa hospital ako.
"Nurse, Nurse, tulong !."
Nagsilapitan naman sa akin ang mga nurses at saka pibahiga ako sa stretcher. Nararamdaman ko na ang sakit ng paghilab sa aking tyan. God ! Lalabas na nga sila.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
RandomWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.