-"BUNTIS ka na ulit hija ?!."
Apat na araw na magmula noong nakalabas ako ng hospital, nanatili ako doon ng limang araw at ang mahigpit na bilin ng doctor ay huwag akong mag papa-stress. Haist ! Sa nangyari sa akin ay parang nakalimutan na ni Habagat ang tungkol sa issue ng mga kapatid niya - si Amihan at Atmospera. Mas mabuti na din iyon kahit na gustong gusto kong malaman ang tungkol sa bunso nilang pumanaw na.
Kasalukuyang nasa living room kami ngayon kasama ko si Mommy Amarah. Nakabalik na pala ito mula sa bakasyon kasama ang ama nila Habagat. Si Tito Pacifico, hindi pa kami pormal na magkakilala pero ngayon palang ay natatakot na ako sa kanya. Para siyang si Habagat noon na animo'y mangangain ng buhay. Mukhang okay na sila ni Mommy Amarah.
"Opo mommy, three weeks and four days na po.!"
"Talaga ?! Nakakatuwa naman hija. Congratulations.!?"
Bakas sa mukha ni Mommy Amarah ang pagkatuwa sa balitang ibinahagi ko. Si Amihan naman ay nakangiti lang pero alam kong may parte sa kanya ang nasasaktan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ng pinsan ko matapos iyong nangyaring pagtatali ni Habagat at ni Kuya Calvin. Sa tuwing inuungkat ko kasi ang topic na iyon ay hindi ako kinikibo ng aking asawa. Alam kong ayaw niya akong nai-stress ng sobra kaya hindi niya sinasagot ang tanong ko. Wala naman na akong magawa tungkol doon.
"Kailangan mo ng mag ingat ngayon hija.! Ay, oo nga pala. Ito ang daddy nila Amihan at Habagat. Si Pacifico.!?" Pagpapakilala ni Mommy Amarah sa dating asawa nito.
"Nice meeting you Sr.!?" Tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya at saka binalingan si Habagat na kakababa lang ng hagdan.
"Son, we have to talk !?"
Lumapit at ginawaran muna ako ni Habagat ng halik sa labi bago siya sumama kay Tito Pacifico papunta ng garden area ng mansion.
"Pag pasensyahan mo na si Pacifico hija, may topak lang iyon ngayon.!?"
Somehow ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mommy Amarah.
"Oh siya sige, magluluto muna ako ng tanghalian natin.!?" Tumayo na si Mommy Amarah para magtungo sa kusina at magluto. Sa ngayon ay kami nalang ni Amihan ang naiwan dito sa living room.
"Ami I'm sorry, wala akong nagawa para sa inyo ni Kuya Calvin.!?" Paninimula ko.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit at nagsimula na siyang umiyak.
"No, ako dapat ang humingi ng tawad Jewel, sa pangalawang pagkakataon ay muntik ka nanamang makunan ng dahil sa akin.!?"
"Wala kang kasalanan Ami. Hindi sinasadya ang lahat ng nangyari.!?"
"Pero, si Hab. Galit siya sakin. Sobra.! Hindi niya lang pinapahalata dahil nandito sila Mommy.!?" Iyak lang siya ng iyak.
"Maiintindihan din niya ang lahat kapag naliwanagan na siya.!?"
Napatitig sa akin si Amihan. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Iyon ay ang silid ni Atmospera na wala pang nangahas na pumasok mag mula noong pumanaw ito.
"Pero ..." Nilipat niya ang tingin niya kay Frankie na nakabantay sa amin.
"Frankie, pwede bang pakibili mo muna ako ng gummy bears gusto ko kasing panggigilan iyon.!?" Utos ko. Aalma pa sana siya ng nag salita akong muli. "Sige na please.!"
At nang makaalis na ito ay inalalayan ako ni Amihan paakyat ng hagdan. Maingat ako sa lahat ng kilos ko dahil ayaw ko na ulit mapahamak ang batang dinadala ko. Minsan ng nangyari iyon at pinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi na mauulit iyon.
Nasa may hallway na kami papuntang silid ng nakababatang kapatid nito ng humarang sa amin ang isa sa mga tauhan ni Habagat.
"Saan po kayo pupunta maa'm ?!"
"Ahmm. Pakikuha mo daw iyong papeles na sinasabi ni Habagat sayo, kailangan niya daw iyon ngayon na.!?" Pag dadahilan ko.
Nakita ko ang pangungunot ng noo ng naturang tauhang iyon. Siguro ay nagtataka sa sinabi ko.
"Dalian mo na ! Hinihintay ka ni Hab !!" Kinindatan naman ako ni Ami ng makaalis na ang alipores na iyon.
Dumiretso kami sa kwarto ni Atmospera at ni-lock iyon ng makapasok kami sa loob. Puno na ng alikabok ang kwartong ito at kung horror lang ang story na ito ay kanina pa ako natakot. Pero hindi, nandito kami para maliwanagan sa lahat.
"Sa closet ako mag hahanap, dito ka nalang sa bedside sissy, ingat ka sa pag lalakad.!?"
Tumango lang ako sa kanya. May kalakihan din ang kwartong ito. At kung mapapansin mo ay puro lila ang kulay na makikita mo dito. Malamang ay mahilig siya sa violet.
Naglakad ako patungo sa study table niya. Maging ang mga libro dito ay puno na ng alikabok. Hindi ko alam pero may kung anong nagtulak sa akin na buksan ang isa sa mga drawer dito. Perp bigo ako dahil naka-lock ito kaya naman nilipat kp ang atensiyon sa mga picture frame dito sa loob ng kwarto niya. Siguro ay mahilig siyang magpinta dahil puro mga paintings niya ang nakasabit sa dingding ng kanyang silid.
Hinawakan ko ang painting na nakaukit ang isang itim na puso. Nakakalungkot na tignan ito dahil parang sobra siyang nasasaktan noong pinipinta niya ito.
Hindi sinasadyang naigalaw ko iyon at napakunot ang noo ko ng may kung anong maliit na bagay ang nalaglag mula sa likuran ng painting na iyon.
Susi ?
Dali-dali kong pinulot iyon at saka pumunta sa study table ni Atmospera. Hindi niya itatago ang susing ito sa likod ng painting na iyon kung walang ibig sabihin kaya naman alam kong nandito ang kasagutan sa drawer na ito.
Natuwa ako ng magkasya ang susi sa drawer na iyon. Nang buksan ko iyon ay isang diary ang bumungad sa akin.
Atmospera's Heartaches
Iyon agad ang bumungad sa akin sa unang pahina ng papel. Maging ako ay nasasaktan ng basahin niya iyon. Nakasulat dito kung gaano niya kamahal si Kuya Calvin at kung paanong nabigo siya sa pag ibig nito.
September 2, 2012
I was crying inside my room knowing that there is nothing gonna happen to me. Calvin is madly inlove with my sister (Amihan) and it's killing me indside. Today is my birthday but I choose not to celebrate it because I'm badly hurt. So much hurt.
Today I wanna paint how my heart is aching. How my heart is breaking apart.
A black heart.
~Momo
Umiiyak pa din ako hanggang ngayon. Marami pang nakasulat pero mas interesado ako sa huling sinulat niya.
November 18, 2012
I was rape. With my Kuya Habagat's bodyguards.
Bodyguards ! With s !
Iyon lang ang nakasulat sa huling entry. Ibig sabihin ay ginahasa siya ng mga bodyguards ni Habagat noon ? Hindi ko kinakaya ang mag nabasa ko. Ilang words lang iyon pero nagimbala ang buong pagkatao ko.
Dire-diretso ang pag tulo ng mga luha ko. Nasasaktan ako sa sinapit niya.
"Sissy ? Bakit ka umiiyak ?." Wala na akong sinabi. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit.
"Bakit ? Wag kang umiyak. Baka mapano ka.!?"
"D-diary.!?" Iyon labg ang nasabi ko.
"May CD akong nakuha sa mga shoe box niya. May nakadrawing na black heart kaya kinuha ko.! Ano bang laman niyang diary ?.!"
Bago pa man ako makapag salita ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Habagat at si Frankie.
"What are you two doing here ?!" Saad ni Habagat. Nakita niya sigurong umiiyak ako kaya agad siyang lumapit sa akin. "Love, what happened ?!"
"H-hab-agat !?."
"Love, stop crying !?. Ano bang nangyari Ami ?!"
"Anong nangyayari dito ?." Naulingan ko ang boses ni Mommy Amarah bago ako tuluyang nawalan ng malay.
******
BINABASA MO ANG
My Soulmate (COMPLETED)
De TodoWhat is Love ? Hindi daw ito uso kay Habagat Forteza. Pero nabago ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya si Dane Jewel Heluxus.