Race ❤ 10

28K 766 10
                                    

GAMIT ko ang asul Lamborghini Aventor LP 700-4. Binili ko ito noong nakaraang araw na nagpunta kami ng mall ni Frankie, naisip ko kasi na kung gusto kong maayos ang pagsasama namin ni Habagata ay dapat ko munang ayusin ang sarili kong buhay. Nawalan man kami ng anak ay patuloy pa din naman ang buhay. Sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan at ipagpatuloy ang buhay.

Ngayong gabi ay umalis ako sa mansion ng mga Forteza, bukod sa nandoon ang babaeng alupihan na si Stacey ay wala akong planong makipagbangayan dito. Hindi ko ibababa ang sarili ko sa ganoong uri ng tao. The Heluxus's raise me well kaya hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sa babaeng alupihan na iyon.

Nag ikot ikot lang ako sa buong syudad. Wala akong balak makipag karera ngayon. Hindi ako natatakot dahil sa naaksidente ako noong huli pero gusto ko munang mag lie-low dito. Kahit na ito ang hilig ko, hindi ko parin maitatanggi ang katotohananh dahil sa pangangarera ko ay nawala ang isang taong pinakamahalaga sa akin.

If I only knew ..

Ilang oras din akong nag ikot ikot bago ko napagdesisyunang bumalik na sa mansion ng mga Forteza.

Tahimik ang buong kabahayan ng makapasok ako. Siguro ay nasa isa nanaman sa mga guest room ang lalaking mahal ko at ang babaeng alupihan. Pero nagulat ako ng makita ko ang bulto ng lalaki sa may bandang counter tops ng bar dito sa loob ng bahay.

Si Habagat.

May hawak hawak itong isang glass wine at kitang kita ko sa bote ng alak na iniinom niya kung hanggang saan na ang naubos nito. Napansin ko lang na gabi gabi siyang nag lalasing sa tuwing nakikita ko siya.

Nadako ang paningin noya sa akin at halos manlambot ang mga tuhod ko, dahil for the first time in my life, nakita kong may luha mula sa kanyang mga mata.

"Where have you been ?." May slang na ang pananalita nito dahil sa dami na nitong nainom na alcohol.

"Tch ! Did you race again ?." Tanong niyang muli bago lumagok muli ng likidong nakalalasing. "Ikaw nalang sana ang namatay, hindi ang anak ko !."

This time pati ako ay napaiyak na. Ngayon lang namin napag usapan ang tungkol sa magiging anak sana namin na unfortunately ay hindi nabuhay. Magmula noong lumabas ako sa hospital ay hindi namin napag uusapan ang tungkol sa bagay na ito. And now I know kung bakit siya umiiyak ngayon. Iyon ay dahil sa anak namin. Sa anak sana namin ngayon.

"I-I'm sorry .."

Hindi ko alam pero iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ang humingi ng tawad dahil hindi ko man sinadya iyon, ako pa din ang nagpabaya. Ako pa din ang may kasalanan.

"Sorry wouldn't be enough to bring my child's life back.!" Malamig na sabi niya at saka tuluyan na siyang tumayo at lagpasan ako.

"Mahal kita Habagat ! Patawarin mo ako !."

Sapat lang ang boses ko na ako lang ang makakarinig ng banggitin kong mahal ko siya. Tuloy tuloy ang oag agos ng luha ko. Nasasaktan ako ng sobra, hindi ganito ang buhay ko noong nasa mga Heluxus pa ako. Hindi ganito ang pinangarap kong buhay. Ang kaso, hindi ko kayang sukuan si Habagat kahit gaano ba siya kasamang nilalang.

"Ang sabi ko pahihirapan kita, pero dahil sa ginawa mo sa anak ko ako ang nahihirapan ngayon !."

Matapos noon ay tuluyan na siyang umakyat sa hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papaakyat doon.

Akala niya ba siya lang ang nahihirapan ? Akala niya ba ay siya lang ang nasasaktan ? Mas lalo naman ako. Ako din ang nawalan ng anak hindi lang siya. At higit sa lahat, magkasama kami sa iisang bahay pero bakit parang ang layo layo niya sa akin. Bakit ang layo mo ?

My Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon