Race ❤ 2

37.9K 1K 12
                                    

Hindi ako makapaniwala kung gaano kaliit ang mundong ginagalawan ko. Pakiramdam ko ay katapusan ko na ng makita ko ang lalaking walang kasing sama. Siya ang lalaking muntik ng kumaha ng pagkatao ko. Ang lalaking pinakamayaman sa lahat ng nakilala ko dahil sa sobrang daming pinagnakawan nito. Kabilang siya sa grupong sinalihan ko noon sa Underground society ang Black Eternity at hindi lang siya basta basta doon dahil siya ang leader ng grupong ito. Ilang mga tinatawag na Mafias ang napabagsak nito dahil sa sobrang makapangyarihan nito. At alam kong malaki ang kasalanan ko sa Black Eternity dahil nag quit ako ng walang pasabi at alam kong may parusa ang lahat ng iyon.

Napalunok ako ng makita ko ang matatalim na tingin niya sa akin. Ngayon ko lang napansin na magkamukhang magkamukha sila ni Amihan. Hindi kaya kambal ang dalawang ito. Pero mamaya ko na iyon iisipin kailangan ko munang harapin si Habagat ngayon.

"Hab-Habagat ..!"

"Papatayin kita kapag may nangyaring hindi maganda kay Amihan !?."

Sinenyasan niya ang mga kasunod niyang mga lalaking naka itim para kuhanin ako. Nagpupumiglas naman ako.

"Ano ba, bitiwan nito ako !. Wala akong kasalanan !!."

"HQ3"

Nanlaki ang ulo ko ng sabihin niya iyon sa mga bodyguards niya. Ibig sabihin ay itatago nila ako sa Head Quarters 3 ?. Hindi pwede dahil hahanapin ako nila Kuya at Lolo. Naiiyak na ako dahil natatakot na ako kung ano na ang susunod na mangyayari sa akin. Wala naman talaga akong ginawang masama. Nagpupumiglas ako pero parang mga bingi ang mga lalaking ito dahil hindi nila ako naririnig.

Hanggang sa pagpasok namin sa SUV ay nagpupumiglas ako. Nakita ko namang tinutukan ng baril ang gwardya kaya hindi nito nagawang tulungan ako. Wala na akong lakas ng maramdaman ko ang kakaibang amoy na itinaklob sa akin ng isa sa kanila hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

______________________________________

Nagising ako ng makarinig ng malakas na kalabog pero hindi iyon dito sa loob ng kwarto kung saan ako nakatulog. Nakatali ang paa at kamay ko habang may nakatakip na duck tape sa bibig ko. Naiiyak na ako sa sobrang takot na baka patayin nila ako. Hindi ako pinalaki ni daddy na iyakin sa katunayan ay palaban ako pero paano ako lalaban sa taong katulad nila ? Mga halang ang kaluluwa.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwartong kinalalagyan ko. Walang ibang gamit dito kundi ang kama na kinauupuan ko at ang maliit na lamesa sa gilid ko. Isama mo pa ang maliit na kulay orange na ilaw dito na masakit sa mata. Ibang iba ito sa HQ1 na madalas na pag meetingan namin noon. Dahil iyon ay itsurang bahay kahit paano, ngayon lang ako nakapunta dito at sa palagay ko ay isa itong abandonadong building ni ginawan lang ng maliit na kwarto.

Naririnig ko ang tawanan ng mga bodyguards sa labas. Siguro ay nasa pangalawang palapag ako hindi ko alam dhil wala man lang bintana sa kwartong ito. Hanggang sa madinig ko ang pagbukas ng pinto at makita ko ang asul na mata ng lalaking walang kasing sama. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang duck tape sa mukha ko.

"Akalain mong magtatagpo pa tayo ?."

Inangat niya ang mukha ko habang hawak hawak niya ang baba ko at titig na titig sa mgas mata ko. Natatakot na ako promise ! Sana ay hinahanap na ako nila Kuya ngayon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko ay matutunaw ako.

"Wala akong ginawa sa kapatid mo!, siya ang naghamon !?." Tiim bagang na sabi ko. Lumayo naman siya sa akin ng bahagya.

"Alam ko !. Kinuwento sa akin ni Frankie lahat .!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at saka tuminging muli sa bagong bukas na pinto. Inuliwa noon si Frankie Rosario.

"Boss !."

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon