Race ❤ 4

32K 813 11
                                    

Jewel's POV

"Oh, hijo mabuti at nandito kana, teka sino iyang kasama mo ?."

Nandito kami ngayon sa loob ng mansion nila. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito. Pero ngayon ko lang nakita ang magandang ginang na sumalubong sa amin pagkarating namin. May edad na ang ginang pero maganda pa din ito at mukhang bata. Simple lang siyang tignan pero halatang may class ito pagdating sa mga kilos nito.

"My wife ."

Nakita ko ang panlalaki ng mata ng ginang ng ipakilala ako ni Habagat sa kanya. Mukhang gulat na gulat ang reaksyon nito pero saglit lang iyon at binigyan niya ng matatalim na titig si Habagat.

"Kailan kayo ikinasal ? Wala ka talagang modong bata ka, ni hindi man lang tayo nakapag mamanhikan sa kanila !?." Bakas ang pagtatampo sa boses ng ginang.

Ako naman ay nahihiya sa mga nangyayari. Ang dahilan kasi kaya kami nagpunta ng monisipyo ay para magpakasal kay mayor at kumuha na din ng marrage liscence. Hindi ko alam kung bakit hinawa iyon ni Habagat siguro ay parte na rin ito ng plano niyang pagpapahirap sa akin. Mas ok na yung ganito kaysa naman madamay pa ang mga pamangkin ko. At isa pa, plano ko din naman na palambutin ang puso ni Habagat kaya mas mabuti na iyong ganito ang estado naming dalawa.

Hindi pinansin ni Habagat ang ginang, siguro ay ito ang ina niya. Nilagpasan niya ang ginang at saka dumiretso paakyat ng hagdanan. Maging ako ay hindi niya inimik.

"Pasensiya kana hija ha, may sapak talaga sa ulo iyang asawa mo. Halika na dito sa loob.!"

Ngumiti lang ako sa ginang at saka umupo kami sa may malaking sofa sa living room ng mansion.

"Ako ang ina ni Habagat, Mommy Amarah nalang ang itawag mo sa akin hija, anong pangalan mo ?." Nakangiting tanong niya sa akin. Mukhang napakabait ng ina nila Habagat, I wonder kung kanino ito nagmana ng kahangalang ugali nito.

"Jewel po, M-mommy.!" Nahihiyang tugon ko.

"Ano ka ba, wag ka ng mahiya." Tatawa tawang saad ng ginang. "Alam mo, natutuwa ako at nagpakasal na si Habagat para naman may kasama na sila dito ni Amihan sa bahay.!?" Napatingin ako sa ginang na may halong pagtataka dahil sa sinabi niya.

"Palagi kasing wala dito si Pacifico, ang daddy nila. Ako naman ay sa bahay ng mga magulang ko nakatira.!" Patuloy ni Mommy Amarah.

Ikinuwento niya sa akin na hiwalay sila ng daddy ni Habagat kahit na mahal na mahal niya ito. Naghiwalay sila sa kadahilanang hindi niya ibinanggit sa akin. Naiintindihan ko naman si Mommy Amarah dahil halata naman sa mga mata niya na mahal na mahal niya pa din ang daddy nila Habagat.

Bigla ko tuloy namiss si Daddy at ang mga pamangkin ko. Si Ate Zack na sobrang sarap magluto at sobrang pikunin. Namimiss ko na sa bahay, siguro ay nag aalala na sila para sa akin.

Itinuro sa akin ni Mommy Amarah ang kwarto ni Habagat at magiging kwarto ko na din daw dahil kasal naman na daw kami. Napabuntong hininga naman ako. Oo,pinangarap ko ang maikasal kay Habagat pero hindi sa ganitong paraan. Ang gusto ko ay yung mahal ko siya at higit sa lahat ay mahal niya ako.

Sino bang nangarap na babaeng maikasal ng sapilitan ? Ng maikasal na ikaw lang ang nagmamahal ?.

Haist ! Pinihit ko ang doorknob papasok sa kwarto ni Habagat. Nadatnan ko siya doon na nakaupo sa isang love seat habang hawak hawak ang bote ng alak. Siguro ay kailangan ko ng umpisahan ang plano kong palambutin ang puso niya.

Nilapitan ko siya at kinuha ko ang bote ng alak na hawak hawak niya. Dahilan para magalit siya.

"What the fuck is wrong with you ?."

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon